Chapter 19

1.2M 45K 28.3K
                                    

Chapter 18: Cedric

Ace's Point of View

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Mr. Sebastian. Ramdam ko ang pagdududa mula sa kanyang nanunuring mata.

Pero wala akong planong bawiin ang pasya ko. Napagpasyahan kong putulin na ang paghingi ko ng tulong kay Mr. Sebastian Lee.

"Mukhang alam ko na kung bakit." Mahina itong natawa.

"Kahit na bigyan kita lahat ng impormasyon ay palaging may kulang. Tama ba?"

"Maraming salamat po sa lahat ng naitulong nyo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

"Anything Mr. Craige. Malaki rin ang utang na loob namin sa inyong amang tumulong sa amin nung nalugmok kami."

Payak na ngumiti na lang ako nang marinig na naman ang mga salitang 'yon. Ama...

"May kinalaman ang lahat ng ito sa matagal nyong pagkawala. Hindi ba?" Nakangising tanong nito. "Ano nga ba talaga ang nangyari sa inyo? Bakit bigla kayong naglaho?" Manghang tanong pa nito.

Hindi ako sumagot. Lahat ng nangyari sa amin ay mananatili na lang na bahagi ng aming nakaraan. Lahat ng nangyari sa loob ng impyerno ay kami lang ang makakaalam. Gaya ng pakiusap namin sa mga pulis na tumulong sa amin.

Mananatili sa amin ang lahat at hindi makakalabas.


"I'm sorry..." Bulong ko.

"A mystery that I can't resolve. So far, kayo pa lang ang nagpahirap sa akin ng ganito. Lahat ng kinalap kong impormasyon tungkol sa inyo... palaging may mali... kulang."

Hindi pa rin maalis ang pagkamangha sa kanyang mata at parang nachachallenge sya sa amin. Magaling si Mr. Sebastian, pero limitado 'yon at hindi nya sakop ang nangyari sa amin.

"Bakit namatay si Mr. Valdez? Bakit naging pula ang mata ni Lux?"

"Hindi nyo na po kailangang malaman." Mapait kong sagot.

Gusto kong tigilan nya kami at alam kong ang mga ganitong pangyayari ang nagpapanabik sa katulad nya. Gusto nyang nahihirapan sya sa paghanap ng sagot.

"Oh, sorry. I understand."

Napangisi na lang ako dahil hindi 'yon ang nakikita ko sa kanyang mata. Gusto nya pa ring malaman.

"Pero, kailangan nyong mas maging maingat. Hindi takot pumatay ang taong kalaban nyo."

"I know... Magiging mas maingat kami."

Tumango ito at ibinigay sa akin ang isang brown envelope na kanina pa nya hawak. Hinawakan ko lang ito at hindi binuksan.

"May kilala ka bang Nicky Colt?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan na 'yon.

"I conducted my own investigayion regarding Gardo's death. Alam mo naman na may kabagalan ang kapulisan. And I found out... her. Sya ang pumatay sa taong inatasan mong magbantay kay Zein."


Binuksan ko ang brown envelope. Halos tungkol lahat ito kay Nicky. Background nya pero walang nabanggit mula sa Hell University na malamang ay hindi naabot ni Mr. Sebastian.


"Kilala mo ba sya?"

"Friend of mine." Maikli kong sagot bago ibinalik muli sa loob ng brown envelope ang mga papeles.

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now