'Till I met you (The First and Last Memory) Last chapter

89 4 1
                                    

EDITED

My Dearest...

Before anything else, remember who you are.

Remember how you met the people around you, how you get to know them. Even if its strange, please believe in yourself even if you are hurting so much.

Please...

Please remember who you really are, by then those questions inside your head will be answered.

You are me and I am you.

I opened my eyes to the sound of the ticking clock just beside the bedroom door, I sat up and looked around.

This isn't my room-wait.

I tried to look around one more time, this isn't really my room....nasan ako?

I got up and went outside the balcony, now I remember. Nasa boracay ako ngayon.

Its still dark here outside, alas-tres pa lang ng madaling araw and the people here are all asleep. Well some are walking by the bay and some are jogging all around.

Nasa station one kasi kami kaya hindi masyadong ma-ingay hindi katulad nung nanggaling kami kahapon sa station two and three. Ang daming naglalakad na mga foreigner, most of them are chinese and korean.

Napa-yakap naman ako sa sarili ko ng biglang humangin ng malakas, agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto ko at sinara ang pintuan papunta sa balcony. Sakto naman ng biglang nag-ring ang phone ko.

Kinuha ko agad 'to mula sa maliit na table katabi lang ng kama ko, ng tignan ko ito wala namang naka-lagay na pangalan nung caller. I didn't bother kaya sinagot ko na lamang.

"Hello?"

*Guess who,* ok I think kilala ko na kung sino 'to.

"Well hello kuya Furk," ani ko naman ng marinig kong tumawa 'yung siraulo kong pinsan sa kabilang linya.

*Wow, kilala mo na talaga boses ko noh?*

"Ofcourse, your my cousin at ilang beses mo na kong tinatawagan this past years ng ganitong oras. So why wouldn't I recognize your voice?" Sabi ko naman ng tumawa nanaman s'ya. Siraulo talaga.

"May gana ka pa talagang mag-iba ng number," dagdag ko pa.

*Whoa, chill couz. Tama na ang page-english dumudugo na nga ilong ko dito sa mga kaklase ko.*

"Eh bakit ka nanaman ba napatawag ng ganitong oras? Wag mong sabihin may uutos ka nanaman sa'kin para sa walang kwenta mong girlfriend," inis na sambit ko naman dito. Tuwing tinatawagan kasi ako nitong pinsan ko lagi akong inuutusang pumunta sa girlfriend n'yang punong-puno ng kalandian.

*Hindi 'yun, tsaka excuse me. Ex-girlfriend, tama nga 'yung sinabi mo sa'kin couz. May iba na pala s'yang lalaki.*

Yes! Nakipag-break na rin 'tong siraulo kong pinsan sa haliparot na 'yun.

"Well what did I tell you? Hindi ka kasi nakinig, may gana ka pa talagang murahin ako ng mga oras na 'yun."

*I'm sorry, ok? Nga pala narinig ko kay dad na nasa boracay kayo ngayon?* tanong naman n'ya.

"Oo," sagot ko.

*Tsaka ko na ipapadala ang regalo ko couz ah? Happy eighteenth birthday!*

Hindi ko naman na-iwasang mapa-ngiti ng batiin ako ng pinsan ko. He can be a total idiot, but also a sweetheart sometimes.

"Thanks, and can I ask?"

*Ano 'yun couz?*

"Anong oras na d'yan?" Tanong ko naman.

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now