Chapter 24

29.8K 925 236
                                    

Chapter 24

            Si Jax ang soulmate ko? The thought seemed to have lingered sa isip ko kahit na hindi na kami magkasama. Alam ko na napansin niya nun yung matandang manghuhula sa perya. Did he just say that to get into my head? Kasi kung yun talaga yung plano niya, it’s working. It’s working alright.

            I was actually hoping na si Alex yun and not Jax. I know it’s a long shot, pero…

            Hindi ko alam kung bakit hindi na naman nagpapakita si Alex sa akin. He’s gone off somewhere, or maybe nandito lang siya sa tabi ko at pinapanood ako. How I wish he’s just constantly beside me. Parang ngayon, gusto ko lang siyang kasama at makausap. Ano kayang opinyon niya kapag sinabi ko yung sinabi ni Jax? Will he care or will he just dodge it?

***

            “Somebody’s busy again…” narinig ko na may nagsabi nung nasa garden ako at nagpa-plano nung event, “Kailangan mo ng tulong?”

            Napalingon ako kung sino yung naupo bigla doon sa bench sa tabi ko. Si Trixie na naman. I guess hindi pa rin ako sanay dito sa biglaang bait niya sa akin. I mean really, all these years na magkaaway kami tapos ngayon biglang friends na kami. Ewan ko rin naman sa sarili ko kung bakit hindi na lang ako maging thankful at nabawasan ako ng isa pang enemy sa buhay.

            Itinulak ko naman yung isang notebook na puro AV equipments at listahan ng mga reservations para mabasa niya, “Gusto mo tumulong? Iyong-iyo na yan.” Natatawa ko naman na pagkakasabi sa kanya.

            She glanced at it really quick bago tumingin uli sa akin, “You seem down lately. Dahil ba kay Kuya?”

            Surprisingly enough, hindi si Wally ang problema ko ngayon. I think tama naman si Alex nung sinabi niya na hindi na daw ako iba-bother ni Wally. The truth is, parang mas malungkot pa ako na hindi ko nakikita si Alex at hindi siya ang soulmate ko.

            Ang babaw ko no?

            “Hindi eh…” sinagot ko sa kanya, “Hindi ko naman problema Kuya mo lately. He’s actually been… okay.” I told her right ahead, “Sinusundan ka pa rin niya paminsan-minsan, looking after you.”

            Nag-smile naman si Trixie nung narinig niya yun. Siguro masaya na rin ako para sa kanya. At least, nalaman niya na hindi naman galit sa kanya yung Kuya niya kagaya ng ina-assume niya for years. Naupo lang siya doon at talagang tumulong siya doon sa planning ng event ko. One thing I really like about Trixie eh  nitpicky and very organized siya sa bagay-bagay. Yung mga dalawang oras ko sigurong ita-trabaho, within 30 minutes, tapos na niya.

            “Perfect!” sinabi niya nung natapos niya yung notebook na may listahan ko, “Tatawagan ko sila later today para i-reserve na yung mga lights. Okay lang?”

            Sasagot na sana ako sa kanya kaya lang nadagdagan kami doon sa garden. Nanduon na naman yung mga bruha naming classmates na pinag-tripan ako doon sa cellphone at tawagan daw si Alex. Ang aga-aga at wala ako sa mood makipaglokohan sa mga babae na ito.

            Kahit alam ko na, I was hoping hindi sila hihinto kung nasaan kami ni Trixie. Yung isa sa kanila lang yung nag-lean doon sa table, “Zoe, I was talking to Jax this morning at niyayaya ko siya doon sa gala naming magbabarkada. He goes on telling me na hindi daw siya pwede dahil baka masaktan daw yung soulmate niya…”

            Kung hindi siguro nila napansin na nag-iba na yung pinta ng mukha ko, hindi ko na alam kung ano pa. “Okay? So?” tinanong ko naman sa kanya at niyuko ko yung ulo ko.

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon