the one where they say I do

5.4K 270 37
                                    

Basco, Batanes / October 24, 2021

7am pa lang ng umaga, gising na si RJ. Ito na. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. In just a few hours, he will marry the love of his life.

He got out of bed and grabbed his phone to see if there are any messages. Meron nga. One from Maine.

Good morning, my love! I can't wait to see you later. Nicomaine Dei Faulkerson sounds really nice no? Hihi. Love you!

He smiled after reading her text. His surname really fits her name. Napakagandang pakinggan.

"Good morning, dad," bati niya sa daddy niya. Umupo na siya sa tabi ni Riza para kumain ng breakfast.

"Good morning. Oh, kamusta tulog mo?"

"Okay naman dad. Nakatulog naman ng maayos."

"Kuya, lumabas ka ba kagabi?" tanong ni Riza sa kanya. "Kumakatok kasi ako sa kwarto mo kagabi, hihiram dapat ako ng charger kaso hindi ka naman sumasagot."

"Anong oras ka ba kumatok?"

"Mga 8:15 ata?"

Napaisip siya. 8:15? Nasa labas pa sila ni Maine non at nakatambay sa Rolling Hills. But he chose not to tell them. That will be his and Maine's little secret.

"Tulog na ko non."

"Sabi mo yan, kuya."

His sister didn't pursue asking. Buti na lang. Pero ang hindi niya alam, kumatok din si Riza sa pintuan ni Maine. Gets na niya nung wala ding sumasagot sa kwarto nito. Magkasama silang dalawa.

"Teka RJ, ready ka na ba para mamaya?"

Napangiti siya, nasa isip lahat ng mangyayari mamaya. "Oo naman dad. Ready na."

"Mukhang hindi ka kinakabahan ah?"

"Susmaryosep dad, ako pa ba?"

"Nako kuya, yang pagka-chill mo ngayon tanggal yan mamaya," asar ni Riza sa kanya. "Chill chill ka pa ha."

Pucha. Tama nga si Riza.

Yung chill chill niya kanina? Nawala lahat pagdating nila sa chapel.

They're minutes away before the wedding. Nakapwesto na silang lahat sa labas para simulan ang wedding march. Kaharap niya ngayon si Margaux, ang wedding coordinator nila.

"RJ, you're up."

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa dulo ng aisle. His dad walked first, pagkatapos si James na best man niya. He also saw Andrew and Gara sitting on one of the pews. Flower girls kasi ang mga anak nito. Nginitian niya ang dalawa.

Naaalala pa niya noon, selos na selos siya kay Andrew simula nung maging sila ni Maine. Akala kasi ni Maine, hindi niya napapansin na iniiwasan siya nito. He knew Maine was dodging his calls, hindi nga rin ito pumupunta sa bahay nila. It was after five weeks, three days and sixteen hours when he decided to talk to her.

"Maine! Maine mag-usap naman tayo please!"

He was outside her bedroom in Bulacan, asking her if they could talk. Ilang linggo na kasi silang hindi nag-uusap at baka masiraan siya ng bait kapag nagtuloy-tuloy ito.

Pinagbuksan siya ni Maine ng pinto after five minutes. Wala kang mababasang expression sa mukha nito kaya lalong natakot si RJ.

He said sorry for pestering her, she said sorry for dodging his calls. They both miss each other pero nung mga panahong yon? Mas mabuti talaga na hindi muna sila magkita ng madalas.

The Bucket ListWhere stories live. Discover now