Chapter 3

1.8M 67.2K 64.1K
                                    

Chapter 3: Kissed

Ace's Point of View

I took a sip from my coffee. Napansin ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa tasa ng kape. Natakot ako hindi dahil sa nangyari sa akin kanina kundi sa katotohanang may panibago na naman kaming kakaharapin. Nakakatakot ang mga susunod pang mangyayari.

"May kakilala ka bang may galit sa inyo?" Matt asked me.

Kaninang nasa nitso ako ay dumating si Matt. Sinundan nya raw ang sasakyan ko nang mapansin na nagmamadali ako at masama rin din daw ang kutob nya. Nakita nya ang taong nagkulong sa akin sa loob ngunit dahil madilim ay hindi nya naaninag ang mukha nito at mabilis na naglaho sa kadiliman.

I let a heavy sigh. "I don't know... Hindi ko alam." Pag-amin ko.

Wala akong ideya sa kung sino man ang maaring may gawa no'n sa amin at iniisip ko ngayon na may kaugnayan ba 'yon sa taong nagngangalang Hell sa fb.

"Ano ng plano mo? Ayokong may mangyaring masama sa kaibigan ko." Seryosong banta nito.

"Wala sa plano ko ang ipahamak sya." Madiin kong sagot.

Marami na kaming pinagdaan at hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagsakripisyon ngunit handa pa akong dagdagan 'yon. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa babaeng mahal ko.

Pero, inaamin kong mas natatakot ako sa kalaban ngayon dahil hindi namin alam kung sino ba ito. Hindi namin alam kung sino ba ang tunay na kalaban hindi kagaya sa HU na alam namin kaya nakapagplano kami.

Magiging mas madugo ang mga hindi inaasahang pangyayari. Shit! That was not just some kind of prank.

"Ang mabuti pa ay mauwi ka na," Tumayo na ito at inayos ang blazer na suot nya. "Gabi na at baka nag-aalala na 'yon sa'yo." Wika pa nya bago tuluyang lumabas nf café.

Napabuntong hininga na lang ako bago pinagmasdan ang cellphone ni Zein sa kamay ko. Dumaan ako sa trash can at itinapon ito roon. Bibili ko na lang sya ng bago.

Pagkauwi ko ay isang walis tambo ang pumalo sa ulo ko. "Aww.." Angal ko kay Zein na nakahalukipkip sa harapan ko.

Hindi ko maiwasang matawa sa itsura nya na parang nalugi.

"Where the hell have you been?"

Pabagsak na umupo ako sa sofa at tinaasan sya ng kilay. "Somewhere." Walang ganang sambit ko.

Ngumiwi ito at muli akong inambahan ng palo ngunit napigilan ko na sya. "Masakit... Sorry na." Paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry? May ginawa ka bang kabalastugan?"

Napalunok ako. Wala akong planong sabihin sa kanya lahat ng nangyari dahil ayoko syang pag-alalahanin. Hanggat maari ay magiging lihim ito.

"I'm hungry..." Hinawakan ko pa ang tyan ko.

Napabuntong-hininga ito bago ako sinenyasang sumunod sa kanya sa kusina. Mabilis na umupo ako at kumuha ng pagkain dahil gutom na rin talaga ako.

"Bakit ang dumi ng damit mo?"

Napatingin naman ako sa puti kong damit. Nadumihan 'to malamang nang pumasok ako sa loob ng nitso.

"Ahmmm.. Nadapa? Oh! Yes! I was tripped."

"Bakit sa gilid ang marumi? Hindi ba dapat sa harap o sa likod?"

Patay!

"Gusto ko sa gilid eh... bakit ba." Pagpapalusot ko. "Busog na ako..." Aalis na sana ako nang hilain nya ang damit ko.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon