Study vs. Love

2K 19 3
                                        

Study Vs. Love

"Dug, dug. Dug, dug." Ito na naman ang malalakas na tibok nang aking puso dahil kaharap ko na naman s'ya! "Kring! Kring! Kring!" Pero teka! Next subject na! Teenage Life, ating kalikutin, naranasan mo na ba at nararanasan mo ba? "Mahirap pagsabayin" sabi ng iba. "Madali lang naman." Tugon ng karamihan. Kung mahirap, ipagpapatuloy mo ba? Kung madali, paano ba? Study vs. Love, hindi na bago sa ating isipan. Madalas nating mabasa at marinig kung saan-saan. Ngunit ang malaking tanong ay, ano ba ang mas dapat na pahalagahan?

"Mag-aral ka muna". Ang linyang madalas na nasasagap ng ating mga tenga mula sa bibig ng ating mga magulang. "Mahal ko naman, e. Bakit ba?" Bukangbibig ng mga taong patuloy na nagmamahal kahit ano pa ang sabihin ng iba. Pag-aaral na tungo sa ating tagumpay, pag-ibig na tungo sa ating kaligayahan. Pag-aaral na bitbit ang sangkatutak na kaalaman at pag-ibig na bitbit ang sangkatutak na pagmamahal. Pag-aaral na alay sa mga magulang, pag-ibig na alay sa taong minamahal. Pag-aaral na isip ang sandata, pag-ibig na puso ang panangga. Ang hirap mamili, hindi ba?

Kung pag-aaral ang pag-uusapan, ito ang susi upang makamit ang inaasam na tagumpay. Ang makitang may ngiti sa mga mata ng ating mga magulang habang nagsasabit ng medalya ang nais ng karamihan. Simula pagkabata ay tutok na sa pagtuklas ng iba't-ibang kaalaman. Pero paano kung dumating na ang buhay binata o dalaga kung saan titibok ang puso mo nang pagkabilis-bilis hindi dahil sa pagod ka o kung ano pa man, kung hindi dahil sa isang taong iyong natitipuhan? Kaya mo pa bang kontrolin ang iyong sarili kung ayon nga sa isang kanta ay, "Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito?"

Sa mga taong masyadong nalulong sa pag-ibig, kadalasan, sila 'yong bumababa ang grado sa kanilang mga asignatura. Mas binibigyang-pansin nila ang tinitibok ng kanilang puso. Ang maagang paglobo ng tiyan ng mga kababaihan, pagkakaroon ng pamilya sa batang edad at pagtaas ng rate ng teenage pregnancy ang isa sa mga sanhi ng pagiging mapusok kaya hindi na nagagawa pang pigilan ang sarili. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, ang dulot ng pag-ibig ay kasawian. Sa mga taong "easy lang" kung magmahal at sa mga taong ginagawang inspirasyon at hindi disperasyon ang kanilang minamahal, sila 'yong mas lalong tumataas ang marka sa pag-aaral at mas lalong lumalaki ang pag-asang magtagumpay upang hindi lamang magulang niya ang makitang nakangiti sa pagkuha ng diploma kundi ang taong kan'ya ring inaalayan ng pag-ibig at mas maging matagumpay at magkaroon ng pag-asenso sa buhay.

Sapul na sapul ka na ba? Bawal umilag, pasensya na. Kabataan nga naman, sobrang daming alam sa pagmamahal. "Study vs. Love", balanse ang kailangan upang hindi maapektuhan ang pag-aaral. Bago mo tahakin ang kaharian ng pag-ibig, tanungin mo muna ang iyong sarili, "Kaya ko ba? Kaya ko bang pagsabayin ang dalawang bagay na aking inaasam?"

Feature ArticlesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ