Chapter 9

1.5M 51.5K 28.2K
                                    

Chapter 9: Deal

Zein's Point of View

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Ate Allison dahil sa mga sinabi nya. I get it, hindi nya gusto si Ace but it doesn't mean na may karapatan na syang siraan ito. Kung ayaw nya sa boyfriend ko, why not just shut up lalo na kung wala rin namang kwenta ang lalabas sa bibig nya.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang papunta sa kusina. Nagpalinga-linga muna ako para kumpirmahing wala sa paligid si Ate Allison. Hanggat maari ay iiwasan ko na lang sya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa kusina kung saan si Tita Mira lang ang naroon. Matagal na namin syang kasambahay.

"Oh, Zein? May gusto ka ba?"

Umiling ako at kumuha ng gatas sa ref at nagsalin sa baso. "Umalis ho ba si Ate?" I asked habang nagsasalin ng gatas.

I gulped my milk. Umupo ako sa high chair at binigyan ng tingin si Tita Mira. "Sinong ate?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.

"Si Ate Allison ho, may iba pa ba akong ate?" natatawang tanong ko na bahagya nyang ikinabahala.

"A-Ah? Oo—Hindi, baka nasa labas lang." Mabilis na tumalikod sya sa akin at binalik sa ginagawa nya ang atensyon.

Nilagay ko sa sink ang baso ko at kumuha ng apple sa lamesa nang magvibrate ang phone ko na inilapag ko sa lamesa. Halos matapilok ako para takbuhin ito.

Parang tumalon ang puso ko nang makita ang message nya sa akin.

"Can't stop thinking of you."

Napakagat ako sa mansanas na hawak ko nang mabasa ito. Shit! Isang message nya lang ay parang tanga na ako. Mariin kong ipinikit ang mata ko para pakalamahin ang nagwawala kong lamang loob.

Mabilis na nagreply ako sa kanya habang kagat-kagat ang mansanas. Nanginginig pa ang kamay ko na animo'y isang artista si Ace na nagreply sa akin na fan na fan nya. Damn it!

"Umayos ka... No night out, please." I replied.

Hindi naman mahilig gumala si Ace tuwing tabi at mas pinipili nyang manatili sa loob ng condo namin kasama ako pero kasama nya ang kuya nya. Raze is an ass at alam kong walang mabuting maidudulot 'yon kay Ace.

Naramdaman kong may dumaan sa gilid ko kaya minabuti ko na lang na ituon ang atensyon ko sa cellphone na hawak ko. It was Ate. Malamang na kumuha rin sya ng gatas.

"Umalis na sila mom at dad, Tita?" Dinig kong tanong nya.

"Oo, kanina pa." Nakita kong pinunasan ni Tita Mira ang kamay nya bago hinarap si Ate. "Maiwan ko na muna kayo. Mamamalengke ako, ubos na stock." Paalam nito.

What?! Kami ni Ate Allison? GHAD! Ayoko nga syang makasama tapos ngayon maiiwan kaming dalawa? Parang ang awkward non or ako lang ang nakakaramdam nito? Damn, Zein.

"Uh? Tita, is it ok kung kami na lang ni Zein ang mamalengke?"

Napatingin ako kay Ate na nakatingin sa baso ng gatas ang kanyang mata. Gusto kong magpumiglas sa sinabi nya. Alam naman nya sigurong iniiwasan ko sya, 'di ba? Bakit nya pa gagawin ito? UGH!

"Ok lang ba sa'yo, sissy?" Napapikit ako nang mariin nang marinig kong tinawag nya ang tawag nya sa akin dati.

Tell me... how can I say no? UGH!

"Ako na ang magdadrive." Suhestyon ko dahil ayokong magdrive si Ate Allison.

She's a reckless driver! Damn! Papatayin nya ang mga kasama nya sa sobrang tulin ng pagpapatakbo nya! Wala syang pakialam sa mga alituntunin. Red light is still go for her! There's no limit for the speed. Overtaking even the signs says no. Allison Shion, the hell driver.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon