Chapter 3

3.5K 111 18
                                    







Jade

People call it home, but I just call it an empty house. I looked at the building being renovated in front of me. It was big, but they insist on making it bigger. Halos 'di na nga kami magkakitaan ng mga katulong dati dyan sa loob tapos papalakihin pa nila, napaismid nalang ako. Sabagay wala naman akong balak magprotesta, kasi 'di na naman ako dyan titira.

Napabaling lang ako sa anak ko na karga ko nang tapikin niya ako at tinuro ang mga taong nakatayo na pala sa pinto ng bahay. It was my mom and my dad, smiling from ear to ear. I knew it is not fake and I just don't care. I stopped caring years ago. All I care about now is for them to treat my son right, not the way they had treated me my whole life. Like a machine, that has to surpass their expectations.

"Apo," saad ni Mommy at kinuha sa bisig ko si Dame. Sinalubong naman ako ng yakap ni daddy, kaya napangiti nalang ako ng bahagya. I am not angry nor hate them anymore; they did their part on my life. They support me financially and gave me all the material things I needed, I think it was enough.

I eyed my son who's happily smiling to my mother. His round deep set eyes smiles along with his thin lips. Magmumukhang nakuha niya talaga ang mga mata niya kay Sky, pati na ang coal black color nito. Ang kinaibahan lang ay ang iba niyang features, alam na alam ko kung kanino niya namana ito. Halos wala nga siyang minana sa akin e, pati gender hindi rin.

"Mom, pwede pa bang matulugan ang kwarto ko? Medyo mahaba rin ang byahe mula Cavite hanggang dito sa Bulacan. I'm sure my husband is also pretty tired." I asked my mom and then looked at Sky who just walked in. Nag-park pa kasi siya ng sasakyan sa garahe kaya naman nauna na kami ni Dame.

Tumango naman agad si Mommy bilang sagot. "You can still use it. Pinauna naming ipaayos ang dirty kitchen sa likod at pinalagyan na namin ng wine cellar. Kaya naman 'di pa nasisimulan ang renovation ng mga silid."

"Let's go then." I smiled at them and then pulled Sky to walk inside. Halata ngang wala pa ring pinagbago ang bahay, ang ibang furnitures ay nakatakip pa rin ng puting kumot. Kahit andito kasi ako noon ay pinapatakpan na nila ang ibang hindi nagagamit, kasi ako lang naman ang tao rito noon. Maliban nalang kung may party or company gathering, saka nila inaayos ang mga ito.

The white colored wall still remind me the emptiness of the house, though it feels quite different now. Dumeretso na muna kami sa itaas ng bahay para mailagay na ang dala naming gamit, alam ko ring pagod si Sky sa pagmamaneho. Kaya naman pinapasok ko na kaagad siya sa kwarto ko.

My room is already big enough for the three of us, though there's another guest room across I rather use my room. The master's bedroom was beside my room and there's another guest room downstairs. Kaya naman naglalagi dito si Sky dati, he can always use any guestroom he likes.

"Jaydee," tawag ni Sky sa akin. Nilapitan ko siya, dahil nakaupo na pala siya sa kama. Nang makalapit ako ay nagulat ako nang hilahin niya ako at pinaupo sa tabi niya, saka niya inihilig ang ulo sa balikat ko. Naiwan kasi si Dame sa mga magulang ko sa baba, kaya naman kami nalang dalawaang andito ni Sky.

Pinadapo ko nalang ang kamay ko sa ulo niya at pinaglaruan ang buhok niya, mukhang napagod nga ang asawa ko. "Tired?" I asked.

"Yeah. A little bit," he said in a deep voice that made me shiver. It surprises me every time he talks that way. Nakakalimutan ko kasing bakla siya kapag ginagawa niya 'yon.

I admired my bestfriend, oo nga at crush ko siya dati e. Pero alam kong hanggang doon lang 'yon, hindi kasi talaga kami talo. "Gusto mo bang magpadala nalang tayo ng pagkain dito?"

Pagkatapos kong tanungin iyon ay inalis niya na ang pagkakahilig niya at humarap sa akin, halatang inaantok na talaga ang mga mata niya. Naawa naman tuloy ako, kaya hinawakan ko ang pisngi niya.

JONHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon