chapter 32

5.5K 176 2
                                    

Three days Matapos mangyari yon ay pumanaw si  mother Esther  masakit para sa akin dahil kulang ang sandaling nakasama ko siya  ...

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng may yumakap sa likodan ko napapikit ako dahil sa sarap ng init na nangagaling sa kanya...

"Can't sleep?" Tanong niya napatango nalang ako mabigat parin ang loob ko dahil sa pagkawala ni mother Esther...

"Are you okay ...?" Humarap ako sa kanya at niyakap siya .. ramdam ko ang paghaplos niya sa likudan ko ...

"Siguro kaylangan ko pa ng konting oras para matanggap ang nangyari..." sabi ko ilang oras pa kaming nasa ganong posisyon ng magaya na siyang matulog...

.......

"Mama... !!! Tumatakbong lumapit si Lucy sa akin tapos na ang klase niya Kaya naman sinundo ko siya..

"Kamusta ang school anak.." sabi ko at yumuko sa harapan niya para lagyan ng panyo ang likod niya na basa na ng pawis...

" naka..nakakuha po akow ng starrss ...Mama" nabubulol na sabi niya...

"Stars anak ..." ulit Kong sabi sabay pisil ng ilong niya..

Masayang nagkukuwento si Lucy Habang palapit Kami sa sasakyan...ng nakasakay na kami sa loob ng kotse ay    tumawag sa akin si Lucas na Baka daw gabihin siya dahil sa may importante siyang meeting ...

Pagdating namin ay agad na sumalubong Si manang Sally habang buhat si loki agad nagpakuha si loki ng Makita ako natawa pa ako sa itsura niya dahil sa angdungis ng mukha niya dahil sa kumakain siya ng chocolate...pinunasan ko ang bibig niya at hinalikan  siya...naging maayos naman ang mga sumunod na araw sa amin at hinihiling ko Lang na sana maging maayos na ang Lahat sa buhay namin...

One week ang Lumipas pero walang Lucas na dumating ang sinabi niyang gagabihin siya  ay nauwi ng isang linggo ...at sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung nasaan Ba siya at baka ' kung anong nangyari na sa kanya Hindi ko siya ma contact at lalong wala siya sa opisina niya dahil sa nagpunta na ako Doon ....Wala akong maisip na lugar kung nasaan Ba siya kaya naman naglakas loob akong pumunta sa ancestral house nila nagpahatid ako sa driver ni Lucas kinakabahan ako pero inisang tabi ko muna yun ....

Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako mag door bell sa gate pinagbuksan naman ako ng katulong ng makita ako mukhang kilala pa niya ako dahil ngumiti muna siya sa akin at sinabihang maghintay sandali ...umakyat siya sa hagdanan at naiwan akong mag-isa sa sala ...napatingin ako sa portrait nila Lucas nakangiti si Mrs. Harrison at seryoso naman si Lucas at papa niya napatayo ako at tinignan ang iba pang pictures na naka display Napangiti ako ng Makita ko ang isang picture niya na halos kamukha si loki sigurado ako na magiging Xerox copy siya ng anak niya pag laki....

Napahinto naman ang Mata ko sa isang litrato si Lucas yon kasama si  Stacy  pero ma's nanlaki ang mata ko dahil sa buntis ito napapaisip naman ako dahil walang naikuwento si Lucas sa akin na may anak sila...

"She's five months pregnant when they took that picture"

nagulat ako ng may nagsalita sa likodan ko ng lingunin ko ay ang magasawang Harrison pala nakaalalay si Mrs Harrison sa asawa niya na hirap parin sa paglalakad .

"Sit down.."  sabi niya ng makaupo siya sa upuan ay naupo naman ako sa  katapat niyang upuan  natatakot parin ako sa kanya para kasing ayaw niya ako...

"What's bring you here?" Tanong niya habang nakatitig sa akin...

"Umm..gusto ko Lang po sanang itanong kung alam niyo kung nasaan si Lucas isang linggo napo kasi siyang Hindi umuuwi" sabi ko napatawa ito na para bang mali ako ng sinabi ...

"You didn't know where he is ?" Tanong niyang muli napayuko ako at umiling ....

" I don't really like you for my son pero alam Kong Hindi ka rin masamang tao dahil sa biktima ka rin ng kasikiman niya....." sabi niya pa niya sa akin ..

"Go to this place " sabi niya sabay Lahat ng kapirasong papel na may address sa pagkakaalam ko ay hospital yon Kaya aman agad ko itong kinuha Kinabahan ako at napatingin Kay Mr.Harrison.

ayokong makialam pero ma's mabuting ikaw na ang umalam at sana sa pagkakataong yon magdisisyon ka kung mananatili ka sa tabi niya o aalis ka ng Wala kang pagsisisihan..."

Sa mga sinabi niya  ay parang pinapahiwatig niya na sa malalaman ko ang  sagot sa Lahat ng katanungan ko...

...

Umalis ako sa mansiyon ng mga Harrison nagpahatid ako sa driver sa lugar na nasa papel...napapaisip ako kung Bakit ba Napaka daming lihim ni Lucas...

"Ma'am nandidito napo tayo" napatingin ako sa labas kahit na alangan ay lumabas ako sa sasakyan at nagbilin na hintayin nalang ako...

Pumasok ako sa loob Hindi ko alam ang gagawin ko dahil Hindi ko naman alam kung Sino ang na-hospital  ....ng may nakita akong nurse ay lumapit ako at nagtanong..

" Excuse me nurse ummm..May Harrison bang naka-confine dito?" Tanong ko

"Ay..kamag-anak po Ba kayo...?" Tanong niya tumango nalang ako sa kanya...

"Room 249 po siya second floor po" sabi niya nagpasalamat ako sa kanya at sumakay ng elevator kinakabahan ako at napahawak sa dibdib ko ng Huminto ang elevator ay napatingin ako sa paligid'

CANCER PATIENTS

Nanlaki ang mga mata ko cancer? Sinong may cancer si Lucas ba''...Tanong ko sa sarili lumilipad ang aking isip at Hindi ko napansin na nasa harapan na ako ng pintuan bubuksan ko na sana ng Bigla itong nagbukas parehas Kaming nagulat

"Who's that Adam"? Nanlambot ang tuhod ko ng marinig ang boses na yun Hindi ako maaring magkamali dahil Kay Stacy yun binuksan ng maigi ni Adam ang pintuan at kita ko rin ang gulat sa mga mata niya ng Makita ako...

"Your here" mahina niyang usal ngumiti siya sa akin kahit alam Kong hirap siya .....

Namumutla siya at sobrang payat na may nakakapit na dextrose sa kamay niya at pansin mo agad ang paghihirap niyang makahinga ....tila nahabag ako sa kalagayan niya Hindi ako mkagalaw sa kinatatayuan ko...

"Come in..." sabi ni Adam pumasok ako sa loob panay parin ang titig ni Stacy sa akin lumapit ako sa hinihigaan niya at naupo sa upuan...

"Nagulat kaba'? sabi niya napatango ako sa sinabi niya

"Hindi nasabi ni Lucas sayo ang sitwasyon ko?" Tanong niya muli

"Hindi niya nasabi" mahina kong usal

"Ako ang nagsabi na huwag niyang sabihin... natutuwa Nga ako at kahit papano ay may magaalaga na sa kanya .... " sabi niya malungkot ang boses niya at alam Kong ayaw din naman niya sa nangyayari...

"Adam can you leave us I just'  want to talk to her.." sabi ni Stacy napalingon ako Kay Adam alangan man ay Tumango siya at lumabas ...

Katahimikan ang namayani sa amin Wala akong masabi at hinihintay ko lamang siyang maunang magsalita...

" Maria ..." napalingon ako sa kanya ...

"Pwede mo bang ibalik sa akin si lucas" nakita ko ang pagtulo ng luha niya dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko...

"Please'  give me back my husband ...." muling usal niya tumulo narin ang luha ko at sa sandaling yun Hindi ko alam ang sasabihin ko....

The Fallen AngelМесто, где живут истории. Откройте их для себя