JunJun

3.8K 75 5
                                    

V: Good morning! (Masayang bati nya sa parents nya at tsaka upo.)

Rosario: JM, hindi pa tayo nag-uusap about what happened last night. (Napatingin naman si Vice sa daddy nya at ngitian lang ito.)

Roberto: Nag-usap na kami ng anak mo kagabi, Ma.

Rosario: Pero hindi pa kami nag-uusap. Hindi ko gusto ang ginawa mo kay Karylle.

V: We're okay now, Ma. Inayos ko na ang lahat sa amin.

Rosario: Ganun-ganun nalang yun? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa mama mo?

V: Ma... (Sabay lapit sa mama nya para lambingin ito.) Okay na po. Naayos naman eh. Yun ang mahalaga diba po?

Roberto: Naku, JM sige na pumasok ka na at baka malate ka pa.

Rosario: Hindi pa kami tapos mag-usap ng anak mo. Hindi pa nga sya nakakakain eh.

V: Ma, naman! Papagalitan mo ba ako, ang aga-aga oh! Sa school nalang po ako kakain pa.

Roberto: Go ahead JM, ako na bahala magpaliwanag sa mama mo.

V: Thanks, dad. (Sabay lapit sa daddy nya at tsaka pinat ang shoulder.)

Rosario: JM....

V: I love you, Ma. (Sabay beso sa mama nya at ngitian nya ito habang papalabas na ng bahay.)

Rosario: Kelan mo pa kinukonsente ang mga maling ginagawa ng anak mo, roberto?

Roberto: Hindi mali ang ginawa ng anak mo. Oh sige sabihin na natin mali na paiyakin at saktan nya si Karylle, pero Ma natural lang yun sa magkarelasyon, ang magkaroon ng problema. Parang hindi naman natin napagdaanan yun.

Rosario: So, ikaw pa pala ang nagtuturo sa anak mo na manakit ng damdamin ng babae?

Roberto: Okay, sige para mas lalo mong maintindihan ang anak mo sasabihin ko sayo ang lahat-lahat. (Natahimik naman si rosario ng sabihin yun ng asawa nya.)

-----

V: Hindi ba sabi ko sayo na pag alam mong parating na ako wag na wag kang haharang sa dinaraanan ko? (Sabay tanggal ng sunglass nya)

K: Vice? (Gulat na sabi nya ng makita si Vice sa likuran nya)

Jhong: Ikaw ang lumapit dito tapos sasabihin mong hinarangan kita?

V: Ako nga ang lumapit, pero nasabi ko ba sayo na ang sakit sa mata na makita ka?

Jhong: Eh di wag kang tumingin.

V: Matapang ka ah! (Sabay tadyak sa tiyan nya, napaatras naman ito sa sakit samantalang nagulat bigla si K sa nakita.) Oh! Masakit ba? (Pang-aasar na tanong nya.)

Jhong: Gagu ka! (Galit na sabi nya habang hawak-hawak parin ang tyan nito.)

V: Oo gagu ako, pero mas gagu ka! (Sabay punch sa left cheek nya. Napaupo naman sya sa semento sa sobrang lakas at nagdugo ang labi. )

Jhong: Ano bang problema mo?

V: Ikaw! Ang lakas din talaga ng loob mong magpakita pa dito ah! Sino kaba sa akala mo?

Jhong: Wala kang pakialam, besides hindi ikaw ang pinunta ko dito.

V: At sino? Si Karylle? Hahahaha (sabay talikod nito at naglakad.) You're still dreaming until now. (Sabi nito habang tuloy sa paglalakad palayo sa kanila.)

K: Vice... (Mahinang sabi nito.)

Nang makalayo naman si vice ay bigla nalang itong bumalik kanila K.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now