Sa Kabila ng Lahat

9.3K 23 2
                                        



Sa Kabila ng Lahat

Ang makarinig ng huni ng ibon at musika mula sa iba't-ibang boses ng mga kilalang mang-aawit lamang naman ang tangi kong hiling. Ang mapakinggan ang boses ni ama, ina at ng iba ko pang kaibigan ang aking nais pero bakit tila puno ng balakid? Tila madaming harang na kahit anong boses at ingay ay hindi makadaan. Tila ba pinagbabawalan at ako'y pinagkakaitan. Kilala mo na siguro ako. Ako si Bingi at aking ikukwento ang aking buhay sa kabila ng lahat.

Isa ako sa mga taong mayroong kapansanan. Kami iyong mga taong itinuturing ng iba na espesyal pero kami rin ang mga indibidwal na naaapi at busog na busog sa panlalait ng iba. Pero dahil wala akong kakayahang makarinig at isa lamang bingi, hindi ko mapakinggan ang mga pang-aalipustang kanilang inuusal sa mga sari-sariling bibig. Sa kabila nito, rinig na rinig at aking nadarama ang mga salitang ibinabato nila sa akin sa pamamagitan ng mga mata nilang nanliliit sa bawat oras na kaharap ko sila.

Sakit—iyan ang aking nararamdaman. Iyan ang tangi kong alam. Gusto kong sabihin at ibato sa kanila ang mga salitang, "Bakit? Perpekto ba kayo? Hindi naman 'di ba?" Pero wala akong lakas nang loob sapagkat nananaig ang takot na akong nadarama. "Hindi na nga makarinig, hindi pa makapagsalita." Masakit, hindi ba? May ilang naaawa, ngunit may ilan ring wala sa diksyunaryo ang salitang ito. Sa bawat salita at letrang aking sinusulat, katumbas ang luhang nagmumula sa aking matang patuloy ang pagtulo ng luha habang mahinang binubulong ang mga katagang, "Ano ba ang puwang ko? Ano ba talaga ang kwenta nang mga tenga na ito?"

Ngunit sa kabila nang lahat ng mga pang-aalipusta at pangmamaliit, may puwang pa rin ang kasiyahan sa aking dibdib. Wala man akong tenga, may boses pa rin naman ako na kahit anong oras ay pwede kong ipagsigawan. And'yan pa ang aking mga kamay na maaari kong gamitin sa pagpipinta at nandiriyan pa ang aking mga paa na pwede kong gamitin sa pagtakbo upang makarating sa dulo ng tagumpay—sa dulo nang walang hanggang kasiyahan na hindi mapapantayan nang pinakamagandang huni nang ibon o pinakamalakas na birit nang isang manganganta. Hindi man ako buo, maraming alternatibong paraan upang ako ay maging produktibo. Iyan ang aking panghahawakan, ang aking magiging lakas at ang aking magiging panlaban sa bawat hakbang na aking gagawin sa ating mundong ginagalawan.

etype��r�5Y

Feature ArticlesWhere stories live. Discover now