Chapter 8

2.1K 69 8
                                    




Jade

"Babe, something important came up. Nagkaaberya ang isa sa branch sa Davao, pinapapunta ako ni Daddy roon. Pasensya ka na, hindi kita masasamahan sa mamaya."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig kong paliwanag ni Simon sa telepono. Mamayang hapon na ang kasal, pero bigla siyang umayaw. Hindi ko naman pwedeng bawiin ang sinabi ko kay Desiree na pupunta ako, baka magalit iyon sa akin. Napabuntong hininga nalang tuloy ako.

"It's fine. I can manage on my own." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Nakahanda na ang lahat ng kailangan namin sa pagpunta, maliban nalang sa lakas ng loob kong harapin si Sky. Lalo pa ngayon na hindi ko kasama si Simon, kinabahan tuloy ako bigla.

"I'm sorry, Babe. I really am."

"No, it's fine. I'll hang up now. I need to get ready." I said and cut off the call, I just don't know how to start preparing now. I sighed remembering that we had to send Dame to my parent's house earlier. Kung alam ko lang na 'di makakapunta si Simon, sana umpisa pa lang nagpalusot na ako kay Desiree. Pero ayaw ko rin namang magtampo siya, kaunti lang ang kaibigan ko no'ng college. At isa na siya roon at kung itatanong sa akin, si Sky lang talaga ang pinaka-close ko sa kanila.

And here I go again with Sky, just thinking of him make me feel uncomfortable. Damn it, Skyler Damien! How we did we end up in such a mess?


Nakahinga ako ng maluwag nang walang Skyler na nagpakita sa simbahan. At ngayon na patungo na kami sa isang hotel para sa reception ng kasal, nakikihalubilo na ako ng natural at walang inaalala. Humingi na rin ako ng despensa kay Desiree na 'di nakadalo si Simon, okay lang naman daw sa kanya. Kaya naman masayang nakikipagkuwentuhan nalang ako sa mga kaibigan ko no'ng college habang nag-uumpisa na ang kainan.

"Naku Jade, napakalaki ng ipinagbago mo. You looked matured now," said one of my friends in the table. Andito rin si Desiree, nakikipag-usap sa amin. It was a table for six, but 2 seats are empty that's why Desiree came to chitchat a bit.

"Well, you still look good in that gown. Though sabi nga nila, nagmature ka na." Puna pa ni Desiree, kaya naman napatingin nalang ako sa suot kong V-necked, long sleeved silk black dress. Siguro nga nagmature ang itsura ko, lalo pa't naka-bun ang buhok ko at kaunting make-up lang ang inilagay ko. And I just put a light matte brown lipstick to make it simpler.

These past few years, I haven't been putting a lot of care on the way I look. I just want to look after my child, that's why I didn't even bother.

"Masyado lang sigurong natuon ang atensyon ko sa anak ko, kaya mas nagmukha akong mature." Tumawa nalang ako ng bahagya sa sinagot ko. Kaya naman nakisabay nalang sila.

Sumubo na ako pagkain, pero agad napako ang mga mata ko nang may isang bultong lumapit sa table namin. I almost choke my food, but then I hurriedly swallowed it. And of all the time on the world, I didn't thought he would show up. But now he's here, in front of us.

"Hi," he greeted to everyone. Napatingin siya sa gawi ko, kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko akalain na pupunta pa siya, kasi 'di naman siya nagpakita pa simbahan.  Pero maling-mali ang inakala ko, ngayon halos nasa kanya na ang atensyon ng mga tao sa table namin pati ako. Who wouldn't look on his way? Who wouldn't look at the dashing Skyler Damien?

The man is wearing a royal black executive suit and because of his face with royal-like features, he got most of the attention of the ladies. If only they knew that they're staring at a gay.

Napakagwapo naman kasing tingnan ni Sky, lalo pa't nagpatingkad sa kapogian niya ang suot niya. Napailing nalang tuloy ako para maiwaksi sa isip ko ang pagpuri sa kanya. Dapat ay kinakabahan ako dahil andito na siya, pero mukhang 'di naman.

JONHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon