chapter 31

6K 179 0
                                    


Nang matapos Kami  kumain at magkuwentuhan ni Lucas ay naligo na  ako nagtagal pa  ako sa paliligo dahil naglublob pa ako sa bathtub kung di pa ako kinatok ni Lucas ay magtatagal pa sana ako .. sabi nga pala niya ay may pupuntahan kaming importante...

  Pababa na ako sa sala ng mapahinto ako ng Makita ang portrait sa gilid ng hagdanan sa ilang linggo ko rito ngayon ko Lang ito napansin... isang magandang babae at lalake na  kamukha ni Lucas ang nasa painting.. Napakunot ang noo ko at isang memorya ang pumasok sa isip ko...

"My parents died years ago" 

Sa naalala ko ang sabi ni Lucas patay na ang magulang niya ng magusap Kami noon sa office niya  Kaya naman Sino ang pinakilala niyang magulang... kamukha din naman Niya yung tatay niya ng nagtungo Kami sa ancestral house nila naguguluhan ako at napapaisip Tuloy ngayon...

" what are you doing there?"

Napalingon ako at nakitang nasa baba ng  hagdanan si Lucas lumapit siya sa kinatatayuan ko at tinignan ang painting na tinitingnan ko...

"Lucas sabi mo noon patay na ang magulang mo pero Sino yung ipinakilala mong magulang sa amin .."? Tanong ko sa kanya

Huminga siya ng malalim at tinignan ako inipit niya ang takas kong buhok na tumatakip sa mukha ko...

"That is my uncle Lyndon and aunty Melissa.." they are not my real parents ..." my parents died when I was young so my uncle Lyndon raised me so basically I'm adopted by them...  they can't conceive a child  so when my parents died they not think twice to take me in .."  paliwanag niya napatango Lang ako sa sinabi niya sa akin...

"Come on ..."

Hinila niya ako Pababa nasalubong ko pa si manang Sally na may dalang hamper ng damit ngumiti siya sa amin ni Lucas

"Alis na muna po Kami" sabi ko na ikinatango niya Lang

Ng makalabas Kami ng bahay ay nakaparada na ang kotse niya sa harapan

"Saan Ba tayo pupunta.."?tanong ko sa kanya..

"Secret... " sabi nito sa akin at hinalikan ang kamay ko ... hindi nalang ako nagsalita

Ng makasakay Kami ay hinawakan niya parin ang kamay ko hinayaan ko nalang siya at inaliw ang sarili sa pagtingin sa labas ....matagal ang naging biyahe namin at napakunot ang noo ko ng mapansin na nakalabas na Kami ng siyudad... napapaisip Tuloy ako kung susunduin naba namin ang mga anak namin ...napatingin ako Kay Lucas na parang sobrang saya ngayon panay kasi ang ngiti niya ...

"Masaya ka ata ano bang araw ngayon..at parang ang saya -saya mo...?" Tanong ko lumingon ito sa akin at natawa pinisil niya ang kamay Kong hawak niya ..

" yes very happy..." simpleng sagot niya sa akin

"Bakit nga''''...?pangungulit ko pa...

"Because of you"..."  seryosong sabi nito sa akin hinalikan niya ako sa kamay at nagpatuloy Lang sa pagmamaneho..

"Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kung titingnan sigurado akong mala kamatis na kapula ang mukha ko...binaling ko ang tingin sa labas at ngumiti...dahil gaya niya masaya din ako at yun ay dahil rin sa kanya...

"Hey...sleepy head... wake up we're here..."

Nagising ako sa mahinang boses na sobrang gusto ko minulat ko ang Mata ko at ngumiti malapit ang mukha niya sa akin at nakaharap  nginitian din niya ako at inalis ang naka-kalat kong buhok sa mukha ko .......hinalikan ko siya ng mabilis sa labi na siyang ikinagulat niya ....

"Nasaan nga pala tayo "...sabi ko bigla at tumingin sa paligid Hindi ko alam kung anong oras na ng lingunin ko siya ulit ay Nakatulala parin ito...

"Lucas.."?

"Huh'? Umm...yes.. we're here... " sabi niya at ngumiti sa akin sabay kaming lumabas ng sasakyan napatulala ako at napatitig sa nakikita ko sa aking harapan...

"  I know that you want to see them again..."  sabi ni Lucas ng tumabi ito sa akin.. napatakip ako ng aking bibig ng mapahikbi ako at tuluyang bumagsak ang luha ko lalo pa ng Makita ang mga taong naging pamilya ko

Nakangiti Sila sa akin unti-unti akong naglakad sa kanila hagang sa makarating ako sa harapan nila at isa-isang niyakap...masaya walang kasing saya ang nararamdaman ko matagal ko nang gustong Bumalik dito sa lugar kung saan ako nagsimula....

"Lalo kang gumanda Maria..." sabi ni sister rose sa akin habang pinagmamasdan ako
at hawak ang aking mukha na para bang sinusuri...

"Pa..Pasensya napo sa nagawa ko...at patawarin  niyo po ako at iniwan ko kayo..." nakayuko kong sabi naramdaman ko ang paghawak ni sister Elena sa kamay ko..

"Wala kang ginawang kinasama mo at Hindi mo Kaylangan ng kapatawaran dahil sa kami Dapat ang nagsasabi niyan nagsakripisyo ka dahil sa amin utang namin ang Lahat sayo maraming salamat"maluha-luhang sabi ni sister Elena sa akin...

"Halikayo sa loob at may isa pang tao ang gusto kang makita..." sabi ni sister rose sa akin nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya tumango naman ako at lumingon Kay Lucas lumapit ito sa amin hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang kamay ko...

Ng makapasok Kami ay kita ko na ma's marami Nang bata ang naninirahan dito ma's malaki na ang orphanage at may mga bagong tayong mga silid malinis at malawak na ito...

"Alam kong nabigla ka pero nagpapasalamat Kami dito sa asawa mo at Hindi nagsasawang tulungan Kami marami ang nagvo-volunteer pag weekend at madami din ang nalilikom na scholarship para sa mga bata..." sabi ni sister Elena napatingin ako Kay Lucas ng lumingon ito ay ngumiti Lang at bahagyang pinisil ang kamay ko...

"Balita namin ehh may anak kana sana sa susunod na bisita ay makadalaw naman Sila dito" nakangiting sabi ni sister rose...

"Sige po sa susunod po ng makilala niyo po sila "sabi ko naman nakarating Kami sa  isang silid ...para akong nilamig sa aking kinatatayuan nakita ko ang paglungkot ng mga mukha nila sister rose...

"Pumasok kana" sabi ni sister Elena napatango Lang ako ng buksan ko ang pintuan ay muli akong lumingon hindi Sila sumunod sa akin maging si Lucas...tipid na ngiti ang ibinigay nila ng makapasok ako ay napatingin ako sa kama kung saan nakahiga si mother Esther...kita mo ang pagtanda ng itsura niya sa paglipas ng panahon ...

"Ngumiti ito sa akin kahit alam Kong hirap na siya Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya at iminuwestrang lumapit ako nagpatakan agad ang luha ko at patakbong tumungo sa kanya ...

Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod na umiiyak sa kandungan niya ...naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at tanging hagulgol ko Lang ang maririnig  sa buong silid matagal akong umiyak at alam Kong alam niya na ito Lang ang Kaya Kong maisagot sa mga katangungan niya...

Maya-Maya pa ay humupa ang pagiyak ko at pakiramdam ko ay nilabas ko Lahat ng hinanakit na matagal kong itinago sa kailaliman ng puso ko...

"Ayos ka naba anak"? Tanong niya napaangat ang mukha ko at nakita ko siyang pinagmamasdan ako...Tumango ako sa kanya hinaplos niya ang mukha ko at pinahid ang luhang nasa pisngi ko...

"Alam kong noon pa man ay hindi pagmamadre ang tatahakin mong landas ...at tama nga ako... nagka pamilya ka at umibig..." masaya ako at alam Kong nasa maayos Kang kalagayan at masayang masaya ako dahil sa nalalabi kong oras ay nakita kita...." sabi niya napailing ako at yumakap sa kanya

"Mother..." bulong ko alam ko ang ibig niyang sabihin sa akin ngunit ayaw ko ayaw ko pang mawala siya dahil para sa akin siya na ang kinilala kong ina...

"Anak Lahat tayo ay dumarating sa puntong ito at sa akin ay masaya na ako dahil alam Kong natulungan ko kayong Lahat sa abot ng makakaya ko..." mahinang sabi niya at alam Kong sa mga oras na yon ay nagpapaalam na siya sa amin...at iyon ang bagay na mahirap na tanggapin...

The Fallen AngelWhere stories live. Discover now