Chapter 2

4K 107 12
                                    




Jade

You can never deny the fact that you will always come back to your home town. I am a proof of that, because after 2 years of staying in Korea I am now back in the Philippines. 2 years had passed, but that night still feels like yesterday.

"Jaydee, what's up?" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Napangiti ako nang makitang tulog na tulog sa balikat ng napagwapong lalaking 'to ang anghel ko. Umiling lang ako sa kanya.

"Wala, it's just good to be home." Sabi ko nalang, kasi napahinto na pala ako sa parking lot ng airport. Umismid naman ang kausap ko at pinitik noo ko.

"Ang sabihin mo may naalala ka lang." Napataas na naman ang isang kilay niya habang sinasabi iyon kaya ako naman ang ngumuso at dinutdot ang kilay niyang naka-arko.

Tinabig niya naman kamay ko kaagad. "Ano ba, Jaydee?"

Medyo tumaas pa boses niya, kaya 'di ko na pinigil ang bibig ko at nagsalita na.

"Skyler Damien, I just want to remind you that you're a married MAN now. Kasal ka at karga karga mo ang anak mo, kaya iwas iwasan mo na ang kalambutan mo ha?"

Napanganga naman siya sa litanya ko, ngumisi nalang tuloy ako. Skyler is my best friend and now my husband. And he's a gay, a closet gay.

At ang batang karga karga niya ay walang iba kundi ang bunga ng gabing pinaghirapan ko. My one year old son, Damon Damien. Sky gave my son the privilege to have his name that is why Damon is a Damien.

Napakunot naman noo ko nang bigla nalang kurutin ni Sky ang ilong ko at pinitik ulit ang noo ko. "Jaydee, I know. It's just old habits die hard, besides I'm still gay even though I married you."

Umirap pa si bakla, kaya naman napatawa ako ng mahina. Hindi na talaga siya magbabago, pero I'm forever thankful to him. Because my son will have a complete family, even if it's not the real one.

Naalala ko nalang tuloy no'ng araw na inaya ko si Sky na pakasalan ako, his reactions were priceless.


"What? You're pregnant? Kaninong poncio pilato ka ba kasi nakipag-jugjugan ha?" Napalakas ang boses ni Sky, kaya naman ang ibang tao sa restaurant ay napatingin sa amin. Pinanlakihan ko agad siya ng mata at hinampas ang braso niya ng bahagya.

"Ano ba? Kailangan e broadcast?" Tumaas naman kilay niya sa sinabi ko, nakakainis 'tong baklang 'to! Mahina na nga pagkakasabi ko tapos ngayon ipagsisigawan niya sa lahat na buntis ako.

"Bakit? Totoo naman eh, disgrasyada ka na! My gas! Sooner there will be a baby bump in there!" Tinuro niya pa ang tiyan ko, kaya naman dala ng inis ko ay nahampas ko ang mesa.

Tinitigan ko siya nang masama, kaya umayos siya ng upo. "Ang sakit na nang sinasabi mo Skyler ha! Kaya nga ikaw nilapitan ko, kasi alam kong ikaw makakaintindi sa akin. Pagkatapos ganito pala gagawin mo sa akin, anong klase kang kaibigan?"

Natameme naman ang kausap ko, dahil na rin napag-uusapan na kami ng mga tao sa paligid. I watched him as his strong jawline stiffened. His eyes made a serious look on my face and his thin lips form a line.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Alam na ba 'to ng parents mo?"

Tumango ako bilang sagot.

"Anong sabi nila?" tanong niya pa.

"They don't really care."

Napataas namana gad ang kilay niya at napaawang ang mga labi. "What? They don't freaking care that you're fucking pregnant? My gas! Anong klaseng magulang sila? Hahampasin ko na talaga ng kaldero sa mukha mga magulang mo, Jaydee!"

JONHTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang