'Till I met you (Iniquity/Feelings)

83 7 4
                                    

EDITED

"Good job guys!"

"Worth it ang isang linggo na practice natin."

Kahit hingal na hingal kaming lahat hindi namin maiwasang maging masaya dahil sa perfect performance na pinakita namin sa buong school.

"Good job class!" Rinig namin ang sigaw ni sir Jon na paparating pa lang sa pwesto namin.

"I always have high hopes for your everyday success, at dahil dyan. Tara sa max! Libre ko!"

Lalong naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir Jon. Syempre, sino bang makakatanggi paglibre?

Kakatapos lang namin magperform at ako naman ay napaupo na lang sa isang gilid dahil sa sobrang pagod. Kailangan din kasi namin ng mabilisang preparation kanina, but we still did a good job.

Inayos ko ang pagkakabuhol sa tali ng sapatos ko ng mapansin kong may tumayo sa harap ko. Tumingala ako upang makita kung sino ito.

"Kath, uminom ka na muna," ani n'ya, hawak-hawak ang isang bote ng tubig.

Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtali ng sintas ng sapatos ko, nagulat na lang ako ng idikit n'ya sa pisnge ko ang tubig.

"Ano ba?!" Iritang sambit ko.

"Ako na nga," lumuhod s'ya sa harapan ko at s'ya na mismo ang nagtali ng sintas ng sapatos ko. Hindi na ko pumalag pa dahil nananakit nanaman ang kamay ko.

"Uminom ka na muna, kanina ka pang hinihingal d'yan," muling pagalok n'ya sa'kin nung tubig.

Sa inis, tumayo ako at naglakad palayo sa kan'ya. Napadaan ako sa pagitan ng mga kaklase ko ng bigla n'yang hablutin ang braso ko.

"Kath."

"Ano ba?! Pwede ba? Layuan mo ko!" Hindi ko na napigilan sumigaw sa kan'ya at ang kinahiya ko pa nun ay nakuha namin ang atensyon ng mga kaklase ko.

"Kathileen wag ka ngang makulit," mahinahong sabi n'ya sa'kin habang hawak-hawak pa rin ang braso ko.

"Ako makulit? Baka ikaw 'yun," sumbat ko.

"Kath please," tinabig ko ang kamay n'ya ng bigla lumapit si sir Jon samin.

"Mendoza and Ramon anong nangyayari dito?" Tanong ni sir pero tinignan ko pa rin si kuya James.

"Will you just shut up? Bakit ba nagpapakabait ka ngayon?!" Iritang sambit ko at dahil dun hinila n'ya ko papunta sa kan'ya. Nagulat ako sa ginawa n'ya, pumiglas ako sa pagkakahawak n'ya pero nahawakan n'ya agad ang kabilang braso ko.

"Why you ask?" His eyes met mine, kaya lalo akong kinabahan sa mga susunod na pwede n'yang sabihin o gawin.

Lalong napahigpit ang hawak n'ya sa magkabilang braso ko pero ramdam ko pa rin ang pagiingat n'ya. Why is he doing this?

"Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sa'yo Kath?"

"A-ang alin?"

"I'm doing this kasi....mahal kita."

*****

"Eto na ang pagkain!"

"Hoy akin 'yung dalawang chicken!"

"Sira! Limang buong chicken 'yan! Wag kang patay gutom!"

"G*g* 'to nasan na 'yung isda ko?!"

"Hoy mga bastos! Nasa harap kayo ng hapagkainan!"

'Till I met you (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now