chapter 2

6.3K 204 1
                                    

Magiisang linggo na simula ng makabalik ako dito sa ampunan naging maayos naman ang Lahat bale nasa labing siyam ang mga bata dito sa ampunan limang nasa idad katorse hanggang  sixteen ang mga matatanda na  pito ang nasa edad sampo hanggang labing dalawa ang apat naman ay  nasa edad pito hanggang anim at ang tatlong bata naman ay nasa edad dalawa hanggang apat sila ang pinaka bata  mababait sila at sobrang sisipag hati-sila sa mga gawain at pagaalaga sa mga nakababata..

Nagsasampay ako ng mga kumot ng biglang magtanong si Kim sa akin katorse anyos at nasa high school na scholar siya Kagaya ng ibang ma's matanda pa sa kanya

"Sister Maria sobrang Ganda niyo pero Bakit napili mong maging madre'? Inosenteng Tanong nito sa akin di naman na bago yun dahil kadalasan yun ang unang naiitatanong nila sa akin..tumawa ako bago siya sinagot kita ko rin na hinihintay nila ang sagot ko sa  Tanong ni kim bale apat Kaming naririto at nagtutulungan sa labahin si Kim si Elsa na pinaka matanda sa edad na sixteen at  renzo na kinse naman ang edad 

"Hindi mo Kaylangan ng dahilan kung mahal mo ang ginagawa mo simula kasi pagka bata pangarap ko talaga ang maging isang madre kung baga ito yung calling ko ang pagsilbihan ang ating panginoon" mahabang paliwanag ko nakita kong mukhang satisfied naman sila sa sagot ko ng Matapos Kami ay nagprisinta naman akong ako nalang ang magtungo sa bayan para mamalengke para sa hapunan kasama ko si renzo na siyang nag prisintang magbibit-bit ng bibilhin namin dahil medyo may kadamihan ang bibilhin namin..

Ng makarating sa bayan ay kita ko ang pagtitig nila sa akin iniwas ko nalang ang aking tingin ng makatapat Kami sa mga tricycle driver na Medyo nakaka- asiwa ang pagkakatitig at ang ilan ay naninigarilyo pa..

"Sister magandang araw po"" sabi ng isa ngumiti Lang ako sa kanila ng akma na Kaming lalagpas ni renzo na masamang Nakatingin sa mga driver nakahawak din siya sa kamay ko at iniilag ako sa side ng mga malokong driver

"Ang Ganda mo naman sister alam mo bang kasalanan ang hindi pagaasawa " sabi ng isa at natawa naman ang ilan sa kanila naramdaman ko pang paghigpit ng hawak ni renzo sa kamay ko

"Halika na sister Maria wag mo na silang pansinin pa"  madiing sabi niya saakin tumango nalang ako ng Paalis na Kami ay may humawak sa aking kamay sabay halik

"Sister Baka gusto mong makatikim ng magising ka sa katotohanan " sabi ng isa nababastos na ako Wala manlang lumapit upang sawayin ang mga bastos na driver na ito

"Bastos! Kayo Ahhhh" sabi ni renzo bigla siyang nanuntok at inuna niya ang humalik sa kamay ko pero agad ding nakabawi ang lalake sinuntok din niya Si renzo napahiyaw ako sa gulat at takot agad akong umupo upang takpan si renzo ng akma itong sasapakin ng lalakeng manyak ng biglang tumahimik Nakarinig ako ng hiyawan at kalabog

"Mga bastos kayo pati madre binabastos niyo sa susunod talagang ikukulong ko na kayo " Nakarinig ako ng boses ng lalake ng iangat ko ang ulo ko ay isang pulis ang nakatayo sa harapan ko Matangkad ito tumingin ito sa amin at naglahad ng kamay inabot ko naman yun at tinulungan ding tumayo si renzo na may putok sa gilid ng labi

"Pasensya na sa abala sister Hayaan niyo at pagsasabihan ko sa susunod " sabi niya may maganda itong mukha para bang artista Moreno ang kulay ng balat  may biloy sa magkabilang pisngi  maganda ang pangangatawan ..

"Salamat po sa tulong Mr.?" Nakita kong ang pangalan sa damit niya "Lopez "

"Chief inspector  Benjamin Ryan Lopez po sister at your service" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay 

"Umm ako naman si sister Maria ng heavens orphanage at ito si renzo kasama ko " sabi ko at nakipagkamay sa kanya at nginitian siya kita ko ang pagkagulat niya at pagkakatitig ng matagal kung Hindi pa siya kinalabit ng kasama niyang kadadating Lang  ay hindi pa siya matatauhan at bibitawan ang kamay ko

"Sir hanap na tayo sa prisinto " sabi nito at Bahagya pang napatigil sa pagsasalita ng Makita ako

"Kamusta po magandang sister" sabi nito at binatukan siya ni  Sir Lopez ..

"Pasensya na ulit sister si spo2 Ian Ramos po pala pinakilala niya sa sarili niya  ngumiti ako at kinamayan din siya

"Sige po sir Lopez at sir Ramos Mauna napo Kami " sabi ko sa kanila

"Ayus Lang sister samahan muna namin kayo Baka mapano ulit kayo at Ryan nalang po at Ian nalang po tawag niyo sa amin " sabi nito Hindi na ako umangal pa ng sabihin nilang sasamahan nila Kami medyo na trauma ako sa nangyari kanina..

Nasa bilihan Kami ng bigas at bumili ng mapansin kong panay ang titig ng tao sa akin

"Ate magkano po ang kalahating bulto ng Bigas  ? Malumanay kong tanong  sa kanila

"Ummm.. 600  po sister " sabi ng ale ng inabot ko ang isang libo ay hindi niya ito kinuha

"Nakuh.. Sister ayos Lang kunin mo na  tulong ko nalang sa ampunan "  sabi nito Napangiti ako at nagpasalamat

"Kaawaan ka ng diyos ate" sabi ko sa kanya kinuha ni ian ang isang sako na bigas at inilagay daw sa pick-up na prinisintang sasakyan namin dahil sa ihahatid daw nila Kami pauwi

Ng pumunta Kami sa grocery ay bumili ako ng mga nasa listahan ngunit ng magbabayad ulit ako ay hindi nila ulit tinanggap  tulong nalang daw kahit sobrang dami ng binili ko puro pasasalamat naman ang sabi ko dahil kahit ilang beses kong ipilit ay hindi nila kinuha ang perang inaabot ko ganon din ang iksena sa iba pang bilihan hanggang makarating Kami sa bilihan ng karne kasama si renzo at Ryan na maraming bit-bit

"Magandang araw po pabili po ng karne umm ...gaya daw po ng kinukuha ni sister Elena " sabi ko sa ginang

"Ayyy... ganon ba sister Sige " bago ka Lang bang kasama ni sister Elena sa ampunan ? Tanong nito ngumiti ako at Tumango sa kanya

"Ahh Opo kadadating ko Lang po nung isang linggo " sabi ko sa kanya

"Pasensya na pala kanina sa gulo sister sobrang Ganda mo kasi Kaya naman maraming Natulala sayo para kang si mama mary " sabi nito na kinatawa ko Lang

"Salamat po " sabi ko  ng inabot niya sa akin ang pinamili kong karne ay binigay ko ang   bayad ay hindi rin nito kinuha

"Maraming Salamat po" sabi ko

"Ayos Lang po yun sister "  sabi nito ng nakangiti  Pagkatapos naming mamili ay Hinatid na Kami nila Ryan sa orphanage 

"Sister Maria"!!! Sabay-sabay na sigaw ng mga bata natawa ako dahil alam Kong pasalubong ang hihingin nila buti nalang at may candies akong napili kanina  ng makalapit sila ay yumakap pa sa akin Si Jenny ang four years old na batang babae na pinaka malapit sa akin..

"Sige na Pumasok muna at sa loob ko ibibigay ang mga candies niyo " sabi ko nagtakbuhan ulit Sila pabalik   natawa Kami tinulungan pa  Kami nila Ryan na ipasok ang mga bitbit namin...

Sinalubong Kami ni sister Elena at sister Rose mukhang Nagulat Sila sa mga dala namin

"Nakuh... Sister Maria madami naman ata nito" sabi ni sister Elena sakin

"Masayadong maganda si sister Maria sisters kaya maraming nagbigay ng tulong at pagkain sa atin" pati po ata kita nila binigay sa kanya" sabi ni renzo natawa si sister Rose at sister Elena

"Pano Ba yan sisters Mauna napo Kami " sabi ni Ryan  na nakangiti

"Salamat po ulit " sabi ko sa kanila Hinatid ko Sila hanggang gate ng makaalis Sila ay agad din akong pumasok inaayos nila ang mga pagkain inabot ko Kay sister Rose ang candies para sa mga bata bago pumunta sa office ni mother Esther para ibigay ang perang hindi ko naman nagamit ng makarating ako sa pinto ay kumatok muna ako ngunit walang sumasagot Kaya naisip Kong pumasok

Nagulat ako sa nakita ko nakabulagta si mother Esther sa sahig   lumapit ako  at sumigaw

"Mother Esther!!!'.'tulong...tulong!!!..... 

Isinugod ng hospital si mother Esther ako at si sister Rose ang sumama sa mahigit eighteen years ngayon Lang ulit ako nakadama ng sobrang lungkot at kaba...

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now