the one at the four corners monument

3.6K 365 73
                                    

RJ / August 1, 2016

Naalimpungatan ako sa nag-aaway na kapitbahay nina Ate Nikki. Babangon na sana ako kaso naramdaman ko yung braso ni Maine, nakayakap sa bewang ko. Sa sobrang pagod, nakatulog ulit kaming magkatabi.

Nasabi ko na ba sa inyo na mahirap gisingin si Maine? Kahit yata pasabugan siya ng bomba malapit sa hinihigaan niya, hindi siya magigising agad agad.

Nasabi ko na rin ba sa inyo na maganda si Maine? Dati ko pa naman alam na maganda siya, pero ngayon ko lang talaga siya natitigan. Mahaba yung mga pilik-mata niya, matangos yung ilong, yung labi niya na mukhang masarap halikan... teka bakit masarap halikan?! Hoy, RJ. Kalmahan mo lang aba.

Nasa kalagitnaan pa din ako ng pagtitig sa kanya nung maramdaman kong hinila niya ako palapit sa kanya, habang nakayakap pa din siya sakin. Feeling ko ang iniisip niyang yakap niya yung hotdog pillow niya sa bahay. Hindi kaya ako hampasin nito pag nagising?

Hinawakan ko yung pisngi niya. Malambot. Ang sarap hawakan, ang sarap kurutin, ang sarap...

"Hoy, wag mo kong hahalikan."

"Ay susmaryosep naman Menggay! Bakit bigla bigla kang nagsasalita?!"

Dumilat na siya, buti naman. "Kanina mo pa ko tinititigan eh. May laway ba ko sa mukha?"

Natigilan ako sa tanong niya. It was actually so simple yet it's making me crazy, almost wanting me to kiss her. But I ignored that thought. This is Maine, my bestfriend. But damn, her lips are so inviting... shut up, RJ.

"Wala. Wala naman." Yan na lang ang nasabi ko. Kung anu-ano na tong naiisip ko.

Bumangon si Maine tapos sumandal sa headboard. She was quiet for a whole minute.

"We're halfway through the bucket list, RJ," sabi niya sa akin. "Nasa number 6 na tayo."

"Oo nga ano? And we've been here for two weeks already."

"Yup," then she looked at me. "Are you happy, RJ?"

I looked at her and smiled. "Oo naman, Meng. Why'd you ask?"

"Nothing," she smiled, but not reaching her eyes. "Do you still think about her? Laura?"

Natigilan ako sa tanong niya. "I do, from time to time. But not as much as before."

"Do you still love her?"

This has to be the toughest question she asked. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Nah, forget I asked." Tumayo na siya sa kama, papunta sa labas. "Magbreakfast na lang tayo."

***

Maine was back to her usual bubbly self again after eating our breakfast. Nalilito ako sa mga kinikilos niya ngayon, but I shrugged it off, thinking that she was just tired. O baka time of the month. Ganun kasi si Maine kapag nagkakaroon. Weirdo muna siya.

"Maine, kailan alis natin papuntang Denver?" I asked her. Next on the list is the Four Corners Monument, which is really cool because you can be at four places at once.

"The day after tomorrow pa. Yun na lang kasi yung nakuha kong flight to Farmington. Unless you want to drive?"

"Plane na lang siguro. After that, where to next?"

"We're going to fly to Pennsylvania tapos drive na lang to New York. Or train. Whichever you decide."

"Bakit ako?"

"Because you get to drive?"

"Papahirapan mo talaga ko, no?"

"Ikaw tong may US driver's license, RJ. Wag ka nga."

The Bucket ListWhere stories live. Discover now