the one in the interstate

3.3K 299 24
                                    

RJ / August 5, 2016

After staying at Tita Jackie's for two days, lumipad na kami papuntang Washington DC to have a White House tour. Pagdating namin sa airport, sinalubong kami ni Kuya Nico na dito naman naka-base.

"Kuyaaaa!!!" Tumakbo agad si Menggay papunta sa kuya niya. Sa kanila kasing magkakapatid, kay Nico siya pinakaclose.

"Menggay!" Niyakap niya si Maine, sabay tango naman sakin. "Oy, RJ!"

"Kuya Nico! Kamusta?"

"Ayos naman. Kayo ba? Galing na kayo kina ate?"

"Oo kuya, hinahanap ka nga ni Matti eh. Kailan ka daw dadalaw sa kanya." Sabi ni Maine habang tulak tulak yung suitcase niya.

"Dadalaw na nga ako sa kanya. May conference kasi kami sa LA this week, mamayang gabi alis ko."

"Sinong maiiwan sa bahay mo?"

"Kayo na muna bahala. May susi ka naman diba Menggay?"

"Meron naman kuya."

"Baka mga isang linggo din kasi ako doon. Kaya kung aalis kayo, i-lock niyo na lang yung pinto."

***

Pagkahatid sa amin ni Nico, umalis na rin siya papunta sa office dala yung mga gamit niya. Hindi naman kasi niya nabanggit sa amin na aalis din pala siya papunta sa LA kaya nagpasundo si Maine. Pero okay lang naman daw, at least nakita niya si Menggay.

"Nakakamiss din pala si kuya," sabi ni Maine habang kumakain ng cereal.

"Ilang taon na rin siya dito no?"

"Oo, mga 10 years na din. Nakakuha nga agad ng residency. Nakakainis."

"Ayos lang yun. Mukhang okay na rin naman siya dito sa DC eh."

"Oo nga eh. RJ, may gamot ka ba diyan sa bag mo?"

"Meron, bakit?"

"Medyo masakit kasi ulo ko eh," humiga siya sa couch tapos nagtakip ng unan sa mukha. "Biogesic kung meron please."

Sakto, meron ako sa bag ko kaya kinuha ko agad, pati tubig, sabay abot sa kanya. Ininom naman niya agad yung gamot tapos pumikit muna siya. Chineck ko yung temperature niya. "Ang init mo, Menggay. 38.6. May lagnat ka, naku."

"Itutulog ko lang to."

"Sige. Magpahinga ka muna diyan. Magluluto lang ako ng soup."

"Huy, dito ka lang."

"Sira, dito lang naman ako magluluto."

"Hindi, tabihan mo ko dito."

"Saglit lang to, Meng. Babalik din ako agad."

Pumunta na ko sa kitchen para magluto ng kakainin namin, pati nung soup ni Menggay. Sabi naman ni Kuya Nico ayos lang daw na galawin yung supplies niya. Naggrocery daw talaga siya para samin ni Maine. Nagluto na lang ako ng tinola para kahit pano, makahigop ng mainit na sabaw si Menggay.

Pagbalik ko, nakatulog na pala siya. Nilipat ko na lang siya sa kwarto para mas makapagpahinga siya ng maayos.

Kaso nagising naman siya pagkahiga ko sa kanya sa kama. Mali.

"Nasa kwarto na ko?" tanong niya sakin.

"Oo, nilipat kita. Ang bigat mo, Menggay. Nabali yata braso ko."

"Lul. Anong mabigat. Ang sexy ko kaya." Sabi niya sakin.

Lumapit ako tapos chineck ko yung temperature niya. "38.8. Tumaas pa. Teka, kumain ka muna."

The Bucket ListWhere stories live. Discover now