T'll I met you (Unang pagtibok)

125 11 3
                                    

EDITED

Kathileen POV:

Nandito ako ngayon sa school at eto ako nakatulala habang nakatingin sa mga ibon na nasa sanga ng puno.

Hindi ko talaga makakalimutan 'yung mga pinaggagawa ni kuya James kahapon.

Flashback:

"Anong gusto munang gawin natin?" Tanong n'ya sa'kin.

Nandito pa rin kami sa loob ng mall at may plano pala s'yang gawin ngayong araw na 'to.

"Date tayo?" Sa gulat ay napatingin ako sa kan'ya.

"Date?! Bakit?!"

"Chill, friendly date kasi," paliwanag n'ya pa.

"Sige na nga wala rin naman akong gagawin sa bahay," pagsangayon ko sa kan'ya.

"Tara sine libre ko," sabi n'ya at hinila ako papuntang sinehan. Hindi na ko naginarte pa since libre n'ya naman.

Ng makarating kami sa sinehan napatigil agad ako sa paglalakad.

"Bakit?" Tanong n'ya

"Nandito pa sila Nica!"

"O ano naman?"

"Anong gagawin natin kung mahuli nila tayo?"

"Ako ang bahala," sabi n'ya at bumili na s'ya ng ticket naming dalawa.

Since tamang-tama showing na ang movie na pinili ni kuya James na hindi ko naman alam kung ano.

Pagpasok namin sa loob marami na agad kaming nakita na taong nakaupo at malipit sa kanila mga couple.

"Seriously anong movie ang pinili mo?!" Tanong ko sa kan'ya ng makaupo kami.

"Barcelona," sabi n'ya, gumaan naman ang pakiramdam ko ng sabihin n'ya.

Ang Barcelona ay movie nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, the love untold. Which is ang setting ay sa Barcelona.

Ilang minuto lang ay nagstart na ang movie, may biniling popcorn si kuya James para habang nanonood may kinakain kami.

*****

Isang oras na ang lumipas at ending scene na ng movie dun ko lang napansin na karow lang namin sila Nica.

Pero dalawang upuan ang layo namin ni kuya James.

Napasilip naman ako sa kanila at nakita kong nagluluha na ang tatlong bestfriend ko habang si Chris nanonood lang, kasama pa pala nila 'yan.

"Wag kang titingin sa kanan," bulong ko kay kuya James.

"Bakit? Ah nandyan pala sila," sabi n'ya hinili ko agad s'ya para hindi kami makita.

"Sabi ko wag kang titingin!"

"Wag ka ng magalala ienjoy mo na lang 'yung last scene," sabi n'ya dahilan ng pagtingin ko sa screen.

Napataklob ako ng kissing scene na pala.

Maya-maya lang naramdaman kong may dumampi sa pisnge ko kaya napatayo agad ako.

At dahilan din ng mahuli kami nila Nica.

End of Flashback

Papatayin ko talaga si kuya James, argh!!!

"Ms. Mendoza!! Stop starring at the window and cosintrate at our discussion, " patay lagot nanaman ako nito.

"Sorry po ma-", Hindi pa ko nakakapaliwanag kay ma'am nagsalita agad s'ya.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now