Chapter 11

43.7K 1K 229
                                    

Chapter 11

Uminom ako ng gabing iyon.

It wasn’t like I was drinking my life away—maybe just a little. Ininom ko yung hard liquor ni Daddy doon at ginamit ko yung mga shot glasses niya. Masama lang talaga yung loob ko sa nangyari kanina nung nandito si Jax. Pakiramdam ko naman wala akong kasalanan sa nangyari dahil siya naman talaga yung pang-asar, pero bakit pakiramdam ko ako yung masamang tao? Idagdag mo pa yung tawag ni Daddy sa akin na hindi daw siya makakauwi at may business trip daw siya na biglaan.

Ganun naman lagi. Iniiwan niya lang din ako mag-isa.

I was feeling my drunkenness at painom na naman ako uli nung bigla-bigla na lang may umagaw nung shot glass ko. Nahihilo na ako nun kaya napatingin na lang ako kung sino ba yung pakielamero.

“A-ano ba! Ayan! Natapon tuloy!” sinigaw ko na lang at nag-lean ako doon sa bar counter namin at nakaupo ako doon sa high stool, “Bakit ba maraming pakielamero ngayon?”

“Lasing ka na…” narinig ko na sinabi niya at naupo siya doon sa isa pang high stool na nasa tabi ng upuan ko. Inurong pa niya para mapalapit siya sa akin, “What happened?”

Tinignan ko naman siya. Medyo droopy na nun yung mga mata ko at tinuro-turo ko pa siya, “Nagsisinungaling ka ba sa akin Alex? Kasi hindi ba dapat nararamdaman mo kung may masamang nangyayari sa akin?” dinuro-duro ko siya sa dibdib niya at hinawakan niya yung kamay ko, “Bakit hindi mo alam na si Jax sinubukang…”

Hindi ko tinuloy yung sasabihin ko. Ano pa bang point na i-explain ko kay Alex yung nangyari? Tapos na yun, at wala namang nangyaring masama sa akin.

I guess he wasn’t about to let it go dahil hinawakan niya ako sa wrist ko ng medyo mahigpit pero hindi naman masakit, “Anong ginawa niya?”

I noticed him na nagfli-flicker ng blue yung mata niya at parang nag-aapoy yung kulay ng balat niya. Blue. Bakit ba siya kulay blue? I never asked him, and now I wonder why.

“Blue na blue yung mga mata mo ngayon…” tinuro ko siya habang tumatawa ako, “Bakit ba?”

“Zoe, you’re really drunk.” Sinabi niya uli, “I’ll take you upstairs… tara.”

Sinubukan niyang i-persuade ako na bumaba doon sa high stool at umakyat na daw ako dahil lasing ako. Eh sa ayaw nga ng tao. Gusto ko ngang uminom. Ano bang karapatan nito ni Alex na pigilan ako?

Ha. That’s right. Guardian angel. Bakit kasi siya pa?

“Kaya ko ang sarili ko!” hinila ko ng hinila yung kamay ko kaya muntik na akong matumba patalikod pero mabilis si Alex na nasalo ako. He was really fast na para bang kasama yun sa hilo ko. It was too swift like it was a blur.

Hawak-hawak niya yung likod ko para hindi ako matuluyan na mahulog, “Bubuhatin na lang kita. Please, you’re making me worry and you’re making me feel bad for leaving you.”

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya so I ended up sitting on the floor. Alex let me be at naupo na lang din siya sa harap ko. Tinignan ko siya, and his flaming blue self sort of calmed down a bit, “You are not normal. Kaming mortals, hindi kami blue. We don’t have that fast reflex na ginagawa mo.” Nagsalubong pa yung kilay ko, “Can you stop being super unusual and stop being nice to me! Can you be an asshole sometimes? Kahit minsan lang!”

He didn’t say anything sa kakasigaw ko sa kanya. I was drunk and I know what I’m saying. Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na magsalita. Parang gusto ko lang siyang sigawan ng sigawan kahit wala naman siyang ginawa sa akin.

I don’t know what’s wrong with me. The alcohol?

“Tatayo na nga ako bago pa ako may masabi na pagsisisihan ko…” sabi ko naman at sinubukan kong tumayo.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon