Find Them

2.5K 41 6
                                    

Saktong papasok na si Vice sa school ng makita ang isang grupo ng lalaki sa harap ng school na parang may ginagawa. Hininto nito ang kotse malapit sa gate at bumaba para puntahan ang mga ito.

V: Ano yan? (Nakapamulsang tanong nito. Napahinto naman sila sa ginagawa at hinarap sya.)

Student: Vice..... (Takot na sabi nito.)

V: Anong ginagawa nyo?

Student2: Vice, nahuli kasi namin sila nag-i-spy sa atin. Galing sila sa ibang school.

V: Nag-i-spy? (Sabay lapit nito sa lalaking hawak-hawak ng mga estudyante.)

Boy: Inutusan lang kami. (Nanginginig na sabi nito. Napabend naman ng knees si Vice para magpantay ito sa lalaking halos nakaluhod na.)

V: Alam nyo ba kung anong ginagawa nyo?

Boy: Oo

V: Ibig sabihin alam nyo rin kung anong parusang naghihintay sa inyo. (Sabay hawak ng mahigpit sa mukha nito.) Kung ako sa inyo, alamin nyong mabuti para hindi kayo napapahamak. (Sabay bitaw nito ng kamay at tumayo.)

Student3: Anong gagawin namin sa mga to, Vice?

V: Dating gawi. Turuan nyo ng leksyon, siguraduhin nyong hindi na yan uulit.

Student: Okaaaaaaay! (masiglang sabi nito.) Ibig sabihin may work na naman tayo. (Sabi naman niya sa mga kasama)

V: Dalhin nyo mga yan sa kahit na anong lugar, wag dito dahil kapag nakita kayo ng mga guards at nagsumbong sila sa daddy ko, kayo ang malalagot sakin.

Students: YES BOSS!!!! (sabay alis naman ni Vice.)

Pagka-alis ni Vice dinala sa di kalayuan ang mga lalaking nag-spy para doon bugbugin.

Sa di kalayuan naman ay natanaw ni Echo ang mga estudyanteng inutusan ni Vice, lumapit sila dito at pinigilan sa ginagawa.

Vhong: Ano to?? (Galit na tanong nya. Napahinto naman sila sa ginagawa at Napatingin silang lahat kanila vhong)

Vhong: Anong ginagawa nyo? Alam nyo bang bawal na yan?

Billy: Bitawan nyo sila.

Student: Pero....

Vhong: Kapag nalaman ni Vice ang ginagawa nyo, kayo ang malilintikan sa kanya.

Student: Pero si Vice ang nagsabing turuan namin sila ng leksyon.

Billy: Si Vice??? (Gulat na tanong nya.)

Student3: Oo.

Echo: Umalis na kayo at wag na wag na kayong babalik dito. (Utos nito sa mga lalaking binugbog. Tumayo naman sila agad at tumakbo palayo sa kanila.) Kayo. (Sabi sa mga estudyante.) Umalis narin kayo at wag na wag nyo ng gagawin yung ginawa nyo.

Student2: Sorry Echo, pero si Vice lang pwedeng mang-utos sa amin kung kailan kami titigil. (Sabay alis naman ng mga ito.)

Vhong: Brad, ano na naman ba to? Hahayaan na naman ba natin na bumalik tayo sa dati?

Billy: Sabi nga natin diba? Wala na tayong magagawa.

Vhong: Si K ang dahilan kung bakit nagbago si Vice, si K din ang dahilan kung bakit bumalik sya ngayon sa dati, at ngayon si K ang kailangan natin kausapin para tumigil na si Vice sa ginagawa nya. Brad, baka kung ano pa ang next na gawin nya.

Echo: Paano natin gagawin yun kung hindi pinapansin ni Vice si K.

Billy: Galit yun si Vice hindi lang sya nagpapahalata.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now