Officially Engaged (Special Chapter)

2K 42 27
                                    

Vice: Knock! Knock!

K: Vice??? (Takang tanong neto habang nakadikit ang tenga sa may pito ng kwarto nya. Kumatok naman muli si Vice kasabay ng salitang Knock, knock. Agad naman binuksan ni K ang pinto ng malamang si Vice nga ang nasa labas ng kanyang kwarto)

Vice: Bakit ang tagal mong buksan ang pinto? (nagtatampong sabi nya kay K)

K: Anong ginagawa mo dito? (tanong nya habang nagtataka parin ito)

V: Masama na palang dalawin ngayon ang girlfriend este fiance ko.

K: Hindi naman, pero diba ang usapan sa school na tayo magkikita?

V: Hindi na ba pwedeng magbago ang isip ko?

K: Ano naman ang nakapagpabago ng isipan ng boyfriend ko este fiance ko, huh?

V: Namiss kasi kita agad eh. (Nakangiting sabi nya habang nakatingin sa may labi ni K.) Halika nga dito. ( tsaka naman nya hinila palapit sa kanya. Panandaliang nagkatitigan ang dalawa at kapwa nangingiti nalang. Tumingin naman sa paligid si Vice at tsaka nya hinila si K papasok ng kwarto neto. Sinara naman nya agad ang pinto at bahagyang tinulak si K sa may likuran ng pinto at tsaka unti unting kinulong sa kanyang mga bisig)

V: Can I kiss you? ( bulong neto sa may tenga ni K. Napatawa naman ng unti si K na parang kinikilig kaya naman hinawakan ni Vice ang kanyang bewang habang ang isa ay nakaharang parin sa kanya habang nakasandal ito sa pinto.)

K: Ayoko nga. (Paglalambing neto.) Hindi pa tayo kasal noh?

V: Hindi pa kasal? Eh nahalikan na nga kita bago pa naging tayo diba?

K: Ninakawan mo ako nun.

Vice: Ginusto mo naman.

K: Kasi wala na akong magawa nun. At tsaka isa pa... (napahito bahagya si K habang nakatingin naman ito sa labi ni Vice.)

Vice: At tsaka isa pa ano??? (Nakangising tanong nito.)

K: Hindi ko alam, basta bigla nalang akong napapikit ng nagdikit ang mga labi natin. Ewan ko ba. Nakakainis ka. (Sabay hampas ng balikat nya.)

Vice: Bakit ako nakakainis? (Patuloy parin sa pagngiti.) gusto mo bang ulitin ulit natin yung first kiss natin? O gusto mong maglevel up?

K: Anong level up?

Vice: Level up. Alam mo na. Tutal nandito naman na tayo sa room mo eh, baka sakaling - aray! (Sigaw nya habang nakahawak sa kanyang tyan.)

K: Alis. (Sabay tulak sa kanya at dumeritso sa may closet nya.)

Vice: Ano ba K? Wala naman masama sa sinabi ko ah?

K: Hindi pa tayo kasal noh!

Vice: Pero engaged na tayo. Napakilala na nga tayo sa lahat eh.

K: Pero hindi pa ako ready. At tsaka napag-usapan na natin to eh.

Vice: Alam ko, ito naman hindi mabiro. Halika nga dito. (Sabay hila ng kamay at tsaka biglang binagsak sa kama ni K. Napaibabaw naman si Vice sa kanya, paraan para mapatigil sila sa paghaharutan. Bahagyang nagtama ang kanilang mga mata ng ilang segundo. Nagtitigan sila at tsaka unti-unti nilapit ni Vice ang kanyang mukha sa mukha ni K. Habang papalapit ng papalapit ang kanilang labi sa isa't isa, bigla namang tumayo si Vice at tsaka inikot ikot ang paningin sa buong paligid ng kwarto ni K na parang may hinahanap. )

K: Bakit? (Nagtatakang tanong nya kay Vice)

Vice: Tumayo ka na dyan. (Medyo galit na sabi nya.)

K: Bakit parang galit ka.

Vice: Naku kurba sinasabi ko sayo, tumayo ka na dyan kung ayaw mong magising ulit si junjun. Dahil pag nagkataon, lagot ka talaga sakin. Sa ayaw at sa gusto mo papakainin mo sya.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now