chapter 34

6.6K 175 3
                                    

After 1year ..."

Mama... Sino po siya..?" Napalingon ako Kay Lucy ng magsalita ito sa tabi ko...

"Lucy siya ang tita Stacy mo..." sabi ko sa kanya napatingin siya sa lapida sa harapan namin at ngumiti...

Isang taon na ang nakakalipas ng pumanaw si Stacy  natatandaan ko pa yun dahil anim na buwan ang Lumipas ng umalis Kami ay siya ring dumating ang balitang namatay ito ....

"Mama ang pretty niya.." sabi ni Lucy ngumiti ako at Tumango sa kanya ..

"Oo maganda siya.." sabi ko naman bago binalik ang tingin sa malaking portrait ni Stacy  nasa libingan niya Kami ngayon at bumibisita. ito ang unang beses na sinama ko si Lucy madalas kasi ako Lang ang nagpupunta dito pag Hindi ako abala sa aking bakery ....

Napaka bilis ng panahon kung tutuusin parang kaylan lang nangyari ang Lahat at ngayon ay nasa kalagitnaan na kami  masaya naman ang buhay namin kahit na tatlo Lang Kami.

nung Umalis Kami sa mansiyon ni Lucas ay nagbalik Kami sa antique para muling manirahan doon Hindi nagtagal ay lumipat din Kami ng maynila dahil sa  nabigyan ako ng opurtunidad  na magtrabaho sa isang bake shop na pagmamay-ari ng kamag anak ni nanay ising Doon ako natututong mag bake nakahiligan ko narin at sa konting ipon at tiyaga ay nakapagpatayo ako ng sarili Kong negosyo....

Hindi ko na nakita pa si Lucas simula ng mamatay si Stacy  siya ang lubos na nasaktan sa pagkawala ni Stacy  Naalala ko pa ng inilibing siya...

Nakatayo ako at nakatingin sa kanila Lahat Sila ay nakaitim kita ko si Lucas na walang emosyon ang mukha nasa tabi siya ng ginang na sobrang nagluluksa na sa palagay ko ay ina ni Stacy....

"Ayaw mo bang lumapit man Lang " nagulat ako ng may nagsalita sa aking likudan nilingon ko ito at nakitang si Leo pala nakasuot din siya ng itim at may hawak na puting rosas ...

"Hindi na ayos na ako rito..." mahina Kong tugon napatango ito at napatingin sa lugar nila Lucas..."

" You left him again?" Tanong niya ulit lumingon ako at umiling

"Hindi ko naman siya iniwan o nilayuan binigyan ko Lang siya ng sapat na panahon para makabawi kay Stacy ma's Kaylangan niya kasi Si Lucas ..." sabi ko kita ko ang pag-iling  niya  Sa akin...

"She's gone now babalik ka naba?" Muling tanong niya sa akin natanong ko narin sa sarili Ko yan umiling ako at ngumiti sa kanya...

"Hindi muna .... Hindi ako ang kaylangan niya sa ngayon at isa pa alam Kong mahirap ang pinagdaraanan  niya ....sabi ko sabay tingin sa dereksiyon nila Lucas...

"Kaya nga ma's Kaylangan ka niya..." muling usal niya Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya hanggang sa magpalam ito sa akin na pupuntahan niya si Adam at Lucas Doon ilang sandali ay lalong naging malungkot ang paligid  lalo na ng tuluyan nang mailibing si Stacy.....

Wala nang tao maliban Kay Lucas na naiwan sa lugar huminga ako ng malalim at naglakas loob na magtungo sa kanya...ng malapit na ako ay kita ko ang pag-yug yug ng balikat niya alam Kong umiiyak siya ....

"Lucas'..mahinang usal ko huminto it at nagangat ng tingin sa akin ...

"She's gone now" ang tanging nasabi niya kita ko ang lungkot at sakit sa mukha niya ....lumapit ako at niyakap siya...

"Magagalit siya sayo pag ganito ka''..." sabi ko  ilang oras siyang nakayakap sa akin ...pagkalipas ng ilang sandali ay nagpaalam din ako sa kanya Wala akong narinig na pagtutol mula Sa kanya ikamusta ko Lang daw siya sa mga bata at tuluyan ko na siyang iniwan Doon..."

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now