TASK 23: Shooting

167K 2.6K 54
                                    

TASK 23: Shooting

As usual busy pa rin si Sir Nico. But he's trying his best to be with Alice like now, nasa-set kami ng movie ni Nico. Kaya naman pala hindi maka-uwi ang loko kasi sa Subic ang location.

"And cut! That's great!"

Sa wakas ang pinakagusto kong line ng director kasi uwian na for sure!

"Dad, is that a real blood?" Turo ni Alice sa kamay ni Nico ng lumapit sa amin.

"No dear, this is a fake one."

"What did you do? Queen did not let me watch you filming." Alice pouted.

Of course I'm not! Eto nga yung kinaiinit ng ulo ko ngayon. Isinama niya kami sa set para makita ng bata yung bugbugan scene sa film na ginagawa niya. Let's talk about Parental Guidance people! Tsk!

"Oh," Nakita ata ni Nico na inis na naman ako kaya hindi na siya nag comment pa. "I'll change first then we're going to the hotel"

"Yes Dad!"



<3

WTH!

"No room available room?" Napa-iling na lang si Nico sa receptionist ng tinutulugang hotel. Puno na raw kasi lahat ng kwarto! Like where can I sleep now?

"Sorry Sir but we can give you an additional matress."

Walang nagawa si Nico kundi tanggapin na lang. Alangan namang sa lapag ako matulog hindi ba?

Sabi kasi, bukod sa halos kalahati ng room ay occupied ng mga crews and staffs (filming), may kasal din daw bukas kaya't full packed na ang hotel.

Gusto ko sanang mag suggest na sa ibang hotel na lang ako, pero DUH?! Maid lang ako. And I don't care much seeing Nico sleeping basta may clothes lang siya matulog. Anyway, enough for my green mind, I'm still quite pissed about him bringing Alice on the set.

"You're mad at me right?" He asked after he was sured that Alice is sleeping.

"Oo." Pranka kong sagot. Hindi ko siya tinitingnan at binibusy ang sarili sa pagaayos ng extra bed na hihigaan ko.

"About what?"

"Nagtatanong ka pa."

"Kikay," He begged.

"Hindi mo ba naiisip na pwedeng makasama kay Alice yung pagta-tumbling, pagba-baril at pagpa-patay mo kunwari dun? Tatay ka nung bata. Pwede ka niya gayahin."

"Sorry,"

"Nagso-sorry ka na naman!"

"Anong gagawin ko?"

Kiss me! Joke! "Mas mabuti pang iwan mo na lang kami dito sa hotel o kaya naman pagpasiyalin mo kami."

"Unfair, gusto ko rin mamasiyal."

Hindi ko napigilang wag matawa. Ang cute side na naman ni Sir Nico ang nakikita ko na bihira niyang gawin sa TV. Tapos ngumingiti pa siya ngayon na hindi pangkaraniwang ngiti niya. This time it's genuine, I know.

"Di mamamasiyal na lang kami pag-vacant mo."

"Good. Susubukan kong matapos kaagad yung taping bukas para makapasiyal tayo." Sabi niya habang humihiga na sa kama. Katabi niya si Alice. "Papatayin ko na yung ilaw. Good night."

"Good night." Ipinikit ko na ang mata ko. Hayy.. Nakakapagod din ang maghintay matapos ang taping.

Zzz







<3



"Kikay, pst! Kikay"

Ano ba? Kakatulog ko pa lang.

"Kikay,"

Para akong zombieng umupo sa kama ko. Napakusot ako ng mata bago makita si Nico na nakatayo at tinitingnan yung kama. Bukas yung lamp shade kaya kita ko siya. "What?"

"Ganito ba kalikot matulog si Alice?"

"Yeah, good thing you puooops!" Nakalimutan kong ako pala si Kikay the maid. "Ganyan talaga yan. Buti nga may mga harang yung kama niya kaya't safe siya." Sa bahay kasi yung kama ni Alice pwedeng maging parang crib. Natatanggal tapos naibabalik yung harang.

"Tingnan mo siya ngayon? Kanina muntikan na rin siyang malaglag."

Sinilip ko si Alice sa kama. Naka-horizontal na siya kaya't hindi alam ni Nico kung saan siya hihiga. Yung mga nilagay kong unan pang harang in case na mahulog si Alice wala na rin.

"Tsk," Napailing si Nico at inayos na niya si Alice sa pagkakahiga. "Kikay, dito ka na matulog."



"Sige po. Doon na lang po kayo sa extra bed." Tumayo na ako sa kinahihigaan ko.

"No, kailangan nating pagitnaan si Alice para hindi mahulog."

Sa iisang kama kami matutulog? Seriously?

Well, no need to be excited. Nasa pagitan naman si Alice. Humiga na si Nico sa left side ni Alice, ako naman sa right.

"Good night again." He said before turning off the lamp.

Hindi na ako sumagot. Niyakap ko na lang si Alice para hindi na maglikot.







---------<3



Natangap ko na po ang sahod kong comment and vote! Maraming salamat! :))



AYAN... sunod-sunod na chap na ah. ang mag reklamo pa... ewan ko na lang

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon