'Till I met you

847 28 7
                                    

This chapter is edited because of the wrong grammars, and other things that is wrong aswell. May ibang scene akong binago but the flow of the story is still the same.

Kathileen POV:

   Kathileen Mendoza 15 years old, third year highschool na ko ngayon. Ikukwento ko sa inyo ang mahaba kong buhay na pagdating sa lovelife, badluck talaga o masyado lang akong maraming crush?

Nagstart ang pagiging badluck ko sa lovelife nung 1st year highschool pa lang ako.

  Nagka-crush ako sa bestfriend kong lalaki, ang pangalan n'ya ay Christopher Lorenz Bacolod. We had been bestfriends since childhood, naging matalik na kaibigan kami sa isa't isa. Pag may problema ako laging nandyan s'ya para sakin hinding hindi ako iiwan ganun din ako sa kan'ya, ng dumating ang araw na tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kan'ya. 

  Nalaman nya na naging crush ko s'ya dahil sa mga bestfriend kong si Alexa,Nica, at Laila at wait yung isa pala si Cess na sa Canada na nag-aaral pero hindi n'ya kilala sila Alexa and Laila. Simula nun hindi n'ya na ko pinapansin, at dahil dun nasaktan ako. 

  Nagalit ako sa kan'ya at inaaway ko s'ya at lagi na lang n'ya kinakausap yung bestftiend ko na si Nica kay'sa sa akin lalo ko s'yang inaway, at dun nawala ang feelings ko sa kan'ya dun ko din na realize na nagseselos na pala ako. Sabi ko sa sarili ko bakit ako magseselos? Diba crush ko lang s'ya , pero bakit ang sakit sa pakiramdam. 

Then a thought came in my mind, I was not even thinking. I made a mistake na sa bandang huli pagsisisihan ko rin.

  A week past by at pinatawad n'ya na ko, I didn't know why pero naging masaya ako nung time na 'yun. I didn't explain anything, kung bakit ako nagalit sa kan'ya. Naging magkaibigan na lang kami wala na kong nararamdaman para sa kan'ya.

And that's what I think.

   Tapos nun sumali ako ng cheering club nagustuhan ko ang club na 'to kaya ako sumali, dahil sa amazing choreography na ginagawa ng pinakang-leader ng cheering club. 

  One day breaktime kasi namin ng cheering so nag-insist ako sa isang kaklase kong ka-cheering ko din na magpalamig muna sa room namin. Pagka-pasok na pagka-pasok namin naabutan namin 'yung mga kaklase ko nagsasabihan ng mga sekreto nila 

  Si Christopher naman ang sunod at ang tanong naman sa kan'ya ay kung sino ang nagugustuhan n'ya sa classroom. Lahat ng kaklase namin ay tumingin sa gawi ko, at halata sa mga mukha nila ang pang-aasar.

  Di ko na lang sila pinansin at tumapat sa aircon ng classroom namin, alam kong pawisan ako at eto ako nagpapalamig. Siguro kung nandito si Cess binatukan na ko nun, dahil sa ginagawa kong pwede maging dahilan na magka-sakit ako.

"Dali na Chris! Sino kasi gusto mo?" pangungulit nung president ng classroom namin kay Chris.

  Sa pheriperal vision ko, nakita kong tumingin sakin si Chris at dahil dakilang assumera ako. Nag-assume naman ako na ako ang gusto n'ya-

"Si Kath, si Kath ang gusto ko," napatingin ako sa kan'ya, at kitang-kita sa mukha n'ya ang pag-pula ng pisnge n'ya. I smiled at him at tinawag ang kaklase ko para maka-balik na kami sa practice.

  Nag 'ayieee' naman yung mga kaklase namin, naiinis ako pag ganun. Kaya lumabas na lang ako ng classroom dahil magpa-practice na rin kami para sa cheering namin.

  Pagdating ng uwian lahat ng kaklase ko umuwi na at halos ako, mga bestfriend ko at si Chris na nagtapon ng basura ang na-iwan sa room.

"Uy Kath!" nagulat ako kay Nica na umakbay sakin ngayon.

"Bakit?" tanong ko.

"Ikaw ah, may gusto pala sa'yo si Chris!" sigaw ni Alexa sa tenga ko.

"Yiee, lakas naman po pala ni ate!" pang-aasar ni Laila.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now