Chapter 19

33K 793 50
                                    

Chapter 19

            Jax did not play around. Talagang after mawala ni Alex doon sa harapan namin at nung sinabi niya na alalang-alala siya sa akin, hinila niya talaga ako until we were back doon sa maraming tao. Robin noticed us nung dumating kami kaya tumango lang siya. Napansin ko rin yung ibang mga babae na nag-uusap na doon sa gilid. Hindi ko alam kung kilala din ba nila si Jax, o talagang gusto lang nilang pag-usapan kami.

            I mean, think about it. It’s late at night, parehas kaming nawala, and now we’re just randomly appearing sa harap ng lahat. It must have looked really weird para sa paningin nilang lahat.

            I saw Trixie give me the look, pero wala naman siyang sinabi. Si Lyka at si Amanda lang ang nagbigay ng thumbs up sa akin. Hindi ko alam kung anong malfunction nung dalawang yun. Are they being nice to me just because? Ang alam ko, inisiip nila na may boyfriend ako. To see that I am coming from the woods with another guy—hindi ba dapat frowned upon yun? They’re so weird sometimes.

            They played this game na parang kwentuhan lang naman. I could tell they were all having fun at ako lang ang hindi. I was looking around for Alex, but no sign of him. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta after sabihin ni Jax na nasa paligid lang si Wally. I wish he’s okay. Sinubukan ko pa ngang umalis doon sa bonfire uli, pero hinawakan lang lalo ni Jax ng mahigpit yung kamay ko.

            I was stuck there with him.

            Nung gabing-gabi na at lahat ay pumapasok na sa kanya-kanya nilang tent, sasama na sana ako kay Robin kaya lang hindi pa rin ako pinakawalan ni Jax. “Sabi ko kanina, sa tent ko ikaw mag-stay for the night. I stand by what I said.”

            I could tell Robin was kind of confused nung makita niya na pinigilan ako ni Jax, pero wala naman siyang sinabi. Umalis na siya at pumunta na siya doon sa tent dapat namin. Ako naman, napasama na lang bigla kay Jax ng de-oras.

            “I can take care of myself, thank you very much.” I told him habang hinihila ko yung kamay ko pero hindi ko pa rin maalis sa pagkakahawak niya, “Isa pa nandoon si Robin. Walang mangyayaring masama sa akin.”

            “Really, Zoe?” sinagot niya na parang may halong pang-aasar, “Tell me this: kapag sinakal ka ba nung ghost na sumusunod sa iyo and you’re seriously dying, anong magagawa ni Robin para sa iyo? Nothing. Because, as I’m sure you know, ghosts are only solid to those who can see.” Hinila pa rin niya ako ng harsh, “The last time I checked, ako lang ang may ability nun so stop being so God damn difficult.”

            Wala naman akong maisagot sa kanya. Wala rin namang point para makipagtalo pa ako kay Jax so I just let him be. I came with him doon sa tent niya and it just became awkward then on.

            Inayos ni Jax yung higaan doon sa loob ng tent. Meron naman talagang sleeping bags, pero dahil masyado daw maiinit para gamitin sa gabi na iyon, nakatiklop lang yung sleeping bags doon sa gilid. Naupo na lang ako doon at siya naman ay nanduon sa kabilang side ng tent. Nakita ko na inalis niya yung shirt niya, at napansin ko na naman yung muscular niya na katawan. He has a nice back, really.

            Okay lang naman kung wala siyang shirt, if that works for him. Ang hindi lang naman okay sa akin eh nung sinubukan niyang alisin yung buckle ng belt niya para sa pantalon niya.

            “Hoy, hoy, hoy, teka lang!” isinigaw ko naman at tinuro ko siya, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo at inaalis mo yang pantalon mo?”

            He gave me that confused look na para bang hindi niya talaga alam kung anong tinatanong ko, “I’m getting ready for bed.” He replied right ahead.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon