Badtrip >_<

5.9K 83 6
                                    

Nagising ng maaga si Vice ng wala sa oras dahil masakit ang kanyang ulo. Balak nya kasing pumasok sa school ng late kaso nabago dahil hindi na sya makatulog kaya naman bumangon na sya at dumiretso sa CR para maligo.

Nang matapos maligo si Vice at nakapagbihis na bumaba na ito para mag-almusal.

Rosario: Good morning, anak. (Masayang bati ng kanyang ina)

Vice: Good morning, ma. (Sabay halik sa pisngi) Good morning, pa. (humawak naman sa upuan para umupo)

Roberto: anong oras kana dumating kagabi? Or should I say kaninang madaling araw pala. (sabay subo sa pagkain)

Rosario: hon, mamaya mo na sya kausapin nandito tayo sa hapagkainan eh. (mahina pero malambing nyang sabi)

Roberto: ikaw JM ah, ano ba talaga ang balak mo sa sarili mo? Wala ka nang ginawa kundi lumabas kasama ng mga barkada mo? Para ano, uminom at umuwi ng madaling araw?

Hindi naman natuloy isubo ni vice ang pagkain dahil sa sermon ng papa nya

Roberto: Kung sana yang pag-aaral mo ang atupagin mo, may mararating ka pa.

Vice: dad, nag-aral naman po ako eh. (Sabay subo ng pagkain pero kunti lang)

Roberto: nag-aaral? Hindi nga mataas ang mga grades mo eh, yun ba ang nag-aaral? Tapos lagi pang nagsusumbong ang mga profs mo kasi di ka daw nakikinig.

Vice: hindi naman po kailangan ng mataas ng grades para masabi na nag-aaral ang isang tao. (Naiinis nyang sabi)

Roberto: JM, ikaw ang magmamana at magtutuloy lahat ng negosyo natin, ikaw lang ang inaasahan ko, sana naman gampanan mo ang responsibilidad mo bilang anak. (medyo malakas nyang sabi habang pinipigilan ang galit)

Vice: ano po ba ang dapat ko pang gawin? Dad, sana hindi nyo nalang ako pinauwi dito, Masaya naman ako sa amerika eh, kahit mag-isa lang ako. Atleast doon nagagawa ko ang gusto ko.

Roberto: kung nasa amerika ka pa hanggang ngayon baka mas lalong walang mangyayari sayo. Akala ko magbabago ka nang pinauwi kita dito, hindi pala. Be responsible! (Galit na talaga)

Vice: (tumayo at akmang aalis na)

Roberto: saan ka pupunta? Kinakausap pa kita.

Rosario: hon, tama na yan. (Pang-aawat nya)

Vice: (tumingin naman ito sa mommy nya sabay tingin sa daddy nya). papasok na po, diba ito naman po ang gusto nyo, ang mag-aral ng mabuti? Aalis na po ako baka po kasi malate ako sa klase ko. (Padiin nyang sabi.)

Umalis na si vice samantalang naiwan naman ang mommy at daddy nya sa dining room.

Rosario: hon, pagpasensyahan mo na ang anak mo? Baka nag-aadjust pa yun.

Roberto: nag-aadjust? Isang taon na sya mahigit dito. Madami na nga syang kaibigan, mga kaibigan na lagi nyang kasama sa mga kalokohan nya.

Rosario: huwag mo na ngang ini-stress ang sarili mo. Pabayaan nalang muna natin ang anak mo. Magbabago din sya.

Roberto: ewan ko, pero pagsabihan mo yang anak mo. (Tumayo na at lumabas para pumasok na sa opisina.)

---

Galit na binasak ang bag sa mesa ng study shed sabay upo, samantalang nakaupo naman sa magkabilang upuan si ryan, Jericho. Si vhong at billy naman nakupo sa mesa. Tumabi nalang si Eruption kay Ryan.

Vhong: oy brad, anong nangyari? ( Hawak ang song book na tinutugtog nila sa guitar.)

Billy: oo nga ang aga-aga badtrip ka?

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon