Chapter 13

1.3K 34 1
                                    

           

Jade

Tumikhim ako nang sobrang tahimik kaming tatlo dito sa study room ni Simon. Nakaupo si Simon upuan niya samantalang nasa tabi niya ako at nasa tapat namin si Sky.

"About---" Magsisimula n asana si Simon nang unahan na siya ni Sky. Nakangisi ang bakla, kaya alam kong wala sa kanya ang tension na nangyari kanina.

"Ako muna magsasalita mga beshie ha, pasensya sa nangyari kanina. Nakita kong nagwarla *away* kayo ni Jade kanina Fafa Simon, ako na ang hihingi ng pasensya. Itong kagandahan ko na ang nagso-sorry ha at 'di na mauulit 'yon. Hands off na ako sa beshie Jadeyy ko, nasanay lang talaga akong ginagawang manika ko 'yan. Hindi lang ako sanay na may iba—I mean may boylet na siya."

Nagkatinginan kami ni Simon, kaya naman nginitian ko siya. Alam kong totoo ang sinabi ni Sky, pero hindi niya naman kailangan humingi ng pasensya. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko naman siya kakausapin tungkol doon, dahil paniguradong wala nang madadatnan si Simon na gano'n. Kasi parati naman siya sa babae niya at alam kong wala lang talaga iyon sa kanya. Siguro nasagi ko lang ang ego niya sa unang pagkakataon, kaya ganyan siya umasta.

Tumango naman bigla bilang ganti si Simon sa sinabi ni Sky at ngumiting bumaling kay Sky. "Okay, apology accepted. And about Jade's work."

Nagsalita kaagad si bakla," it will be easy. Her work will be my vice president, she can stay sitting pretty all day she wants or tumulong siya. Siya ang bahala, sudems*never* ko naman siyang hahayaan mahirapan. She's my gir—I mean she's my partner, my bestfriend."

"Hmm, okay then. Sige papayagan ko si Jade. Pero sana magkasundo tayo na kapag gusto niyang umalis na pagtatrabaho ay papayagan mo rin siya?" Simon asked Sky. Ngumisi si bakla at tumango-tango.

"Of course, of course papayagan ko siya, shokot*takot* ko lang sa'yo 'no. So okay na?"

Simon stood up and offer his hand for a handshake, itong si bakla naman excited na inagap ang kamay ni Simon at mabilis na nakipagkamay. Kaso ang tagal niya nga lang binitawan, kaya tumikhim na lang ako.

"Let's have dinner na siguro?" I asked. They both nodded then.


Unang araw ko sa trabaho ngayon, kaya naman inihatid ako ni Simon. We're already in front of the building and Simon won't let go of my hand.

"Babe, kailangan ko nang pumasok." Anas ko pa, kaya naman nginitian ako ng pilit ni Simon at hinalikan ang kamay kong hawak niya.

"Kasi e, paniguradong pag-uwi ko sa bahay hindi ka na laging nandoon." He pouted a bit, that's why I smiled and kissed his cheek.

"Babe, wala naman akong pasok kapag weekends. We can always make time every weekends, okay na ba 'yon? "

Bumuntong hininga na lang siya at binitawan na ako. Mabigat sa loob niyang binuksan ang pinto niya saka pumunta sa gawi ng pinto ko para pagbuksan ako.

"Ingat ka mamaya pag-uwi ha? Hindi kita masusundo, kasi hindi ko alam ang tapos ko ngayon." He sadly looked at me. Kaya naman ngumiti pa ako lalo at niyakap siya saglit.

"Yes po, I will take care. Ikaw rin ha? See you later."


Saktong pagkaalis ni Simon ay narinig ko ang paglakpak ng kung sino sa entrance ng gusali. Si Sky lang pala, in fairness ha, aurang lalaki siya ngayon. He's wearing all-black business attire with white shirt underneath. Damn, sexy tignan ni bestfriend!

"Skyyyy!" I called his name as I walked towards him. But his royal face was frowning. Anong problema nito?

"Sabi ko na e, hindi mo talaga ako susundin 'no?" His deep voice made me swallow. Shet! Ang sexy talaga pakinggan ng boses ni bakla! Hahaha

JONHWhere stories live. Discover now