TASK 14: Found You

177K 2.2K 157
                                    

TASK 14: Found You

We end up ordering breakfast in a fastfood resto after I toothbrushed and washed my face (bumili kami ng toothbrush at toothpaste sa mini store kanina). Habang kumakain, in-explain ko sa kaniya na nagkabati na kami ni Nico after the phone call at minasahe ko lang yung likod at kamay ni Sir Nico kaya naabutan niya kaming tulog sa sala.

I said that due to tiredness kaya ako nakatulog katabi si Nico pero ang totoo, hindi ko namalayang nakatulog ako habang tinitingnan yung peaceful na mukha ni Sir. Grabe! Artista nga siya sa kagwapuhan.

"I'm sorry for jumping into conclusion." Nahihiyang sabi ni Sir Maj.

Sht! Ang cute niya.

"No problemos Señor." Pagbibiro ko sa kaniya. Wala na naman sa akin yun. Okay na kami ni Nico at dahil sa sinabi niya kay Alice, alam ko na kung bakit galit yung batang yun sa akin. It's about the accidental kiss! Gosh! Hindi na nga namin pinansin yun ni Nico pero yung bata pala dinamdam.

"May naisip akong gawin sayo para naman makabawi ako. Tara at tatanggalin natin ang aftermath ng ginawa sayo ni Alice."

Oo nga pala! Kanina sa CR mejo nabura na yung marker sa mukha ko pero yung buhok ko sabog pa rin!

Sumakay uli kami ni Maj sa kotse niya at nagpunta kami sa isang mall. Ang saya lang kasi pag si Maj yung kasama ko, walang mga fan girls na nagsisipaglapitan. I can feel that I'm safe with him. Para nga lang kami nag de-date. Kidding.

Huminto kami sa isang salon at doon pareho kaming nagpa-hotoil at pagupit. Oh diba, date sa Salon. Well, kwento kasi ni Maj sa akin, matagal na raw siyang hindi nakakapagpaayos ng buhok. Obvious naman kasi mahaba na yung buhok niya. Mejo natatakpan na yung mata dahil sa bangs niya, natakpan na rin yung tenga niya at may buntot na rin yung buhok niya. The finished product, mas lalo siyang gumwapo! Hindi siya kasing gwapo ni Nico pero kung ako yung babae, siguradong mapapalingon ako sa kaniya.

"Mas lalo kayong gumwapo Sir!" Pagpuri ko sa kaniya.

"Thank you but you look good too, Kyra."

Ako pala ginupitan yung mahaba kong buhok at nagpalagay ng bangs para mas madaling mag disguise kung may makakilala man sa akin.

"Mambobola rin pala kayo."

"May isa pa tayong pupuntahan."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano kaya yun? Hindi niya kasi sinagot, basta tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Alam naman kasi niya na susundan ko siya. Tumigil kami sa hindi kalayuan. Nakita ko yung sign board at napangiti na lang ako.

Jackpot talaga ako kay Sir Maj. This time we're going inside the spa!

Nagpa-body massage kami at facial spa kami ni Maj. This is so great! After three weeks of hardship in working as a maid, this is definitly the best! Nawala yung sakit ng likod at braso ko. Siguro mas enjoy ko 'to pag kasama ko si Sir sa room. Waahh!

Pagkatapos kong imassage lumabas ako ng massage room ko ng naka-robe lang. Hinihintay ko kasi si Sir Maj matapos at makita ko naman uli yung abs niya.

"Kyra?" I heard a deep voice calling my name. I thought it was Maj but I was wrong.



WTH!



___



Napapangiti si Maj habang minamasahe siya. Nakikita kasi niya sa imahinasiyon niya si Kyra. Nakakatawa kasi yung dalaga. Kanina kasi ayaw tangaling yung kamay sa bibig niya dahil hindi pa raw ito nakakapagsipilyo. Pinigilan nga lang ni Maj ang humalakhak nun kasi alam niyang may kasalanan pa siya kay Kyra. Kung ano-ano kasing tumatakbo sa isip niya.

Hindi naman kasi mapagkakailang nagagandahan siya sa katulong. Umpisa pa lang, over-qualified na si Kyra sa pagiging katulong. Para sa kaniya, may mas iba pang bagay na trabaho sa kaniya. A model maybe, an actress or his wife.

Napailing siya sa huling naisip. Wife? Nasisiraan na siya ng bait. Nakikita niya kasi kay Kyra ang type niyang babae. Maputi, maganda, may dimples, balingkinitan, masaya kasama at mukhang optimistic. Bukod pa doon ay wala itong maraming reklamo. Kung saan siya dalhin kaagad nakakapagblend-in ang dalaga. Tulad ngayon, parang sanay na ito sa spa.

"Sir, tapos na po."

Natigil sa pag-iisip si Maj ng matapos na ang pagmamasahe sa kaniya.

"Thank you." Tumayo na siya at hindi na inabala pang isuot yung robe tutal naman malapit lang naman yung locker sa kwarto niya.

Pagkalabas niya sa massage room ay may bumungo sa kaniya. Sigurado siyang si Kyra yun pero nakatalikod sa kaniya ang dalaga at may ibang tinitingnan.

"I finally found you." Sabi ng isang customer ng spa kay Kyra.



-----<3

Sorry puro narration sa mga gusto ng dialogue.

Waaahh! Hindi ko alam kung kanino ko ipapartner si Kyra. Kay Maj, Daniel or Nico?

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon