chapter 19

5.8K 182 2
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong hinaplos ni Lucas ang mukha ko...

"Morning  ....sleepy head I need to go to work now..." sabi niya  agad akong bumangon para sana ihatid siya sa labas ng bigla akong mahilo buti nalang ay nasalo ako ni Lucas bago ako masubub-sob  ..

"Hey are you alright"?  Nagaalalang tanong niya sa akin ng maamoy ko ang pabango niya ay lalo akong nahilo bumaliktad ang sikmura ko kaya naman agad akong Tumakbo sa banyo ...duwal ako ng duwal dahil sa pangangasim ng lalamunan ko .... ng minsan akong makaramdam ng ganito ay ng magbuntis ako Kay Lucy....hindi Kaya?...

Ng matapos akong magsuka ay itinayo ako ni Lucas at hinilamusan lambot na lambot ang pangangatawan ko nakita kong nagpalit siya ng damit kanina kasi naka suits na siya at papasok na sa opisina .. inupo niya ako sa lababo at pinunasan ang mukha ko..

"Bakit nagpalit ka hindi kaba papasok?" Tanong ko

"No if I know your not feeling well I already call my Secretary to cancel my appointments and reschedule it so don't worry ...your much important than work.." sabi niya naiiyak tuloy ako sa sinabi niya natawa siya at hinalikan ako sa ilong...ng Makita Kong Bukas ang kabinet sa taas at napansing walang bawas ang napkin ko   dalawang buwan na din akong Hindi dinadatnan Kaya sa palagay ko alam ko na ang dahilan niyakap ko si Lucas sa leeg gumanti din siya ng yakap...

" Lucas ...pano kung mabuntis ako ulit"? Tanong ko naramdaman kong parang nagulat siya ..at tinitigan ako

"Don't tell me?...."  tumango ako kita ko   ang pag ngiti niya at kasabay non ang pagbuhat niya sa akin

"Yes... Thank you...baby...thank you.." sabi niya hinalikan niya ako paulit ulit Natawa naman ako sa inasta niya...

"Lucas hindi pa ako sure pero two months na akong delayed ehh..." sabi ko

"Don't worry  buntis ka hindi tayo gumagamit ng protection pag may nangyayari satin... Punta nalang tayo ng hospital para ma's sure"  sabi niya   ngumiti Lang ako at Tumango ...





                         "Congratulations Mr and Mrs Harrison  buntis po si misis ....gaya po ng dati mag Ingat po palagi iwasan ang stress at wag magpapagod  Bibigyan po kita ng vitamins ....Congratulations po ulit..." sabi ng doktor sa amin kita kong sobrang saya ni Lucas ....hanggang makaalis Kami sa hospital ay hindi maalis ang ngiti niya ....

       Nasa sala Kami Ngayon at nasa play mat naman naglalaro si Lucy si Lucas naman ay nakayakap sa akin at hinihimas niya ang tiyan ko nakasandal ako sa kanya at pinapanood namin na maglaro si Lucy...

"I hope it's a boy this time ..." sabi ni Lucas na ikinangiti ko...

"Sana nga ehh pano pag babae nanaman?" Tanong ko sa kanya

"Its okay  ....bastat healthy ..siya gaya ni Lucy... but we can try again  when this baby is girl" ....

Tumawa ako sa sinabi niya napatingin sa amin si Lucy Kaya tumayo ito at  dahan-dahang naglakad papalapit sa amin ng malapit na ay bahagya pa itong matutumba pero agad siyang nasapo ng daddy niya...

"Hellow princess..." pinaulanan niya ng halik si Lucy panay naman ang tawa ng bata ang sarap nilang panoorin  habang nagkukulitan ng biglang lumapit si Kuya Carlos at may ibinulong Kay Lucas...nakita ko ang pag dilim ng paningin ni Lucas  agad na may sinenyas siya Kay Kuya Carlos ng umalis ito ay hinalikan niya si Lucy  bago ibigay sa akin si Lucy...

"I have a business trip baby  I have to go now but I  Will definitely go home after I settle the problem okay..." sabi niya at hinalikan ako

" I will call often so carry your phone always" sabi pa nito bago Kami iwan  nagtataka nga ako ehhh dahil sobrang galit ang mukha niya.....siguro Nga malala ang problema sa opisina nila...

     "Kaylan kaba talaga uuwi?" Mag iisang buwan na ng umalis ka...." naiiyak kong sabi Kay Lucas  tumawag kasi siya ngayon para kamustahin Kami ng anak niya  bale pangalawang beses palang itong tawag niya simula ng umalis siya...

" I still don't know there's a lot of problems here  but don't worry as soon as possible  I will settle my problems so just be patient and  kiss Lucy for me..."

"Sige...ingat parati hmm"? 

"Okay bye ....be careful okay ...miss you take care.."

Natapos ang tawag ay Nakatulala parin ako ng maramdaman kong may maliliit na kamay na humawak sa akin nakatayo sa crib si Lucy at nakangiti sa akin habang subo subo ang kabilang kamay niya ....sa pagngiti niya ay parang nakita ko si Lucas photo copy talaga ng daddy niya hinalikan ko siya gaya ng bilin ni Lucas... nakipag kulitan nalang ako Kay Lucy para makalimutan muna ang pagka miss Kay Lucas ....

Linggo ...at buwan ....Wala paring Lucas na dumating  limang buwan na ang pinagbubuntis ko at ngayon lalake naman ang baby namin masayang masaya ako gusto Kong ibalita Kay Lucas pero Hindi ko siya ma contact ..... ilang buwan na mag aapat na wala parin siya gano Ba kalaki ang problema niya at  hindi na siya makauwi para silipin man Lang Kami....

Nag gagantsilyo ako ng  medyas  tinuruan kasi ako ni manang Sally para maalis daw ang pagkabagot ko  dito sa bahay  dalawang pares na ang natapos ko  ....si Lucy ay pinaalaga ko muna kay Ana  ng hanapin ko ang gunting na ginagamit ko pero Hindi ko mahanap kaya naman pumasok ako sa opisina ni Lucas  para tingnan kung may gunting ba siya ...pag bukas ko palang ay pabango na niya ang naamoy ko

"namimiss  ko na ang daddy mo " sabi ko sa maumbok kong sinapupunan hinaplos ko ito naglakad ako papalapit sa mesa niya at naupo sa upuan niya ...Namula ako ng maalala ang ginawa namin dito ng huling beses na pumasok ako dito para makipag-ayos sa kanya  iniling ko ang ulo ko at natawa ng nakita ko ang mga pictures sa mesa niya ...

Napangiti ako ng Makita ang picture namin ng makapanganak ako Kay Lucy ...tapos yung isa ay nakayakap siya sa akin habang kalong ko si Lucy Pasko yun nung kinuhaan yung isa ay solong picture ni Lucy ng first birthday niya marami pang iba.... napahaplos ako sa solong picture ni  Lucas mga nasa fifteen o sixteen siya sa picture sobrang guwapo niya  ng kinuha ko yon ay may nalaglag  sa likod ng pinulot ko ay picture yon ng isang magandang babae ....sobrang Ganda niya ...punit yon pero may nakita akong braso sa balikat Nung babae kayalang di ko kilala kung Sino ...kasi punit ang kalahati si Lucas Kaya ...? Hindi Baka kamaganak Lang ayokong magisip ng masama Kay Lucas ... ...pero Hindi ko maintindihan parang may kumurot sa puso ko ng Makita ang larawan ng babae....

      Lumabas ako ng opisina ni Lucas ng  walang nahanap na gunting pero nakahanap ako ng isang larawan ng babae na ikinakasakit ng puso at ulo ko....

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now