chapter 4

5.7K 176 0
                                    


Nandidito ako ngayon sa loob ng opisina ni mother Esther dito ako dumeretso ng makauwi ako kasama ko si sister Elena na nakaupo sa harapan ko umiiyak pa din siya ng ibalita ko ang sitwasyon ni mother Esther

"Tahan na sister Elena hahanap po tayo ng paraan para maalpasan natin ang mga problemang kinakaharap natin Ngayon" sabi ko at inabot ang kamay niya Maya maya ay pinahid niya ang luha at tumayo may kinuha siya sa kabinet ni mother Esther isang envelope yun na kulay brown naupo siya muli sa kinauupuan niya kanina

"Sister Maria heto ang isang dokumentong nagsasabing atin ang lupa na kinatitirikan ng bahay ampunan donasyon ito ng magasawang Harrison wala man tayong titulo pero dahil sa kasulatang ito ay may laban tayo sa lupang ito" sabi niya tumango ako at tinignan ang kasulatan may tatlong pangalan doon at ang isa ay pangalan at pirma ni mother Esther 

"Kung sakali ay puwede natin itong ipakita sa may ari ng Harrison Company  " sabi ko  Kay sister Elena

"Ang problema natin ay dalawang beses nang nakausap ni mother Esther ang may ari at lagi nalang siyang ni re-reject  ang sabi pa ni sister Rose ay Masungit daw kasi nakuha pa niyang sigawan si mother Esther " sabi nito medyo naasar ako sa sinabi ni sister Elena sinong tao naman ang sisigawan ang isang matandang madre na maayos na nakikiusap ...

"Ang isa pa ay ang pagpapaopera ni mother Esther kahit may pera tayo ay hindi sasapat yun " malungkot nitong sabi sa akin  Tama siya hindi sasapat ang perang meron Kami sa gastusin sa hospital at gastusin dito sa ampunan...

"Hayaan mo sister Elena susubukan kong manghingi ng tulong sa kumbento " at ilang kaibigan Kong madre" sabi ko sa kanya

Kinabukasan ay maaga akong nagising si sister Rose na ang nandidito Ngayon samantalang si sister Elena naman ang nagbantay sa hospital  nagtulungan Kami sa mga gawain buti nalang at sabado walang pasok ang mga bata at natulungan nila Kami sa pagaalaga kila Allan at mika at ilan ding gawaing bahay 

"Pano Ba yan sister aalis muna po ako at maghahanap ng mahihiraman  sa kumbento po muna ako at Baka dederetso po ako sa kaibigan Ko  sana po nga ay may mahiram ako" sabi ko Kay sister Rose

"Ayos Lang ako na ang bahala sa mga bata magiingat ka " sabi nito sa akin

"Renzo ,Elsa bahala na muna kayo dito tulungan niyo si sister Rose sa pagaalaga ng mga nakababata sa inyo" sabi ko sa kanila

"Sige po sister Maria  Ingat po kayo " sabi nila

Sumakay ako sa tricycle at nagpahatid sa bus station  naghintay pa Kami ng bus  Maya Maya ay may tumapik sa balikat ko Kaya nilingon ko siya

"Sister Maria kamusta po"" nakangiting sabi ni Ryan sa akin nagulat ako sa kanya pero ng makabawi ay ngumiti din

"Kamusta na sir Lopez " sabi ko sa kanya

"Ryan nalang po sister may pupuntahan po Ba kayo"""? Tanong nito

"Ay oo babalik sa kumbento " sabi ko naman kita ko ang pag kunot ng noo niya

"Aalis na po kayo dito"? Sabi niya tumawa lang ako at umiling

"Hindi hihingi sana ako ng tulong dahil sa sitwasyon ni mother Esther " sabi ko sa kanya

"Nabalitaan  din namin ang nagyari ay Oo nag pala ito " sabay abot ng isang sobre

"Ano po yan "? Tanong ko sabay abot ng sobre ng buksan ko ay may lamang pera yun Nagulat ako at ibinalik ulit sa kanya

"Ryan Hindi ko matatanggap ito  nakakahiya naman sayo"  sabi ko sa kanya habang inaabot ang sobreng may lamang pera.

"Nakuh" sister tanggapin mo na ang totoo niyan ng nabalitaan namin ang nangyari Kay mother Esther ay nag ambag ambag Kami ng mga kasamahan ko pati mga taga palengke ay nagbigay rin Doon nga sana ang sadya ko kayalang nakita ka namin ni ian dito" sabi ni Ryan sa akin nagkakamot pa ito ng batok

"Umm.. maraming salamat kung ganon malaking tulong nito sa amin Salamat talaga " nakangiting sabi ko sa kanya

"Wala po yun sister " sabi nito

"Sister sasakay po Ba  kayo""  sigaw ng kondoktor ng bus 

"Opo" sabi ko  sinamahan ako ni Ryan hanggang makasakay ako ng bus nagpaalam ako sa kanya at kumaway sa bintana habang nasa biyahe ay mahigpit ang hawak ko sa Rosario ko 

Nakarating ako sa kumbento at sinabi ko sa kanila ang problema malugod naman kaming tinulungan malaki din ang ibinigay nila nasa twenty thousand din at ang fifteen thousand na bigay ni Ryan bale nasa thirty five thousand na Lahat malaking halaga na ang nalikom ko ngunit Hindi parin sasapat basta ang mahalaga ay makalahatian ko ang bayarin sa hospital ...

nagpasalamat ako sa mga madre sa kumbento at Ngayon naman ay pumunta ako sa kaibigan Ko

Si sister Isabella ay isang anak mayaman mabait at siya ang kasama ko sa kuwarto mula ng simulang pumasok ako sa kumbento tinawagan ko siya  kahapon at sinabihan niya akong magpunta sa kanya sa isang private subdivision sila nakatira kasama ang pamilya niya  gusto niyang pumunta sa amin ngunit dahil sa pagka miss ng pamilya niya sa kanya ay hindi nila ito pinayagan naiintindihan ko naman Kaya ako nalang ang pinapunta niya .

Nasa labas ako ng village nila Isabella  lumapit ako sa guard house at nagtanong

"Magandang tanghali po manong" magtatanong Lang po sana kung dito po nakatira ang mga Alberts ?" Sabi ko sa guard na titig na titig sa akin

"Ah" Opo sister inaasahan po Ba ang pagdating niyo?" Tumango ako at ngumiti

"Saglit Lang po at tatawagan ko Sila " sabi nito pinaupo niya ako sa bangko niya ng may isang magarang sasakyan ang palabas ng village

"Saglit Lang po sister at may lalabas " sabi nung guard  pumasok ito sa maliit na kuwarto ng bigla Kong napansin na wala sa kamay ko ang Rosario ko hinanap ko ngunit Wala din sa bag ng tumayo ako sa pagkakaupo ay nakita ko sa dinaanan ko kanina  tumakbo ako Palapit doon at di napansin ang sasakyan na papalapit sa akin

"Beeeeeeeeppppp.....!!!" 

Napapikit ako sa takot hindi ko na naigalaw ang katawan ko  ramdam ko pa na naalis ang Belo sa ulo ko ilang saglit pa ay may lumapit sa akin

"Ayos Lang po Ba kayo sister ?" Narinig Kong sabi nung guard tumango Lang ako at inalalayan niya akong tumayo pinulot niya pa ang nalaglag kong Belo

Lumapit ako sa sasakyan na nasa harapan ko  Bukas ang bintana sa unahan at may naka itim na shades na lalake ang dumungaw may pilat ito sa pisngi  at mukhang galit

"Sorry po"" ma'y pi..pinulot Lang po' ako" at di..diko po"" napansin" nauutal Kong sabi 

Lumingon siya sa likudan at parang may sinasabi ang kasama niya napalingon din ako sa likudan kung saan may nakasakay  tinted ang bintana ng kotse Kaya di ko Makita ang nasa looban

"Just be careful next time" yun Lang sabi nung lalake bago paandarin ang sasakyan nakaramdam ako ng kilabot ng lumampas ang kotse sa amin

"Talagang ayos Lang kayo sister? Muling Tanong ng guard ngumiti ako at Tumango sa kanya  ng araw ding yon ay nakita ko  si Isabella pinakilala niya ako sa pamilya niya sinabi ko ang problema ko at di naman ito nagdalawang isip na pahiramin ako bale fifty thousand ang pinahiram niya at sobrang saya ko walang katapusan ang pagpapasalamat ko  Nagtagal pa ako ng sandali bago magpaalam na umuwi mahirap kasi pag Gabi ang biyahe dahil kokonte ang masasakyang bus pauwi sa aming probinsiya...

Mahaba ang biyahe pero wala yon sa akin masaya ako at kahit papano ay nakaraos Kami sa aming problema ...

Nang makarating ako sa hospital ay agad Kong kinausap ang doktor upang masimulan ang operasyon Kay mother Esther  laking tuwa at pasasalamat ni sister Elena na ngayon ay kasama ko Hindi pa ako umuwi at hinintay na Matapos ang operasyon Kay mother Esther   inabot ng pitong oras ang operasyon mag aalas dos na ng umaga ng lumabas ang doctor at sabihing maayos ang naging operasyon at ligtas na si mother Esther nakahinga ako ng malaki parang nabunot ang malaking tinik sa puso ko.

Pinauwi ako ni sister Elena para makapagpahinga  sinabihan ko nalang siya na babalik ako pagka nakapag pahinga na ako  ng makarating sa ampunan ay sinalubong ako agad ni sister Rose sinabi kong ayos na Lahat at gaya ni sister Elena ay masayang masaya ito ng makapag Linis ako ng katawan at makapagpalit ay nag dasal muna ako bago ako nakatulog...

The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon