Chapter 10

46.4K 1.1K 92
                                    

Chapter 10

            Trixie did not show herself up sa school in the next few days.

            I felt horrible about that fact and I can’t help but think na may kinalaman ako sa pag-absent niya. Simula kasi nung sinabi ko yung tungkol doon sa Kuya niya, hindi na siya pumasok. I was worried at gustung-gusto ko siyang puntahan doon sa bahay niya.

            My face started to heal nung mga araw na iyon. Alex was tending to it every night and he made it a point na hindi niya ma-miss yung paggamot niya sa mukha ko. I remember him saying, “A lady’s face is very precious. It’s a treasure and it shouldn’t be tainted.” Kaya ayun, hindi niya talaga ako tinitigilan hanggat hindi daw gumagaling yung mukha ko.

During the days na makikita ko si Daddy, lagi na lang ako may suot na concealer na makeup para lang hindi niya mahalata yung mukha ko. He’s always busy regardless at hindi naman siya masyadong nagpa-pay attention sa akin. He didn’t even notice I was wearing makeup nung mga huling araw. So much for my worries. Para lang din naman pala sa wala.

One Thursday morning habang nagpa-plano ako nung showcase, nakita ko na lang na naupo si Cal sa upuan sa harapan ko. He was leaning doon sa sandalan nung upuan sabay sabing, “It was me who saw you first pero I think I’ll give way dahil bago siya sa school…” mahinang pagbulong ni Cal, “I hear my cousin Jax likes you…”

Yumuko na lang ako uli doon sa notebook na sinusulatan ko. Punung-puno yun ng notes para doon sa event. I guess stress out lang talaga ako or what, kaya ang saklap lang din ng pagkakasagot ko kay Cal, “And I hear your cousin is a douche bag…”

“Whoa…” tinaas naman ni Cal yung dalawang kamay niya, “Relax ka lang Zoe.” Nakangiting pagkakasabi niya, “You’re very pretty and all but you can be a total b---“

“Total what?” tanong ko naman sa kanya, “Bitch?”

“You said it, I didn’t.” sabi naman niya.

“Well, totoo naman talaga yung tungkol sa pinsan mo…” Tinaasan ko naman siya ng kilay ko, “Did he mention na siya ang may kasalanan na may-sprain itong paa ko?”

Cal glanced at my foot. Mukhang nagulat din siya at hindi niya ineexpect yung sinabi ko, “I’m sure it was an accident. It’s not like tinulak ka niya para mapilay ka.”

Sure. Accident. Hindi nga sinasadya ni Jax yun.

“You don’t know half of the story, Cal.” I told him.

“Well, mukhang stressed out ka talaga no?” tanong naman niya, “Kakasabi lang sa amin na may extra points daw kami kung tutulong kami sa mga events at naisip ko naman yung showcase mo… so helpers mo kami! To lessen your stress na rin.”

Saka ako lumingon uli kay Cal nun. Helpers sa showcase? For what?!?

“Anong sinasabi mo?”

Ngumiti lang si Cal ng nakakaloko sa akin. Inagaw pa niya ng mabilis yung notebook niya at sinubukan niyang basahin yung mga sinulat-sulat ko doon sa loob.

“Malaki pala talagang event ‘to no? Sinong date mo for that night?”

Binawi ko naman yung notebook ko, “Wala. Matagal pa yun.”

“There’s a rumor na may boyfriend ka daw?” tinanong naman ni Cal sa akin, “Is there some truth to that?”

Tinignan ko lang si Cal. Why are they so curious kung sino ang boyfriend ko? Si Jax minsan, tapos ngayon si Cal. I never get a break.

I haven’t uttered another word nung dumilim na naman ang paningin ko. Pumasok si Jax and he fist bumped with Cal. I just rolled my eyes. He greeted me with his usual smug self, “Oo nga Zoe, may boyfriend ka daw?”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon