Spider

4.6K 69 0
                                    

Karylle's POV

Maaga akong umuwi dahil ayoko ng makita ang pagmumukha nung lalaki na yun, wala nalang syang ginawa kundi bwisitin ako.

Zsa Zsa: Oh, bakit maaga ka ata ngayon? (Tanong ni mama sakin habang pababa sya sa hagdan)

Karylle: Wala po kasi kaming last subject, absent yung prof namin. (Sabi ko sa kanya tsaka ako nakipagbeso kay mama)

Zsazsa: Ganun ba? Kasabay mo ba sila Anne?

K: Hindi Ma, may last subject pa po kasi sila eh, hindi ko na hinintay kasi mabobored lang po ako. (Pagsisinungaling ko, pero ang totoo ayoko talaga at alam nyo na kung anong dahilan)

Zsazsa: How's your school, by the way? Is it good? How's the students?

K: (Okay ang school, okay lang lahat actually, pero meron lang isang hindi okay. Naiinis talaga ako sakanya. Aaaaaah!) It's okay, Ma. They're good. (Mabait naman lahat, except yung demonyong kabayo na yun) Ma, I have to change my clothes na. (Sabi ko, ayoko ng pahabain pa ang usapan na to)

Zsazsa: Okay, ipapatawag nalang kita pag kakain na.

K: Okay, Ma. (Sabay alis at umakyat na sa room ko)




---
Hindi ko pwedeng sabihin kanila mommy at daddy na ayoko sa school ko ngayon. Actually, gusto ko naman kaya lang naiinis talaga ako sakanya. Ewan ko ba bat ang init ng ulo ko sakanya, siguro kasi pangit ang pagtatagpo naming dalawa. Hays! Kung di lang talaga sa iniiwasan ko hindi ako papasok sa school na yun, bakit naman kasi nakinig pa ako kanila Anne na doon nalang magtransfer.

Ayokong magreklamo kay mama. Nangako na ako na yun na yung last school na papasukan ko. Pag sinabi kong ayoko sa University na yun baka sa Amerika nalang nila ako pag-aralin, at ayokong mangyari yun. Bahala na! Bwisit talaga sya. Wala syang magawang tama. Palibhasa sila may-ari ng school na yun kaya sya naghahari-harian. Anong klaseng school meron sila, hinahayaan nilang isang tulad nung demonyong kabayo na yun ang magmanipula sa mga estudyante.

K: Aaaaaaaaaaaaaaaah! (sabay bagsak ko ng bag sa bed ko.)

Zsazsa: K, are you okay? (Hays! Si mama)

K: Yes, I'm okay, Ma. (Sigaw ko. Narinig ko naman nag-okay si mama tsaka umalis.)

Naiinis talaga ako. Bwisit ka talaga. Akala ko magiging tahimik ang buhay ko, mali pala ako. Pwes humanda ka sakin dahil hindi ako magpapatalo sayo.





----

Vice: Good morning MH (Ang aga-aga ito na naman sya. Hindi ba to umuwi at inabangan pa talaga ako dito sa parking lot?)

K: Walang maganda sa umaga lalo na pag ikaw ang nakikita.

Vice: Maganda ang umaga pag ako ang unang nakikita. (Ang yabang talaga nya. At talagang nakasandal pa sa may kotse ko ah.)

K: Umalis ka nga dyan sa kotse ko, baka marunihan.

Vice: Kotse mo pala to. May sasakyan ka pala eh. Bakit kahapon nakita kitang naglalakad. (At nang-aasar talaga sya. Hayan na naman ang mga ngiting demonyo)

K: Hindi ako naglalakad, pwede ba!

Vice: So, anong tawag mo dun? Lumilipad? (Ang tino talaga nyang kausap)

K: Alis! (Sabay tulak ko sa kanya at umalis palayo sa kanya.)

Vice: Sabay na tayo, MH! (At talagang di nya ako tatantanan ah!)

K: Ayoko. Isa pa, hindi kita classmate kaya nakakasiguro akong hindi iisang building ang papasukan natin.

Vice: Pano kong sabihin ko sayong magkatabi lang ang room natin? V201 ka at V202 ako. Laboratory ka ngayon diba? (Paano nya nalaman sked ko? Wag na ako magtaka sila pala may-ari nito. At talagang nag-abala pa syang malaman ang sked ko para lang asarin ako ah)

Bad Boy meets Good Girl || ViceRylleWhere stories live. Discover now