chapter 3

5.9K 182 6
                                    


Nakatingin ako Kay mother Esther na hindi parin nagigising simula ng isugod namin siya kaninang hapon mag aLas dose na ng Gabi ako ang nagbantay sa kanya inatake sa puso si mother Esther dahil daw sa problema at sobrang stress Kaya natrigger ang sakit niya napabuntong hininga ako at naawa sa kanya.. bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor at isang nurse

"Good evening sister  " sabi ng nakangiting doktor ngumiti din ako tinignan niya ang lagay ni mother Esther Pagkatapos ay may inutos siya sa nurse bago humarap sa akin

"Dont worry sister ayos na ang lagay niya gaya nga ng sabi ko stress siya at pagod na din Kaya sumikip ang puso niya  let's just wait until she wakes up " sabi nito nagpasalamat ako bago siya lumabas

Maya-maya ay muling pumasok ang isang nurse may inabot itong papel ng tingnan ko ay konti Lang ang babayaran Kaya naman nagtaka ako  at nagtanong

"Miss ano" Bakit po konti Lang ang bayarin ?" Tanong ko

"Ayyy.. ok napo yung kalahi sister binayaran na ni doc. "Sabi nito

"Umm.. yung pumasok bang doktor kanina?" Muling Tanong ko

"Opo malapit po kasi sa simbahan si doc. Kaya naman siya na ang sumalo sa Bill ni sister Esther " sabi niya ngumiti muna ito bago umalis parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa Hindi ko alam kung kakasya ba ang konti kong ipon sa pagkakaospital ni mother Esther..

Kinaumagahan ay nagising din si mother Esther mahina pa ito Kaya naman si sister Elena ang nagbantay dito at sinabihan akong umuwi muna para makapagpahinga

Ng makarating ako sa orphanage ay sinalubong ako ni Kim at renzo na alalang-alala

"Sister Maria kamusta po si mother superior?" Sabi ni renzo

"Ayos na siya at nagpapahinga nalang sa hospital mahina pa siya pero okay na" sabi ko kita ko ang  saya nila sa balita sinabihan ko silang mag ayos na at may pasok pa Kaya naman dali-dali silang kumilos  nagtungo ako sa kuwarto ko at naglinis muna ako ng katawan bago nagpalit at natulog...

Mahaba ang Tulog ko at nagising sa ingay na parang may nababasag at ugong ng sasakyan bumangon ako at sinilip ko sa bintana nakita ko ang naglalakihang truck yung isa may wrecking ball pa may Huminto pang sasakyan sa harapan ng ampunan nagayos muna ako bago lumabas .

Lakad takbo ang ginawa ko ng makarating ako sa harapan ng ampunan ay may dalawang lalake na nakatayo Doon nakikipag usap din si sister Rose kita kong umiling ang lalakeng may dalang itim na bag na kinakausap niya  lumapit ako sa kanilang tatlo

"Sister Rose?"  Sabi ko  tumingin silang tatalo sa akin

"Oh" si'-sister " Maria" utal nitong sabi tumingin ako sa kausap niyang dalawang lalake na matiim ding Nakatingin sa akin

"May problema po Ba sister Rose ? " sabi ko

"Ah'...eh"...sister  Maria" si attorney Madrigal at si engineer Eclar  nga pala" sabi nito  ngumiti ako sa kanila at ganon din Sila

"Magandang umaga sister  "sabi ng attorney sa akin

"May maipaglilingkod po Ba Kami? "  sabi ko sa kanila Nagulat pa sila sa sinabi ko

"Hindi niyo po Ba sinabi sa kanya sister?" Sabi nung engineer  nakita kong yumuko si sister Rose

"Hindi pa kasi kadadating Lang niya " mahinang sabi ni sister Rose

"Ano po Ba yun sister? Tanong ko naman Kay sister Rose na mukhang balisa ngayon

"Ano"..Ummm..ka.si" Sister Maria" nauutal na sabi niya Kaya humarap ako  sa dalawang lalake huminga ng malalim yung engineer saka nagsalita

"Ganito kasi sister matagal na naming sinabihan ang  mga madre at tao dito na umalis na dahil sa gagawing hotel resort ng  Harrison Company ang lupa kasing tinitirikan ng bahay ampunan dito at ilang bahay ay sakop ng gagawing resort " sabi nito  halos matumba ako ng marinig ang sinabi niya napahawak ako Kay sister Rose na ngayon ay mangiyak-ngiyak na

"San'...sandali"? Bakit"? Kasama  pa ang ampunan hind'..hindi Ba pwedeng maki usap na wag nang gibain ang ampunan "? Sabi ko sa kanila nagtinginan naman ang dalawa bago umiling

"Pasensya na talaga sister naipaliwanag na namin Kay mother superior Lahat kayo nalang ang magpasya kung kaylan kayo lilipat may isang buwan pa naman kayong palugit  bago namin kayo paalisin" sabi ni attorney Madrigal 

"Sige sisters Mauna na Kami " paalam ni engineer Eclar bago Sila ulit sumakay sa kotse at umalis nakaalis na Sila ngunit Nakatulala parin ako dahil sa nalaman inakay ko si sister Rose sa loob na panay parin ang iyak

"Tahan na sister " sabi ko habang hinahagod ang kanyang likod

"Sister Maria" anong gagawin natin" ang mga bata " saan Sila tutuloy".. lumuhuhang sabi nito umupo ako sa harapan niya at pinunasan ang mga luha niya

"Sister " wag na kayong umiyak pagsubok Lang ito at walang binigay ang diyos na pagsubok na hindi natin kayang lampasan hayaan niyo po at maghahanap ako ng paraan " sabi ko sa kanya at niyakap siya 

"Tama ka sister Maria maayos din ang Lahat " sabi nito  mga bandang tanghali at nagtulungan Kami ni sister Rose sa pagluluto kahit buhat ko si  allan na two years old palang at nasa walker naman si  mika na two years old din hirap Kami sa pagluluto dahil sa mga batang alaga din namin ang mga nakakatandang bata ay nasa school pa Kaya mamaya pa sila makakauwi kahit ganon ay Natapos naman namin ang aming gawain  bandang tanghali ay Umalis si sister Rose para dalahan ng makakain si sister Elena sa hospital Kaya ako ang naiwan kasama ang apat na bata buti nalang at ang dalawa ay nakakalakad na at dalawa naman ay gumagapang palang  napatulog ko Sila Matapos kong kumanta ng kumanta buti at marunong ako kahit konti Lang   Hindi ko namalayan na nakaiglip din ako nagising ako sa tapik sa aking braso ng magising ako ay si sister Elena pala kadadating Lang din  nalaman kong hindi pa makakauwi si sister dahil sa mahina pa ito Kaya naman nalungkot ako   mamaya ay ako naman ang papalit Kay sister Rose para nagbantay Kay mother Esther  sa hospital nagtulungan din Kami ni sister Elena sa pagaalaga at pagaasikaso sa mga bata nagluto din Kami  mga bandang six p.m ay nagpunta na ako sa hospital para palitan si sister Rose  pagpasok ko palang ay nagulat ako ng Makitang nasa labas si sister Rose at umiiyak agad akong lumapit sa kanya

"Sister ano pong nangyari?" Sabi ko

"Sis'sister Maria inatake ulit si mother Esther " sabi nito napaiyak nadin ako sa sobrang pagaalala naghintay pa Kami ng kaunti hanggang lumabas ang doctor

"Sister's ayos na po siya sa Ngayon pra-prangkahin ko kayo sister Kaylangan niyang maoperahan may namuong dugo sa puso niya Kaya naman bigla siyang inatake ulit"  Kaylangan maalis yon agad " sabi niya sa amin

"Doktor ? Magkano po Ba ang  aabutin ng opera at kaylan po ba siya ooperahan kung sakali" sabi ko sa doktor

"Malaking mahalaga sister nasa one hundred thousand din ang magagastos hindi pa kasama ang gamot  Doon at kung ang operasyon naman ay kahit anong araw ang problema hindi gagalaw ang mga doktor kung Hindi mababayaran kahit kalahati ng bayad ng operasyon yun ang patakaran ng hospital sister" mahabang paliwanag niya  tinapik niya muna Kami sa braso bago nagpaalam na umalis  napaupo ako sa sobrang panlalambot

"Saan naman tayo Kukuha ng ganong kalaking halaga sister Maria" sabi ni sister Rose sa akin

"Hindi ko rin alam sister "sabi ko may Biglang tumunog kaya't napatingin ako Kay sister Rose may inilabas itong cellphone Wala kasi ako non at di rin ako marunong gumamit hindi naman kasi namin magagamit yun sa kumbento

"Hellow" oh sister Elena anong problema"? Sabi ni sister Rose nagalala naman ako may nangyari nanaman Ba..

"Talaga" nahanap mo na diyos ko Salamat po..." maluha-luhang sabi nito

"Sige ..pauwiin ko nalang si sister Maria" sabi nito bago binaba ang cellphone niya

"Sister Maria  ...  Hindi na tayo aalis sa ampunan hindi na nila tayo mapapaalis " sabi nito sa akin hawak niya ang kamay ko habang nakangiti  sa sinabi niyang yon gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko...

The Fallen AngelDove le storie prendono vita. Scoprilo ora