Chapter 43

25.1K 862 203
                                    

Chapter 43

            “I will never get over it. I don’t think I can.”

            “You have to tell me what happened that night. Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin kung anong nangyari.” Narinig ko na sinabi ni Professor V sa akin, “This isn’t healthy. It’s been three weeks! You have to talk.”

            It had been the most painful three weeks of my life. Kumbaga, para akong nasa isang malaking bangungot at hindi ako magising-gising.  Sa kahit anong anggulo, kahit anong marinig ko, bumabalik ako sa gabi na iyon. Kahit anong takbo na gawin ko, nandiyan lang iyon para habulin ako.

            This pain, it will never go away. Not even time can heal it. I’ll only believe it when it happens. I chose to be quiet. I don’t think may makakaintindi sa akin. Things will never be the same.

            What happened that night?

            Tumingin lang ako kay Professor V, “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa nangyari nung gabi na iyon.”

            He breathed deepy, “Then just tell me as you saw it.”

~~

            Alex finally arrived that night. Mabilis kong pinunasan yung mga luha sa mga mata ko para makita ko siya. Tumingin siya sa paligid niya at nakita niya si Jax at si Wally, and then he found me. His eyes stopped on me.

            “You don’t want to do this…” narinig ko na sinabi niya kay Baron.

            Natawa lang si Baron sa kanya. “Oh, I’m pretty sure I really want to do this.” Sinagot niya kay Alex. “Tatanga-tanga ka rin at pumunta ka pa rito. Alam mo naman na kung anong pwedeng mangyari.”

            “Alex! Alex kailangan mong umalis! Hindi ka dapat nandirito!” sinigaw ko sa kanya, “Umalis ka na!”

            Tumakbo si Alex kung nasaan ako at lumuhod siya at magkalapit na yung mukha naming dalawa. His eyes were a dark shade of brown—darker than the last time I saw him. He looked really sad, but he still smiled at me. “Are you okay?” unang tinanong niya sa akin, “I promise I’ll get you out of here safe.” Sinabi niya at humawak siya sa pisngi ko.

            “Alex, hindi ka pwede dito!” sinigaw ni Wally doon sa likuran, “Alam mo naman na yung kalagayan mo!”

            Lumingon si Alex sa kanya, “Alam ko. Pero walang iba pang lugar kung nasaan dapat ako kung hindi dito. I thank you for looking after me, but it’s my job to look after you…” sinagot niya kay Wally.

            “Don’t you get it?! Don’t be selfish! Kailangan mong umalis!” sinigaw ni Jax sa kanya, “Ano? Nilalagay mo kami sa posisyon na ito? Kapag may nangyari sa iyo konsensiya pa namin?”

            Ngumiti lang si Alex sa kanya. I did not expect that from him, “Ito na yata ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ko na nag-alala ka sa akin, Jaxon. I’m honored.” Nung nawala na yung ngiti niya, tumango lang siya kay Jax, “But I have to be here.”

            After niyang kinausap yung dalawa, tumingin siya uli sa akin. Nung una nakatitig lang siya sa akin ng walang sinasabi, kaya tumulo na uli yung luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nung mga oras na iyon na wala siyang sinasabi, lalo akong nasasaktan. “Please Alex, umalis ka na.”

            “And let you die?” sinagot niya ng mabilis, “And let them die?” tinanong niya uli sa akin, “I cannot fail all of you as a guardian angel. I have a duty to protect all of you.”

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon