Chapter 35

28.8K 754 75
                                    

Chapter 35

            “Alex! Huwag mo kong iiwan!” I saw him standing right in front of me. Nakatingin lang siya at walang sinasabi sa akin. After a while, I saw his shirt full of blood.  Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit. Nung hahawakan ko na siya, bigla na lang siyang nawala at nakita ko na puro dugo na yung mga kamay ko. “ALEX!”

            “Anak! Anak!” narinig ko na lang na may tumatawag sa akin. Nagising ako at pawis na pawis ako. Mabilis pa rin yung tibok ng puso ko, “Anong problema? Nanaginip ka ba?”

            Nakita ko na nakaupo yung Daddy ko sa gilid ng kama ko. Nanginginig pa ako nun nung magising ako, “Panaginip lang Dad. Panaginip lang pala…”

            “Tatlong araw ka ng ganyan. Lagi ka na lang sumisigaw sa pagtulog mo…” sinabi ni Daddy sa akin. Tinignan ko lang siya at hindi ko alam kung paano koi e-explain yung sarili ko, “May problema ka ba?”

            “Daddy wala po.” sinagot ko naman sa kanya.

            “Alex na naman? Sino ba yang Alex na yan?” tinanong niya ako uli, “Boyfriend mo ba yan at sa panaginip mo eh ikaw ang naghahabol? Siya ba yung ini-sneak mo dito sa kwarto mo?”

            “Dad, gusto ko lang matulog okay? I don’t have the energy to explain everything to you.”

            We have never had a serious conversation as a father-daughter. I don’t think I’ve ever shared anything with him even as remotely simple as just having a crush. Sa tinagal-tagal na naming magkasama ni Daddy sa bahay, it’s as if we just happened to be people living in the same house and nothing more. Nasanay na ako ng ganun. I don’t even feel the need to tell him the story of Alex. Ni-hindi nga niya maintindihan yung passion ko sa arts, yung kwento ko pa tungkol sa spirits? I won’t cross that line with my Dad.

            I’ve been having nightmares for the past three nights tungkol kay Alex. I’ve been seeing the same scene over and over—with his bloody shirt—and my bloody hands. I have this fear that he will die, and much worse is that he will die in my hands.

            It’s just a dream. At least I tell myself that. I can never hurt Alex. I just don’t think it’s possible.

            Nakita ko si Professor V nung Thursday morning at pinapunta niya ako sa office niya. I haven’t talked to him simula nung nakauwi kami galing sa Davao at hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa nangyayari kay Alex. Kinuwento ko sa kanya yung mga sinabi nung Armando, at naalala ko na naman si Alex tungkol doon.

            “Reborn?” tinanong ni Professor V sa akin, “Kailangan niyang ipanganak?” Tumango naman ako dahil yun ang totoo, “Sayang naman. Payag pa naman ang asawa ko na kapag naging mortal na siya, ipapakilala talaga namin siyang adopted son namin. Gustung-gusto siya ng asawa ko.”

            “Kumusta na po pala ang asawa niyo?” tinanong ko naman siya dahil matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita simula nung dinner na pinunta namin sa bahay nila, “Okay lang po ba siya?”

            Ngumiti naman siya, “Okay naman. Luto lang ng luto…”

            Tinignan ko naman si Professor V nun. Saka ko lang naisip na hindi pa niya sinasabi sa akin yung tungkol sa kanila ng asawa niya. Para kasing secretive din siya tungkol sa pagiging oculus niya. “Professor V, nakikita niyo po ba lahat? Yung talaga pong lahat-lahat? Katulad ni Jax?”

            Nagkunut-noo naman siya sa akin, “Hindi eh. Nakikita ko halos lahat ng mga anghel, pero ang asawa ko lang ang nakikita ko na katulad niya.”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon