The Plan

2.7K 60 5
                                    

V: Good morning dad. Good morning Ma. (Tsaka ako bumeso kay mama at umupo para kumain.)

Robert: JM, ano tong sinasabi ni Modesto na hiningi mo na daw ang kamay ni karylle sa kanya? (Napatingin naman ako kay mama at tsaka nagsmile sa kanya.)

V: Yes, dad. Actually, I'm planning to propose to her this week.

Rosario: Bakit hindi mo sinabi sa amin ito?

V: Si mama parang bago naman sayo ito. Diba nga matagal nyo ng gustong ma-engage kami ni K? Ito na oh!

Rosario: Parang hindi pa ako ready, nak. (Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sa sinabi ni mama. Hindi pa ready? Pero kung makapagsabi noon, mas excited pa sakin.)

V: Dad, anong nakain ni mama bakit parang nagdadrama ata?

Roberto: Wag mo ng pansinin yang mama mo, natatakot lang yan na mawala ka sa kanya.

V: Ma, hindi ako mawawala. Engage lang naman eh. Wala pang kasal.

Rosario: Pero susunod na yan.

V: Si mama talaga. ( Lumapit ako kay mama para lambingin sya, alam kong sa simpling yakap at paghalik ko sa ulo nya mapapasaya ko sya. Actually, hindi ko madalas gawin ito kay mama ang lambingin sya, hindi naman kasi ako yung anak na sweet. Hindi ba nga't ang tingin sakin ay isang walang kwentang anak at walang mararating sa buhay? Pero sino ang mag-aakalang darating ang araw na ito? Yung masaya kami nila mama at papa. Yung tipong walang sigawan at walang sakitan ng damdamin.)

Rosario: Kumain ka na, para makapasok ka na at baka ka malate. (Bigla naman naputol ang pagmumuni-muni ko ng magsalita si Mama. Napangiti nalang ako at tsaka bumalik sa upuan ko.)

Roberto: So, what's your plan after the proposal?

V: Wala pa naman pa. Pero gusto sana na by next year ikasal na kami ni K. Hindi ko na hihintayin na grumaduate kaming pareho. Kaya naman naming pagsabayin ang pag-aaral at pagiging husband and wife eh.

Roberto: If that you want, We will support you son. You know what? I'm proud of you. (I'm proud of you? Tama ba ang narinig ko?o nabibingi lang ako? Si papa proud sakin? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung narinig ko yung sinabi ni papa, basta ang alam ko lang niyakap ko sya ng mahigpit.)

V: Thanks dad. (Sabi ko sa kanya habang nakayakap parin ako kay papa. Hindi ko naman namalayan bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko at bago pa makita nila mama, pinunasan ko na agad.)

Roberto: I'm very proud of you. Alam ko hindi ko to sinasabi sayo, alam mo naman siguro kung ano tayo noon, hindi ba? Pero gusto kong bumawi sayo, at gusto kong sabihin sayo, that i'm very lucky for having a son like you. (Napangiti ako sa huling sinabi ni papa.)

V: Dad.....

Roberto: Masyado ata talaga akong busy sa trabaho at hindi ko nakita kung gaano ako kaswerte sa pamilya ko. O tama talaga ang mama mo na nakasara ang mga mata ko para makita ang totoong ikaw.

V: Pa.....( Napahinto ako bigla. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Basta masaya ako.) Ang drama mo.(sabay basag ng drama ni papa. Napangiti naman sila ng makitang nagbibiro ako.) Akala ko ba si mama lang ang madrama sating tatlo bakit parang nahawa ka na ata?

Rosario: Ikaw bata ka, sige na umalis kana at baka ka pa malate.

V: School naman natin yun eh, okay lang naman siguro malate.

Roberto: JM....

V: Joke lang, pa. Parang di naman kayo mabiro. Sige na nga alis na po ako. (Tsaka ako tumayo at lumapit kay mama para halikan sya. Niyakap ko naman si papa for the last time.)

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now