chapter 5

5.8K 187 1
                                    

Nang magising ako ay naligo ako at nagbihis de-deretso na sana ako ng kusina ng may marinig akong umiiyak at galing yun sa opisina ni mother Esther  sinilip ko ang pinto dahil Bukas naman at bumungad sa akin Si sister Rose na umiiyak di na ako kumatok at kusang Pumasok

"Sister Rose ano pong problema"? Tanong ko bigla niya akong niyakap at panay parin ang pag hikbi niya

"Sister Maria ...tumawag Si attorney Madrigal kanina at sinasabing isang linggo nalang ang palugit para sa atin nakiusap akong  wag nang ituloy dahil may kasulatan tayong hawak ngunit Wala daw pakialam ang may ari" sabi nito  Nagulat ako sa sinabi niya parang bumigat ang ulo ko sa pagdating ng bagong problema

"Sister saan ko Ba puwedeng makausap ang may ari ng lupa pupuntahan ko po at Baka nakumbinsi Kong wag ituloy ang pag papaalis ng bahay ampunan sa lupain nila " sabi ko natigilan si sister Rose sa sinabi ko

"Sigurado ka ba sister Maria sobra sobra na ang naitong mo " sabi nito umiling Lang ako at ngumiti

"Ayos Lang po ma's maraming nagawa ang ampunan na ito sa akin ang bigyan ako ng tahanan at  pagmamahal Kaya gagawin ko po  Lahat para sa ampunan sister Rose" sabi ko sa kanya  naluha itong muli na ngayon ay ako na mismo ang nagpunas sinabi niyang tatawagan niya Si attorney Madrigal para makahingi ng schedule sa boss niya  sa maynila pala ang Harrison Company ..

"Sigurado ka na ba na ikaw Lang ang magtutungo ng maynila malayo Doon at Baka maligaw ka" nagaalalang sabi ni sister Rose sa akin makalipas kasi tawagan ni sister Rose si attorney Madrigal ay  agad ding tumawag si attorney at nasabi na pinagbigyan daw kami ng may ari na makausap siya exact time daw Dapat dahil masyadong busy si Mr. Harrison  Kaya nagpasya akong ngayong Gabi na bumiyahe  ..

"Opo sister magiingat po ako kayo din po alagaan niyo ang sarili niyo at pangako gagawin ko po Lahat para sa orphanage at sa inyo" sabi ko niyakap niya ako   bago ako sumakay ng tricycle papuntang terminal ng bus  ng makarating dun ay nagpasalamat ako sa diyos dahil may bus na dumating agad patungong maynila  habang nasa biyahe ay  sobrang kabado ako sa di ko malamang dahilan ...

Anim na oras ang biyahe patungong maynila at eleven thirty ng makaalis ako sa probinsiya  bale nasa five na ng umaga ako makakarating sa manila Kaya natulog muna ako ...

Nagising ako sa pag kalabit sa akin ng imulat ko ang Mata ko ay sumisigaw ang kondoktor na malapit na Kami sa maynila Inayos ko ang sarili ko at tumingin sa bintana  

Ng makababa ako ng bus ay nagtanong Tanong pa ako kung saan ko makikita ang lugar na nasa papel address kasi yun ng Harrison Company na binigay ni attorney Madrigal kahapon   madali Kong nahanap ang gusali nalula pa ako sa  taas ng Harrison Company gaya ng ilang ding gusali sa paligid nagtungo ako sa isang coffee shop sa malapit nakisuyo ako na kung puwedeng gumamit ng banyo  buti at mabait ang  dalagang nagbabantay nagayos ako ng sarili at nagsipilyo  ng makuntento ako sa itsura ko ay lumabas na din ako nagkape at agahan muna ako at nagpalipas ng ilang oras ng Makita Kong dumadami na ang pumapasok na impleyado sa Harrison Company ay tumayo na ako at nagbayad nagpasalamat ako sa dalaga bago umalis na sa coffee shop at dumeretso ako sa Harrison Company  hinarangan ako ng guard ngumiti ako bago nagsalita

"Magandang umaga po manong may appointment po ako Kay Mr.Harrison  ummm.. pwede po bang pumasok ?" Tanong ko ngumiti ito sa akin

"Magandang umaga din sister nandidito po Ba kayo para basahan ng bibliya ang boss namin mabuti po yun at  bumait naman ng kaunti " sabi nito natawa ako sa kanya  pinapasok niya ako at halos mapanganga ako sa Ganda ng looban kita ko Ron ang pagtitig ng ilang impleyado sa akin ngiti Lang ang sagot ko  sa kanila lumapit ako sa front desk para magtanong

"Ahh magandang umaga miss may appointment po ako Kay Mr. Harrison  ngayon nandiyan napo Ba siya "? Tanong ko kumunot ang noo niya pero nginitian din ako

"Wait Lang po sister tatawagan ko Lang po sa office niya" sabi nito sa akin may kausap siya sa kabilang linya  maya Maya pa ay sinabihan niya akong Umakyat  gamit ang elevator sa twentieth floor kung saan daw ang office ni Mr. Harrison  ng makapasok na  ako ay Medyo natutuliro ako first time kong sumakay ng elevator  may Biglang Pumasok na lalake mukhang impleyado may kasama din siyang babae Kaya nagtanong ako..

"Ano"? Pasensya na pwede bang magpatulong?" Kung mamaari po?  Sabi ko nagtinginan sila at Tumango

"Ano po yun sister?" sabi ng babaeng  kasama nung lalake

"Ahh... di ko kasi alam kung pano sumakay sa ganito " nahihiyang sabi  ko ngumiti Lang sila sa akin

"Ayos Lang po sister  anong floor po" sabi ng lalake sa akin

"Umm sa twentieth floor daw po ehh.." sabi ko mukhang natigilan Sila at nagtinginan  may pinindot yung lalake at may parang pulang arrow na tumataas biglang gumalaw Kaya Napahawak ako sa dingding nakakahilo na medyo nenerbiyos ako  biglang Huminto

"Sige po sister Mauna na Kami sabi nila ngumiti ako at nagpasalamat sa pagtulong sa akin  kumaway  din ako biglang sumara at umandar nanaman ang elevator Medyo matagal hanggang sa bigla itong Tumigil Kaya lumabas na ako may nakita akong babae na abala sa pagtitipa ng kung ano sa computer may isa pa siyang kasama at may katawagan naman sa telephone napalingon yung nagtitipang babae at medyo nagulat ng Makita ako  

"Umm... Pasensya na sa abala" may appointment po ako Kay Mr.Harrison" ulit Kong sabi nagkatinginan sila ng kasama niya at nginitian ako

"Ah! Angels orphanage? Tanong babaeng maganda tumango ako  sa kanya

"Tama Lang ang oras mo sister nasa loob ng office si Mr. Harrison .." sabi nito

"Wait Lang po sister upo muna kayo at tatawagan ko Lang si boss para ipaalam na nandidito na kayo " sabi ng isang may maikling buhok  at saka tumawag sa tingin Ko ay si Mr. Harrison

"Hellow sir  nandidito po ang sister galing sa angles orphanage " should I send her in now? ... okay  sir" narinig Kong sabi ng babaeng may maikling buhok

" Sister okay napo pasok na daw po kayo sa office ni sir " sabi nito sa akin tumayo ang magandang babae at sinabihan akong sundan siya..

Huminga ako ng malalim at hinalikan ang Rosario na hawak ko bago sundan ang magandang sekritarya..

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now