Ang Pagbabalik

2.7K 45 8
                                    



Ang inaasahang pagpunta ni K sa hospital para ihatid si Vice sa kanilang bahay ay hindi ito nangyari. Wala kahit na anong text o tawag na nagsasabing hindi ito pwede.

Nagdaan ang araw, linggo hanggang sa tuluyan ng gumaling si Vice at pwede na syang pumasok ay wala paring natatanggap na paramdam galing kay K. Tinatawagan at tinitext nito pero walang kahit na isang response. Kaya naman nag-alala na ito kung ano nga ba talaga ang problema ni K. Gustuhin man nyang magtanong kanila billy kung may alam sila sa nangyayari kay K ay hindi nya magawa. Kaya naman hinintay nalang nya ang araw na pwede na syang pumasok para makausap ito.

Habang nag-uusap sila jhong at K sa labas ng campus ay sakto naman ang pag dating ni Vice. Bumaba ito sa kotse nya at naglakad papunta sa kanila.

V: Anong ginagawa mo dito? (Tanong nito kay Jhong. Nabigla naman si K nang makita si Vice kaya nataranta ito.)

K: Vice.... (Gulat na sabi nito.)

Jhong: Hinatid ko lang naman ang girlfriend ko.

V: Adik ka ba? Ako ang boyfriend nya tapos sasabihin mong girlfriend mo sya? Ito ang tatandaan mo ah. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito sa school na ito lalo na ang makitang nakikipag-usap ka sa girlfriend ko.

Jhong: Hindi ko pwedeng gawin ang gusto mo, pare. Girlfriend ko sya kaya gagawin ko kung anong gusto ko.

V: Eh gagu ka pala eh. (Sabay tulak nito sakanya)

K: Tama na!

V: Let's go. (Sabay hila ng kamay ni K palayo kay jhong ngunit hinawakan din nito ang kamay ni K para pigilan silang dalawa.)

Jhong: Hindi pwede. Nag-uusap pa kami kaya wag kang bastos.

V: Bitawan mo kamay ng girlfriend ko. (Pagbabanta nito.)

Jhong: Ikaw ang bitawan mo kamay ni K.

V: Sinabi nang bitawan mo eh! (Sigaw nito.)

K: Ano ba nasasaktan ako.

V: Pagsabihan mo yang lalaki na yan.

K: Tama na! (Sabay alis ng kamay nito mula sa kanila.) Tama na! Hindi ako laruan na pwede nyong pag-agawan.

V: Hindi ka namin pinag-aagawan K, because in the first place ako ang boyfriend mo at hindi sya. Kaya tara na!

Jhong: No!

V: Alam mo? Pasalamat ka dahil nangako na ako kay K na hindi na makikipag-away dahil kung hindi, kanina ka pa nanghiram ng mukha sa aso. Kaya bago pa ako tuluyang mapikon, umalis kana! naiintindihan mo ako?

Jhong: K, bakit ba hindi mo sabihin na wala na kayo?

V: TUMAHIMIK KA?! (sigaw nito) Managinip ka hanggang gusto mo, pero siguraduhin mong gumising ka baka nababangongot ka na.

Jhong: Ikaw ang gumising sa katotohan vice. Ayaw na sayo ni K. Hindi mo ba talaga alam ang dahilan kung bakit hindi ka nya tinatawagan o kahit man lang icheck kung okay ka? O sadyang manhid ka lang at nagbubulagbulagan.

V: Tumahimik ka sabi eh.?! (Sabay tulak sakanya. Hindi na nito napigilan ang sarili at susugod na sya anytime.)

K: TAMA NA?! ANO BA?! Para kayong mga bata.

Jhong: Sabihin mo na kasi K. Para hindi na sya nanggugulo sa ating dalawa.

V: Wala syang dapat sabihin, naiintindihan mo ako?

Jhong: K, sabihin mo na! (Pang-uutos nito. Tinignan naman ni K si Vice na kanina pa pinipigilan ang galit.)

V: Sige. Sabihin mo sa harapan namin dalawa K. Sabihin mo sa kanya na nababaliw na sya. Sabihin mong ako ang mahal mo at hindi sya. (Tinignan lang sya ni K at tsaka tumingin sa baba)

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora