Chapter 7

45.7K 1.3K 161
                                    

Chapter 7

No guardian angel. How is that possible?

Na-bother ako doon sa sinabi ni Alex but he didn’t elaborate anymore. Nanahimik lang siya doon habang sinusundan niya ako at parang nag-iisip siya the whole time. I was on my way doon sa meeting ko with Prof. V at nung dumating naman ako eh 10 minutes late na yata ako.

Prof. V was the only one doon sa room at nagbabasa pa siya ng libro. He finally looked up nung nakita niya na pumasok ako. Alex was following me at naupo siya doon sa bandang likuran ng classroom. Ako naman, naupo ako doon sa harapan dahil kailangan ko namang makipag-usap kay Prof. V.

“Kumusta naman yung planning mo doon sa event?” paunang tanong niya sa akin nung kakaupo ko pa lang.

“Okay lang naman Prof. V.” sagot ko naman sa kanya, “Worried lang ako sa budget. Baka kasi super grand yung iniisip ko tapos hindi pala covered financially…”

Ngumiti lang si Prof. V sa akin. He looked over my notes na sinulat ko that one day nung nasa garden ako bago nag show-up si Wally. Panay lang ang tango niya doon sa listed plans ko.

“Ang tahimik mo yata today…” narinig ko na sinabi ni Prof. V.

“Po?”

Nagulat naman ako sa kanya. Tahimik? Hindi ba nag-uusap lang kami kanina? I don’t know what he’s referring to. Ang gulo rin nito ni Prof. V eh.

When I looked up at him, saka ko napansin na yung tinutukoy niya eh hindi ako, kung hindi si… Alex.

“Prof. V,” nanlaki yung mata ko sa kanya, “nakikita niyo rin po si Alex?”

That was the time na napalook-up na lang si Alex dahil narinig niya yung pangalan niya. He was really in his own bubble, but he snapped out of it nung narinig niya siguro yung conversation namin. He stood up sa pagkakaupo niya at lumapit kung nasaan kami.

Prof. V just smiled at me.

“Matagal ko na siyang nakikita—always following you around, always whispering sa iyo hoping you’ll follow what he says, stopped a group of guys who were obviously planning something terrible sa iyo nung nasa park ka mag-isa and I happened to be passing by, even caught your head one time nung natulog ka sa bench…”

Napatingin ako nun kay Alex. I have learned to appreciate Alex more ngayon na naririnig ko kung ano yung mga ginawa niya para sa akin even before na hindi ko pa siya nakikita. He’s really an ideal angel, and I’m really lucky to have him for my self.

“Young man…” pagkakasabi ni Prof. V, addressing Alex, “I’m Prof. Edwin Villavicer…”

Ini-stretch ni Prof. V yung kamay niya para makipagkilala kay Alex. Medyo nag-hesistate pa itong angel ko pero nag step forward din naman siya at nakipagkamay na rin. It was so surreal dahil hindi ko ineexpect na yung favorite kong Professor eh kaparehas ko palang nakakakita.

“This whole time nakikita niyo po ako?” tanong ni Alex kay Prof. V.

“Yes.”

“Lahat po ng ginagawa ko?” natatarantang pagtatanong uli ni Alex.

“Yes, even the tiniest bit…” nakangiting sagot ni Prof. V, “I’m sorry I pretended na hindi kita nakikita for the longest. I didn’t want to scare you.”

Natawa naman si Alex doon sa sinabi ni Prof. V. He looked really nervous kaya nakatingin lang ako sa kanya. Bakit naman magiging niyerbiyoso itong si Alex kay Prof. V?

“Hindi po ako takot na nakikita niyo ako,” sagot naman niya, “Mas takot po ako dahil nagpanggap kayo na hindi. That means nakita niyo po yung araw na…”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon