Chapter 12

1.3K 41 4
                                    

           

Jade

Napabuntong hininga na lang ako nang makatungtong ako sa harap ng pinto ng bahay namin ni Simon. Iniwan ko muna kasi sa Yaya niya si Dame, tapos ay buong araw akong na-kidnap ni Sky. Nanguso na naman tuloy ako nang maalala ang itsura ko ngayon.

I got my hair in bob cut style, I am wearing red lipstick with light make up and he made me wore a very short shorts with a white big shirt and it only covers my butt. And a gladiator shoes to top it all. Idagdag pa pala na may bitbit akong sangkatutak na paper bag.

Ibinili lang naman ako ni bakla ng wardrobe change dahil lakas loob niyang tinapon sa basurahan kanina ang mga damit at dresses na ibinili ni Simon sa akin. Tsk tsk tsk!

Napabuntonghininga nalang ulit ako nang pumasok ako, saktong pag-angat ko tingin ko ay nakita ko ang napatulalang mukha ni Simon.

"Babe," I called him. Ibinaba ko muna sa sahig ang dala ko at nilapitan siyang nakatayo sa living area. He looked like he just came home, sabagay gabi na. At tulog na panigurado si Dame.

"Babe, you look---" Hindi ko siya pinatapos at sumingit na ako.

"I looked horrible? I mean, si Sky kasi. Sabi niya kasi mukha raw akong losyang, porket daw may anak na ako ay 'di ko kailangan magmukhang losyang. Na kesyo ganito na kesyo ganyan."

Naguluhan naman ako sa isinukling ngiti ni Simon at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Babe, calm down. You look stunningly beautiful."

And with that I went silent. Is that joke or another lie of his? Grabeng compliment kasi ang binigay niya, ang palagi ko kasing naririnig sa kanya ay ang sabaw na 'you are beautiful' with kasamang pekeng ngiti. Pero ngayon, Iba ang ngiti niya na may halong pagtitig pa.

Hindi kaya umeepekto ang sinasabi ni Sky?

"Maganda ba ang ganitong style?" I asked looking at my appearance too. Nagulat naman ako nang biglang hilahin ni Simon ang kamay ko at inilapit ako sa kanya. We're just inches from each other, kaya 'di ko maiwasang mailang at mapatingin sa ibang gilid.

"Babe, kahit anong isuot mo, you're always beautiful in my eyes." At 'yan ay bola na. Ngumisi tuloy ako at tinulak ko siya nang bahagya, para magka distansya kami. Delikado e, kahit naiilang ako alam kong iba ang tibok ng puso ko. Tsk.

"Sus, binola mo na naman ako. Sige na nga, magpahinga na tayo. Gabi na, paniguradong maaga ka na namang aalis bukas." Saad ko habang tinutungo ang mga pinamili namin kanina. I was about to pick my stuffs when I felt Simon's arms on my waist.

He was back hugging me, "Babe. Can I sleep with you tonight?"

Hindi ko napigilang mapakagat labi sa tanong niya. His voice is so husky that it was almost a whisper. I admit na naaalala kong may ginaganito rin siyang ibang babae, pero hindi ko mapigilang isiping matagal kong inaantay ang mga ganitong pagkakataon. How I dreamt for this to happen for so long, how I wished for it for so long and this reality here is just right in my grasp.

Napangiti ako, saka ko tinanggal ang kamay niya sa beywang ko para harapin siya. "Hmm, ba't kaya naglalambing ang babe ko?"

He smiled on my question and pulled me by my waist again.

"Namiss kita e," he said putting his face near my neck. Napabuntong hininga na lang ako at pinulupot rin ang braso ko katawan niya para yakapin siya.

"I miss you too, Babe."

Nagising ako sa umaga nang wala na si Simon at Dame sa tabi ko. Paniguradong kumakain na ang mag-ama ko sa baba. And yes, Simon slept with me and Dame last night. Sa totoo lang, we made out a lot of times, but we never did 'it'.

JONHWhere stories live. Discover now