Chapter 10

1.5K 50 7
                                    

           

Jade

After the disturbing words that Sky told me on the phone, I hurriedly hang up. Hindi ko kasi maintindihan ang pinagsasabi niya, maayos naman kasi ang pag-uusap namin kanina bago ako umalis ng bahay niya. Pero bigla siyang tatawag ngayon na para bang wala lang kami pinagkasunduan.

Matapos naming kumain ng hapunan ay nagpaalam si Simon na may aasikasuhin muna raw sa kumpanya niya. Hindi na ako nagtanong kung bakit biglaan, kasi alam ko naman ang sagot. Maybe Eirene is nearby, I don't need to think anything else. I knew it for sure.

Pinatulog ko na rin si Dame, dahil alam kong kapag hinayaan ko pa siyang gising ay hihintayin niya pa ang daddy niya. Katatapos ko lang maligo at akamang magbibihis na ako nang tumunog ang telepono ko. Napataas akaagad ang kilay ko nang makitang si Sky na naman ito.

Should I answer or not? Or just not? Tsk!

Sinagot ko pa rin at kaagad naglitanya. " Ano? Leche ka! What are you going to say this time, huh? You want me back? Oh shut up, Sky! You pushed me away; I gave you what you want! Ano na naman 'to? Hindi ba masaya ka na ngayon na malaya ka na? Nakakabwisit kang bakla ka!"

Natigilan naman ako nang isang malakas na tawa ang isinagot ng nasa kabilang linya. Nangunot ang nook o at tinignan ko pa ang cellphone ko kung si Sky nga. Pero si Sky naman ang nakalgay sa caller, kaya nagtataka akong nagtanong.

"Sky?"

"Hmm, cupcake. Sorry to break it up to you, but Sky didn't hear a word. Nakatulog na kasi si Sky dito sa bar dahil sa kalasingan. Alam mo naman, pinoproblema ka niya. Kaya sana pwedeng ikaw naman mamoblema sa kanya, medyo busy ako sa bar ko e."

Napanganga ako kaagad sa isinagot ng lalaki s akabilang linya. Isang tao lang tumatawag sa akin na cupcake. That damn guy best friend of Sky, Bryant Jaron De Vera.

Napasuklay tuloy ako sa sa buhok ko gamit ang aking daliri saka sumagot. "Ba't ako ang kailangan mag-alaga dyan? "

"Cupcake, ikaw ang asawa. Sino pa ba tatawagan ko?  Alam mo naman saan ang bar ko, puntahan mo na agad 'to. Bago ko pa maisipang ibigay sa kung sinong chicks 'tong isang 'to para maging lalaki na. Hahaha!"

"Hey! Stay put! I will be there in 20 minutes!"

Nagmadali akong magbihis ng simpleng fitted jeans, black tank top at denim jacket. Alangan naman kasing mag-dress pa ako e susundo nalang nga ako ng baklang lasing. Aarte pa ba ako?


Ibinilin ko na muna sa katulong ang pag-aalaga kay Dame. Panigurado kasing matagal ang pag-uusapan namin ni Sky kung sakali. Nang makarating na anman na ako sa bar ay nakita ko kaagad ang bulto ni Sky sa bar counter. Halatang natutulog na ito sa counter. Iinom inom, tapos hindi naman pala kaya. Tsk!

"Cupcake," the guy in front of Sky called me. Tinanguan ko lang siya, isa kasi siya sa mga taong hindi ko gustong makausap o makasama man lang.

"Iuuwi ko na 'to," paalam ko na lang at inumpisahang kayain si Sky. Lasing na lasing ang bakla, kaya pala kung ano ano na lang pinagsasabi niya sa telepono kanina. Ano naman kayang problema nito at ako na naman ang nag-drunk call niya?

Nasa kalagitanaan ako ng paghihirap sa pag-akay kay Sky nang biglang magsalita si Bryant. "Jade, galit ka pa rin ba sa akin?"

Natigilan na lang ako at napatingin sa kanya. Napataas pa ang kilay ko, may gana pa talaga siyang banggitin ang pangalan ko at tanungin ako.

"Hindi." Maikling sagot ko na lang at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Pero biglang kinuha niya sa pagkakaakay sa akin si Sky. Siya na ang gumawa no'n kaya sinamaan ko kaagad siya gn tingin.

JONHOù les histoires vivent. Découvrez maintenant