Chapter 11

1.6K 54 14
                                    




Jade

Pagpasok ko sa bahay ay kaagad idinikit ko sa mukha ko ang isang pekeng ngiti. Kailangan ko 'to, saka sanay na rin akong ginagawa 'to.

"Simon," I called the guy walking back and forth in the living room. He looked like he just got home too, he's still wearing his offie suit. Sabi ko na nga ba't do'n na naman siya nanatili sa babae niya.

"Babe, I was worried sick. Hindi mo ako tinawagan, nalaman ko na lang na 'di ka natulog dito nang tumawag ako sa katulong." He hurriedly run towards me, I was taken aback when I saw how worried his eyes were. Is he really that worried? Why? Parang natural na lang naman na umaalis ako paminsan-minsan sa bahay e.

Ngumiti na lang ako ng mas malamapad at tinapik ang balikat niya. "Babe, may pinuntahan lang ako. Parang 'di ka pa nasanay, saka umuwi na naman na ako 'di ba?"

Hindi niya na naman sinagot ang tanong ko at niyakap niya ako ng mahigpit. What's wrong with him?

"Babe, is there something wrong?" This time, my question was sincere. After all, I love this bastard here.

Hindi naman bumitaw si Simon at naramdaman ko na ang tungki ng ilong niya sa leeg ko. He smelled me. What on earth is he doing? I knew he can be sweet and clingy, but not intimate.

"Simo---" Akmang itutulak ko na siya nang siya mismo ang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at nakakunot noong tumingin sa akin.

"Jade, where were you exactly last night?"

Ako naman ang napakunot noo. "I told you, I was from my old friend's place."

"Old friend, who?"

My jaw dropped, he was never this type. He never cared where I went or whom I met. There's something wrong here.

"Babe, are you upset or something? May problema ba sa kumpanya?" Pang-iiba ko ng tanong, pero bigla niyang hinwakan ang braso ko at inilapit ako sa kanya.

"Huwag mong ibahin ang usapan, saan ka nanggaling kagabi?"

"Ano ba? Sabi ko 'di ba, sa kaibigan ko."

Nakita ko kaagad ang mas lalong pagdilim ng ekspresyon niya at dalawang braso ko na ang hinawakan niya. Para siyang galit, pero parang hindi. It was as if there's something else on his stare.

"Jade, you smelled different. I can smell a man's perfume on you. Where were you?"

With that I went silent. I smelled like a man's perfume? Napaiwas ako kaagad ng tingin, saka ko pasimpleng inamoy ang sarili ko. Saka ko lang nakitang naka-tank top na lang ako at hindi ko na suot ang denim jacket ko. Nang maamoy ko naman ang sarili ko ay naamoy ko ang isang pamilyar na amoy. It was Sky's.

Siguro dumikit sa akin kasi buong gabi kaming magkayakap, matapang pa namna ang mga pabango ng baklang 'yon.

"Simon, I—Kasi--- Ano---"

"What?" Simon asked looking hurt. Hurt, really? Darn, anong rason pa ba ang pwede kong ibigay?

Napasuklay na lang ako sa buhok ko gamit ang daliri ko at hinarap ang titig ni Simon. There's no point denying now, besides Sky and I were in an agreement already.

"I was with Sky."

Matapos kong sabihin iyon ay nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya at napabuntong hininga. "Kay Skyler? Akala ko kung san ka na nanggaling."

Ngumisi na lang rin ako ng pilit, dahil nalaman niya na, siguradong pepestehen na niya naman ako sa annulment.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin kaagad?"

JONHWhere stories live. Discover now