Chapter 5

2.8K 94 22
                                    




Jade

Buong hapon akong hindi lumabas ng kwarto ko, pati tanghalian ay nagpadala nalang ako kay Sky. Ang anak ko naman, hinayaan ko nalang munang makasama ng mga magulang ko. Kahit pa alam kong may tsansang magkasama na naman sila ni Simon. I just can't bring myself to see him right now, because my head is spinning because of all ideas that are popping on my mind.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, lalo pa't may malaking posibilidad na may alam si Simon. Pero imposibleng malaman niyang ako 'yon, sa dami ng babaeng lumapit sa kanya no'ng gabing iyon. At alam kong ni isa ay wala akong pinagsabihan sa binalak kong one night stand kasama siya.

Pabalak-balik akong naglalakad sa kwarto nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakakunot-noong asawa ko. His frown doesn't match his jolly outfit, simple shirt and summer shorts.

"Jadeyy, kanina ka pa andito. Wala ka bang balak bumaba? Maghahapunan na, magpapadala ka nalang ba uit ng pagkain dito?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Tinitigan niya ako ng malalam sa mga mata ko, kaya agad akong umiwas tingin.

"May problema ba, Jade?" I can't meet his gaze nor answer his question. All I can feel right now is uneasiness.

Hinawakan ko nalang tuloy ang kamay niya at tinanggal ito sa pagkakahawak sa akin. "Wala, sige na baba na rin ako."

Pilit akong ngumiti habang sumasagot sa kanya, pero nakakunot pa rin ang noo niya. Kaya naman napabuntong hininga ako.

"Husband, don't worry. Tara na sabay na tayong bumaba."

Agad akong sinalubong ng mga titig ni Simon nang makababa kami sa hagdan ni Sky. Sabi ko na nga ba at andito pa siya e, hindi lang iyon. Siya na naman ang may hawak sa anak ko. Kaya bilang instinct ay lumapit ako sa kanya at kinuha na ang bata.

"Kakain na," sabi ko lang at tuluyang kinarga na si Dame na kalaro niya sa sala. Pero agad umagap sa braso ko ang kamay niya.

"Bakit?" Tanong ko at nilingon siya. Katulad kanina ay magkasalubong na naman ang kilay niya at para bang may galit na sa mga mata niya. Ilang segundo kaming nanatili sa gano'ng posisyon, hindi rin naman siya nagsalita. Kaya napukaw lang kami sa pagtititigan nang tawagin kami ni Sky.

"Dinner is ready! Wife, let's eat!" Lumapit na ang asawa ko at siya na ang humila sa kamay ko patungo sa dining area. Sumunod naman agad si Simon, nang pumwesto kami ay tumapat na naman siya sa akin. Hindi niya rin inaalis pa ang titig niya .

Kaya naman ako na ang naunang nag-iwas. Tama, iiwasan ko nalang siya. Total naman aalis na rin kami agad bukas, hindi ko na siya makikita pa. Pipilitin ko nalang din si Sky na bumalik nalang kami ng Korea, alam kong pakikinggan ako ng asawa ko.

Kaya naman tahimik lang akong kumakain, habang nagku-kwentuhan ang mga magulang ko. Akala ko wala nang magiging problema sa buong kainan, pero nagakakamali ako.

"Ilang taon na ulit si Dame, Jade?" Napabaling ako kaagad sa nagtanong, si Simon. Napalunok ako at sumagot nalang ng maiksi.

"1 year and 4 months old."

Tumango-tango pa siya, maya-maya pa lang ay nagsalita siyang muli.

"Balita ko nagpakasal kayo ni Sky 2 years ago. Ibig sabihin ba no'n ay buntis ka na nang ikasal kayo?" Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa kanya.

Nanatiling blanko ang ekspresyon niya at namayani ang katahimikan sa buong paligid. Anong gusto niyang iparating sa tanong niya?

Naikuyom ko tuloy ang palad ko at sumagot nalang. "Yes, I am pregnant with HIS child by that time."

JONHWhere stories live. Discover now