'Till I met you (Secret LoverxArguments)

106 3 6
                                    

J-jonathan?

Anong ginagawa n'ya dito?

"Kath," muling pagtawag n'ya sa pangalan ko.

Napakabad timing n'ya talaga, ano nanaman bang kailangan n'ya sa'kin?

"Kath please?" Pagpilit n'ya, huminga ako ng malalim at hinarap s'ya.

"Bakit nandito ka? Ano nanaman bang kailangan mo?" Iritang sambit ko sa kan'ya.

"I just want to talk," ani n'ya.

"Talk? Ano ba talagang gusto mong pagusapan Jonathan?! Pwede ba, bukas na lang?" Tumaas na ang boses ko at pinagpilitan n'ya pa rin ang gusto n'ya.

"Kathileen I'm sorry! Ok? I m-messed up, gulong-gulo ako sa lahat ng bagay," dagdag n'ya pa.

"Sorry? Ano bang magagawa ng sorry mo?!" Sigaw ko sa kan'ya, I stopped at the moment I realized na sumosobra na ko.

Humingi na ng kapatawaran 'yung tao Kathileen, bakit ang sama pa ng loob mo?

"What did I do wrong, to make you hate me this much?! Ano bang ginawa kong mali? I hate this, hindi ko alam, wala akong kaalam-alam," he's voice cracked and slowly turned into a whisper hangang sa mapansin ko ang mga luhang tumutulo sa gilid ng pisnge n'ya.

What have I done? Bakit ba kasi ako galit na galit sa kan'ya? I'm also confuse about everything...then why Kathileen? How can I be so selfish? Still....ang sakit lang kasi.

Pain? Yeah right.....

"You should go kuya," sabi ko sa kan'ya, nagulat na lang ako ng bigla n'ya kong yakapin.

"K-kuya? Kuya Jonathan!" Lalo n'yang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin at dun ko lang napansin na amoy alak s'ya.

Huh? Kelan pa natutong uminom 'tong lalaking 'to? Anong gagawin ko? Siraulo rin talaga 'tong si Jonathan.

"Kuya...." pagtawag ko sa kan'ya but all I hear is sobs. Ang masama pa nun, mas lalo n'ya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. Agh, for goodness sake! Anong gagawin ko sa lalaking 'to?!

"Kuya Jonathan? Please? Wake up, lalamigin tayo dito sa labas," ani ko sa kan'ya pero hindi pa rin s'ya nakibo.

"Kuya-" sa mahimbing na pagiyak n'ya ay nagulat na lang ako ng biglang may sumuntok sa kan'ya.

"Kuya?!"

"Pre umayos ka," napatingin ako sa nagsalita ng aamba nanaman s'ya ng isa pang suntok.

"Chris tama na!" Sigaw ko, nilapitan ko agad si kuya Jonathan at inalalayang tumayo.

"Siraulo ka ba?! Hirap na nga kong alalayan s'ya, susuntukin mo pa," iritang sambit ko kay Chris at s'ya naman ay napatulala sa'kin.

Inayos ko ang pagalalay kay kuya Jonathan at ng muli akong tumingin kay Chris, he smirked.

"Hoy baka gusto mo kong tulungan," dagdag ko.

At ganun nga ang ginawa n'ya, inalalayan n'ya si kuya Jonathan sa pagpasok sa bahay at ako naman ay sumunod na lamang.

Hiniga ni Chris si kuya Jonathan sa sofa at s'ya naman ay umupo sa tapat, bagsak ang katawan ni kuya Jonathan. Halatang-halata dahil sa lasing nga ito.

Agaran akong naghanda ng maligamgam na tubig at binigay kay Chris. Ng hawakan n'ya ang mug, pagtataka sa mukha ang ipinakita n'ya sa'kin.

"Why me?" Tanong n'ya, putting down the mug at the center table.

"Might as well help me, magsasandok lang ako ng soup para sa kan'ya," I gave him that look at dumeretso na ng kusina.

Kumuha ako ng maliit na bowl at sumandok ng soup, pagbalik ko sa sala. Kita kong hirap na hirap si Chris na magpainom kay kuya Jonathan, kaya nilapitan ko na agad 'yung dalawa.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now