'Till I met you 2

304 18 2
                                    

EDITED. I change the scene sa time na nag-kita sila Chris at Kathileen, sa new readers don't get confuse just keep reading.

Kathileen POV:

          This past week may laban ng basketball ang school namin sa  Flerih Academy. Sabi ng adviser namin lahat kami pupunta dun para icheer ang mga players, so nagready ako at tinuruan ko ang mga classmate ko sa ichecheer namin.

   Pagkatapos ng ilang minutong pagpa-practice pumunta na kami ng Flerih Academy, maglalakad lang naman kami kaya ok lang halos buong school ata namin pupunta. Pagka-punta namin dun pumila agad kami  sa may entrance para makakuha ng ticket para sa entrance, tsaka kami pumasok sa loob ng court nag-cheer na kami dahil magii-start na ang laro.

"Ok guys alam n'yo na ah!" sigaw ko sa kanila.

Patagal ng patagal ang labanan lalong nagiging mahirap para sa players ng school namin, dahil na rin sa pagod at lakas ng kalaban.

Nakita kong pinag-laro na rin sa wakas si kuya James kaya napatayo ako.

"Go kuya James! Kaya mo 'yan!" cheer ko sa kan'ya, napatingin s'ya sa gawi ko at ngumiti sabay kaway.

Pag-upo ko naman ay napansin kong nakatingin sakin ang mga kaklase ko, may halong ngisi ang mga labi nila kaya nag-taka ako.

"Uy"

"Si Kath, yiee chineer n'ya si kuya James," asar sakin nung president namin.

"P-pwede ba tigilan n'yo muna ako ngayon," sabi ko.

"My ship is sailing!" sigaw ni Nica, kaya binatukan ko s'ya.

"Tumigil ka nga!" dahil sa inis ko lumabas muna ako ng court para magpa-hangin.

Grabe ang dami talagang tao pag-ganitong may mga games.

"Pusa!"

Napatingin naman ako sa likod ko, dahil alam ko na kung sino ang tumawag sakin.

"Oh bakit peanut butter?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala lang, naiwan kasi ako kanina. Buti naman at nakita kita, bakit ka nga pala nasa labas?" tanong n'ya.

"Ah 'yung mga kaklase kasi natin inaasar nanaman ako kay kuya James dahil chineer ko s'ya kanina nung mag-lalaro na s'ya," sabi ko.

"Bagay kasi kayo ni kuya James eh kaya kahit ako botong-boto sa inyong dalawa," sabi n'ya sabay thumbs up, napabuntong hininga na lang ako.

"Tara pasok na tayo sa loob," aya n'ya, ako naman ay napatingin sa loob ng court at sa entrance.

"Hindi na tayo makakapasok dahil puno na sa loob, dito na lang tayo sa labas manood," sabi ko sa kan'ya, napabusangot naman s'ya dahil gustong-gusto n'ya talaga manood sa loob.

Sa labas na lang kami nanood dahil sa dami ng tao sa loob, hindi naman kami nahirapan dahil kitang-kita naman namin ang laro.

"10 seconds left," sigaw nung scorer.

"Tae lamang ang kalaban ng dalawa," sabi ni Peter.

"Kung makaka-three points shoot sila, may chance pa silang manalo," ani ko.

"Hindi ko na may alam ka tungkol sa basketball."

"Ofcourse, varsity si kuya kaya alam ko," sabi ko sa kan'ya.

"Bakit hindi kasama kuya mo dito ngayon?" tanong n'ya.

"Hindi ko alam sa kan'ya, sabi pa nga n'ya 'Kaya na 'yan ni James' nagulat nga ko dahil kilala n'ya si kuya James kahit hindi n'ya pa nakikita," pagpapaliwanag ko sa kan'ya, tumango na lamang s'ya at binaling ang tingin sa laro.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now