chapter 28

5.9K 188 0
                                    

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay lalong lumala ang paglilihim ni Lucas alam ko kahit Hindi niya sabihin kahapon ng dumating ang mga kaibigan niya ay nagpunta Sila sa study room niya naiwan Kami ng mga bata sa sala wala pang isang oras ay may narinig Kaming kalabugan agad akong tumayo at sinilip kung anong nangyari pero nagulat nalang ako ng pabagsak na nagbukas ang pinto ng study room at lumabas si Adam na Namumula nakasunod naman si Leo na umiiling sabay pa silang napahinto ng Makita ako umiwas ng tingin si Adam sa akin at  at nilagpasan ako habang si Leo ay nagpaalam na aalis na Sila  ng Pumasok ako sa loob ay nakita ko si Lucas na nakaupo sa swivel chair niya  ng nagangat siya ng tingin ay nagulat ako dahil sa may pasa siya sa gilid ng bibig niya ...

Agad akong lumapit sa kanya

"Anong nangyari  Bakit may pasa ka?" Tanong ko habang itinataas ang ulo niya para Makita ko hinawakan niya ang kamay ko  Nagulat nalang ako ng Bigla niya akong hilain dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit ..

"Lucas." Hindi ako makahinga" sabi ko pero Hindi siya nakinig

"Hayaan mo muna ako..." please" sabi niya Kaya Wala akong nagawa kundi ang Hayaan siya  ilang beses siyang nagbuntong hininga bago kumalas sa pagkakayapos sa akin ....gusto ko siyang tanungin kung Bakit siya sinapak ng kaibigan niya pero Hindi ko magawa dahil alam Kong Hindi din niya ako sasagutin Wala kaming kibuan hanggang sa gamutin ko ang sugat niya  ng alam Kong ok na ay umalis na ako... magdamag siyang nagkulong sa study room nagpahatid Lang siya ng hapunan niya .....

Naputol ang pagiisip ko ng magsalita si manang...

"Nagaway nanaman Ba kayo ng senyorito"? Tanong nito Napakunot ang noo ko sa tanong niya

"Hindi naman ho"?  Bakit po manang "? Tanong ko

"Ahh... ganon ba Wala naman kasi kahapon maayos naman kayo bago siya bisitahin ng mga kaibigan niya  maaga din siyang umalis kanina nagmamadali nga ehh nagpaalam ba"'? Tanong nito

"Hindi ho" ehh Baka may importanteng gagawin sa opisina manang" sabi ko sa kanya Natapos ang maghapon ay napapaisip ako dahil sa sobrang weird ng mga ginagawa niya ....

Halos isang linggong  Hindi umuwi si Lucas naiinis ako sa kanya dahil may pa promise"promise" pa siyang sinabi Kay Lucy na pupunta siya sa family day pero Hindi naman halos umiyak maghapon si Lucy buti nalang at nasuyo ko hanggang Matapos ang event ay alam Kong masama ang loob ni Lucy ng pauwi na Kami ay nakatulog  siya  habang nasa daan ay iniisip ko kung Bakit ba ginagawa ni Lucas ang Lahat para manatili Kami sa tabi niya kung bibigyan din niya Kami ng rason para Lumayo ang loob namin sa kanya di baleng ako nalang sana wag Lang ang mga bata ....Hindi ko napansin na nakatigil na ang sasakyan sa harapan ng gate ng may mapansin ako...

"Manong paki tabi saglit " sabi ko sa driver ni Lucas agad naman itong Tumigil  kahit hirap ako ay binuhat ko Palabas si Lucy na ngayon ay nagising na

"Maria " masayang bungad sa akin ni  Ryan  agad itong lumapit at niyakap Kami natutuwa akong Makita siya 

"Tito Ray.. " masayang sabi ni Lucy sabay yakap Kay Ryan kinuha niya sa akin si Lucy at siya na ang bumuhat dito...

"Matagal  tayong Hindi  nagkita pero malaki ang pinagbago mo " sabi ko sa kanya  nagpatubo kasi ito ng bigote at nagpagupit  mukha siyang matured masyado para sa edad niya pero masbagay naman sa kanya

" Hindi naman nga pala may mga dala ako  pinadala nila nanay ising  ...." sabi niya sabay turo sa mga nakasupot sa gilid napangiti ako ng maalala sila nanay ising at tatay Noel   na kahit ayaw nila akong payagan dahil sa Wala daw silang tiwala Kay Lucas . ...

"Naku Pasensya na at dito pa tayo naguusap sumama kana sa amin tutal ay papasok na Kami sa loob mukhang kanina kapa dito"? Tanong ko sa kanya

"Hindi naman at saka Kaya Lang naman ako narito ay para Makita kayo... nagpalipat din kasi ako ng  distino dito sa maynila At malapit Lang ako dito..."

Napatango ako at ngumiti sa kanya kahit ayaw sumama ni Ryan ay Wala siyang nagawa sa pamimilit naming sumama siya kaya ang ending ay kasama namin siya hanggang makarating kami sa Bahay ..

Nagulat si manang pero Wala naman siyang sinabi  tuwang tuwa si Ryan ng Makita si loki 

"Wala Ba ang asawa mo"? Tanong nito umiling Lang ako sa kanya parang bad words ang pangalan ni Lucas dahil bigla nanaman akong nagalit sa ginawa niyang pang-i-indian sa amin ni Lucy...

"Wala siya may importanteng ginawa Kaya pati pangako niya sa anak Hindi niya natupad..." naiinis Kong sabi kita ko ang pagkalito sa mukha ni Ryan Kaya naman naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Lucas

" Hindi mo ba siya natanong para alam mo ang problema niya ..." sabi ni Ryan sa akin

"Hindi naman kasi madali yun ...Hindi Kami mag-asawa...at Hindi din siya nagsasabi" mahina Kong sabi nailing Lang si Ryan sa sinabi ko

"Kung ganon din Lang  ang ginagawa niya gusto mo bang sumama nalang sa akin ?" Seryosong Tanong nito sa akin  sabay hawak ng kamay ko

"Ryan..." naman...

"Shhhhh... alam ko naman na parehas kayong kulong sa sitwasyon niyo Hindi mo rin alam kung Mahal ka ba niya o talagang ang mga anak niyo Lang ang kaylangan niya  .. at isa pa alam mo naman na importante kayo sa akin ..."  sabi nito nakatitig Lang ako sa mga mata niya kasabay non ang pagkagulat ko...dahil Sa may nabasag na kung ano parehas Kaming lumingon ni Ryan  nakatayo si Lucas sa malapit sa may pintuan at basag ang malaking babasaging display ...

Bigla akong napatayo at Kasabay non ang paghila ko sa kamay ko na hawak parin ni Ryan...

"So.." this is what you doing when I'm not around"?   Nagpapapasok ka ng kung Sino Sino Lang" matalim na saad nito kita ko ang pag kuyom ng kamao niya habang papalapit sa amin nakasunod naman ang body guard niya na ngayon ko Lang ulit nakita simula ng Bumalik Kami ..

" Lucas nandidito siya dahil may pinadala Sila nanay ising at tatay Noel sa amin ng mga bata" malumanay kong saad gusto Kong maiinis dahil kung inasta siya para bang ako ang may ginawang mali ...

"But still I'm not happy about it ...." sabi pa nito alam Kong nagpipigil  din si Ryan dahil sa alam niyang ayaw sa kanya ni Lucas kaya ganon nalamang ang pagtrato niya dito...

"Maria aalis na ako ...yung sinabi ko sayo seryoso ako dun.. ..."  sabi naman ni Ryan bago lumakad palabas ng bahay binangga pa niya sa balikat ni Lucas ... kaya naman Nagulat ako kita ko ang pagkainis ni Lucas  ng akmang hahabulin ko si Ryan ay naramdaman ko ang kamay ni Lucas sa pulsuhan ko

" Don't go maguusap tayo" sabi niya Hindi ko maiwasan ang mapangiwi ng pabalya niya akong itinulak sa upuan..."

"Wala tayong paguusapan dahil  Wala kaming ginagawang masama ..." naiinis Kong Bulyaw sa kanya  kita kong umalis ang body guard niya kayat naiwan Kaming dalawa buti nalang at kinuha ni manang si Lucy kanina

" No don't fool me I know what kind of relationship you have with him ...."  galit na sabi nito sa akin na lalong nagpainit sa ulo ko...

"Bakit ano bang pakialam mo walang "tayo" Lucas "  Hindi tayo magasawa Kaya wag kang umasta na parang asawa kita dahil sa una palang alam mo kung anong meron tayo" naiiyak kong sabi ...

"No you don't know anything ... and you can't understand me kaya nasasabi mo yan ..." natawa ako sa sinabi niya so ako pa ngayon ang Hindi makaintindi ...

"Wag mong baliktarin ang Lahat Lucas alam mo kung  Bakit ako Lumayo kung Bakit kita iniwan dahil sa makasarili ka ..."  Hindi kita maintindihan dahil ang hirap mong unawain at lalong ang hirap mong patawarin  ..".sigaw ko sa kanya sabay non ang pagbagsak ng luha ko na para bang kahapon Lang ako nasaktan at parang Hindi maubos ang luha sa mga mata ko......

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now