'Till I met you (His embrace)

61 3 1
                                    

"James!"

"Kuya? Kuya?!"

Anong gagawin ko? Hindi namulat ang mga mata ni kuya James. Sobrang init n'ya pa.

Nabigla na lang ako ng may tumulong luha galing sa pisnge ko. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako, what should I do? Masyado naman s'yang mabigat para akayin ko.

Think Kathileen, wag kang magpanic.

Tatawagan ko si kuya....

Kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni kuya, ilang segundo pa lang ay sinagot n'ya na  ito.

"Yes lil sis? Asan ka na daw sabi ni papa?"  Tanong naman ni kuya.

"K-kuya...." sh*t, my voice is shaking.

"O bakit?! Anong nangyari? Sinaktan ka ba ni Jonathan?!" Iritang sambit naman ni kuya.

"No kuya, pwede bang s-sunduin n'yo ko ni Kim dito sa park malapit sa school? Kuya bilisan n'yo ah, kailangan ko na kayo," sagot ko naman kay kuya.

"Ano ba kasi nangyari?"

"Just get your butt here kuya! Kailangan ko na kayo!" Sigaw ko sa kan'ya at tsaka pinatay ang tawag.

Dahan-dahan kong inupo si kuya James sa may bench at pinayungan. He's smoking hot pero nanlalamig ang mga kamay n'ya. Hinubad ko ang jacket ko at binalot 'yun kay kuya James.

The rain isn't gonna stop until tomorrow morning, might as well let him stay in my room for awhile. Tsaka hindi ko rin naman alam kung saan nakatira si kuya....

Stupid.

"Kath!"

Sa 'di kalayuan nakita ko na agad ang anino nila kuya at Kim. Gulat ang nakita ko sa mga mukha nila ng makalapit sila sa'min ni kuya James.

"Ano ba kapatid, ilang lalaki pa ba ang dadalhin mo sa bahay?" Asar na tanong ni kuya, with matching palo pa sa noo.

"Kuya pwede ba?! Umuusok na sa init si kuya James, tulungan n'yo kong buhatin s'ya sa loob ng sasakyan," utos ko naman sa kan'ya.

They did what I said, pero napansin ko kaagad ang masamang awra ni Kim....here we go again.

*****

Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto ko at hiniga na namin si kuya James sa kama ko. Pinakuha ko naman si kuya ng tubig at towel para pangpunas kay kuya James.

I started to unbutton his shirt ng pigilan ako ni Kim, dahilan ng pagtingin ko sa kan'ya.

"What do you think your doing?" Tanong n'ya sa'kin.

"I'm going to change his clothes, basang-basa s'ya ng ulan kanina pa," sagot ko naman sa kan'ya.

He sighed at bahagya akong binatukan, he pulled me off the bed at s'ya namang pumalit sa pwesto ko.

"What the hell Kim?" Iritang sambit ko sa kan'ya.

"Ano bang nakain mo ngayon? Ako ng gagawa, you don't realize that your a girl. At lalaki 'tong huhubadan mo," Kim said it to my face na para bang pagsasamantalahan ko si kuya James.

I got irritated at hindi ko na naiwasang sumbatan s'ya. "Well, you guys always treat me like some tomboy. Ano namang issue kung papalitan ko lang ng damit si kuya James? Lagi ko rin naman kayong nakikitang naka-topless ah?" I hissed at him.

I saw him rolled his eyes, magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si kuya.

"Eto na 'yung plangganang may tubig at towel-KIM ANONG GINAGAWA MO?!" sigaw ni kuya kay Kim.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now