TASK 54: Foundation DayTonight, I decided to sneak out. Hinintay ko munang makatulog si Ma'am Helen bago tumakas. Pang third night na itong katabi ko siya matulog. Somehow I got used to the smell of that green oil.
"Shh!" I hushed. Si Nico kasi parang nagulat pa sa ginawa ko.
"Buti nakatakas ka sa." He tried not to laugh.
"It's not funny you know?"
"May ginawa ba siyang masama sayo?"
"Wala naman." Sa katunayan nga bumait na siya ng mga 5%. Hindi na niya kasi ako pinag-iinitan sa lahat ng ginagawa ko. Mas hinahayaan niya na ako sa gawaing bahay. Yun nga lang hindi ako makakuha ng mahabang time kasama si Nico. Kung wala siya sa work, nandyan naman nakabakod si Ma'am Helen o kaya si Alice. Gustong gusto ko na sabihin kay Nico kung sino ako pero hindi ako makakuha ng magandang chance. I can't sleep properly. Patagal ng patagal, mas hindi ko masabi kay Nico at mas nilalamon ako ng konsensya ko.
Niyakap niya ako. "I missed you."
"I missed you too." I need to tell him who I am, where I came from. It doesn't matter if he accept me or not as long as I'm not lying to him. "I have something to tell you.." Pero wag sanang hinahalikan ako sa leeg para makapag-concentrate ako.
"I'm quite tired today. Let's go to bed?"
"But I have something to tell you."
"Ako din. May kailangan lang talaga akong tapusin mamayang madaling araw na isang scene. Hahabol na lang ako sa Foundation Day ng school ni Alice."
"Uunahin mo na naman yun?" Naiba na naman ang timpla ko. I know, he's very hardworking and responsible person but it's not good. Nakakalimutan na niya ang iba pang kailangan niyang gawin.
"I promised I'll come." He cupped my face with his hands.
"Siguraduhin mo. Bukod sa papanuorin nating sumayaw si Alice, kailangan din natin magpamigay ng invitation para sa birthday niya."
"Pangakong sinelyuhan ng halik." Ngumiti siya at mabilis akong hinalikan sa lips. Saglit lang naman talaga. "Can we go to bed now?"
"Sur---"
"Kikay!"
Napahiwalay naman kaagad kami ni Nico sa gulat noong makita namin si Helen.
"Po?"
"Sinabi ko naman dibang tabi tayo matulog."
"Ma, you're over doing it."
"Bakit? Hindi kayo makapagpigil ng kahit sandali lang? Sinusubukan ko kayong dalawa. Baka pag-ibig sa laman lang ang namamagitan sa inyo. Nicholas, alam mo namang pinangako ko sayo na magiging mahigpit na ako sa pipilin mong babae."
Walang nakasagot sa amin. Kung pagsubok 'to, I'll prove to her that this is not just lust. I never felt this way before, I'm sure that I'm in love with Nico... At the same time, guilty.
Bakit hindi ko na naman nasabi?!
<3