ViceRylle

3.5K 60 10
                                    

V: Good morning po, nandyan pa ba si K? (Tanong nya sa maid nila na nagbukas ng gate para sa kanya.)

Maid: Opo ser, nasa loob pa po sya. Pasok po kayo.

V: Salamat! (Tsaka sya pumasok sa loob ng bahay nila K.)

Maid: Mam, sir nandito po si ser vice. (Sabi ng katulong sa parents ni K.)

Modesto: Vice.

V: Good morning tito. Good morning tita.

Zsazsa: Napadaan ka. Sakto nandito pa si K, susunduin mo ba sya?

V: Amp! Opo. Tsaka gusto ko rin po sana kayong makausap.

Modesto: Kung yung tungkol sa nangyari sa party, nasabi na sa amin lahat ni K. Naiintindihan ka namin kung nagalit ka pero sana kinausap mo nalang ng maayos ang anak namin.

V: Ginawa ko naman po yun tito eh, alam ko pong maling saktan sya, pero hangga't mahal namin ang isa't isa masasaktan at masasaktan po namin ang bawat isa.

Zsazsa: Kamusta pala kayo ni K? Hindi pa sya nagkokwento sa amin mula nung pumunta ka dito at kinausap sya.

Modesto: Ano bang plano mo? Hanggang ganito nalang ba kayo?

V: Inayos na po namin yung saming dalawa, sa katunayan po ay nagkabalikan kami. Tito, alam ko nasaktan ko po si K, pero gusto ko pong sabihin sa inyo na mahal na mahal ko po ang anak nyo.

Modesto: Wala naman akong problema sayo eh, ang sakin lang sana hindi na mauulit na makita kong umiiyak ang anak ko dahil sayo. Mahal na mahal ka nya, alam namin yun. Makakaasa ba kaming hindi mo na sasaktan ang anak namin?

V: Hindi ko po maipapangakong hindi ko sya masasaktan ulit, pero gagawin ko po ang lahat para maging karapat-dapat sa anak nyo.

Modesto: Kung ganun, maayos na ang lahat. Ikaw na bahala sa anak namin vice.

V: Salamat po. Amp! tito, tita alam ko po masyadong mabilis ang gagawin ko pero, sigurado na po kasi ako sa nararamdaman ko para kay K. Gusto ko po sanang hingin ang kamay ni K sa inyo. (Nagkatinginan naman si Modesto at Zsazsa sa sinabi ni Vice.)

Zsazsa: Sigurado ka na ba sa gusto mo, Vice?

V: Opo tita.

Modesto: Alam naba ng mommy at daddy mo sa plano mo?

V: Hindi ko pa po nasasabi pero alam ko naman po na papayag sila. At tsaka po hindi ba gusto nyo na po kaming ma-engage ni K noon pa?

Modesto: Kung yan ang gusto mo, sige ibibigay ko ang kamay ng anak namin sayo. (Napangiti naman ng maluwang si Vice sa sinabi ni modesto.)

V: Thanks tito.

Modesto: Basta aalagaan mo ang anak namin, alam mo naman na unica hija namin sya.

V: Opo. Promise.

Zsazsa: Masaya ako para sa inyo Vice.

V: Thanks po. Amp! pwede po bang humingi ng favor?

Roberto: Ano yun?

V: Amp! Ayoko po kasi munang malaman ni K yung sinabi ko sa inyo, gusto ko po kasi syang i-surprise for my proposal.

Roberto: Okay! sige.

K: Vice?? (Gulat na sabi nya ng makita si Vice sa sala habang pababa sya sa hagdan) Anong ginagawa mo dito?

Roberto: Sinusundo ka.

V: Amp! Oo. Gusto ko kasing kasabay ka.

K: Bat di ka man lang nagsabi? Kanina ka pa ba?

V: Medyo, pero okay lang naman.

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now